Ogie D, nabanggit kay Xander Ford ang 'attitude' nito noon na siya mismo ang nakasaksi

Ogie D, nabanggit kay Xander Ford ang 'attitude' nito noon na siya mismo ang nakasaksi

- Sa panayam niya kay Xander Ford, naikwento ni Ogie Diaz ang umano'y nasaksihan niyang attitude nito

- Nakita mismo umano ni Ogie kung paano itrato ni Xander ang kanyang fans noon

- Hindi niya napigilang isipin na nagbago lamang daw ang itsura nito ay pati na rin ang ugali ni Xander

- Ayon naman kay Xander, si 'Xander' iyon at hindi si Marlou na mabait naman daw sa likod ng camera at social media

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ni Ogie Diaz ang nasaksihan niya umanong 'attitude' ni Xander Ford noon.

Ogie D, nabanggit kay Xander Ford ang 'attitude' nito noon na siya mismo ang nakasaksi
Ogie D, nabanggit kay Xander Ford ang 'attitude' nito noon na siya mismo ang nakasaksi
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na kanila mismo itong natalakay ni Xander nang kanya itong makapanayam sa Ogie Diaz Inspires channel.

Una nilang napag-usapan ang umano'y ugali ni Xander na ipinakita buhat nang sumailalim siya sa cosmetic surgery.

Ayon kay Ogie, siya mismo ang nakasaksi nito nang minsang mapadaan si Xander sa mga fans nitong nag-aabang.

Read also

Xander Ford, nais na personal mag-sorry kay Kathryn: "Content lang po, bayad ako"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"May attitude ka talaga... Oh my god! Eto yung batang 'to na nagbago lang 'yung itsura, wala nang kilala. Parang ayaw mo silang hawakan, o ayaw mong hawakan ka nila," ani ni Ogie.

Sagot ng socmed personality, si Xander umano iyon at hindi si Marlou Arizala na mabait naman daw talaga sa likod ng camera at social media.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Inspires channel:

Si Marlou Arizala ay kilala bilang si Xander Ford sa social media. Pinalitan ang kanyang pangalan matapos ang kanyang kontrobersiyal na make over na naibahagi rin sa programang Rated K.

Gayunpaman, matapos ang kabi-kabilang kontrobersiyang kanyang kinasangkutan ay tuluyan na siyang binitawan ng management na tumulong sa kanyang make-over.

Kamakailan, masayang inanunsyo nina Xander at ng kanyang nobya na si Gena Mago na magkakaroon na sila ng baby.

Read also

Cristy sa ilang AlDub fans: "Nang-iinis nalang itong mga ito e"

Gayunpaman, habang sila ay nagdiriwang sa biyayang paparating, hindi pa rin naman sila tinantanan ng mga bashers na maging ang kanilang anak sa sinapupunan ay hindi nakaligtas sa mga hindi magagandang komento ng ilang netizens.

Sa kanya mismong Facebook post, ibinulalas ni Gena ang kanilang reaksyon sa mga bashers na ito."Sa mga basher din po okay lang po kami ang ibash ninyo wag lang po yung magiging baby namin please lang," aniya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel