GF ni Xander Ford, buntis; "Yes po pregnant po ako for 6 months"

GF ni Xander Ford, buntis; "Yes po pregnant po ako for 6 months"

- May mensahe ang girlfriend ni Xander Ford na si Gena Mago na anim na buwan nang buntis

- Kinumpirma niya ito sa pamamagitan ng kanyang Facebook post kung saan nasabi niya ang saloobin sa naging komento ng ilan sa kanyang pagbubuntis

- Nakiusap din siya sa kanilang bashers na huwag nang idamay ang kanilang magiging anak sa mga pambabatikos ng mga ito

- Matatandaang una nang inanunsyo ni Xander ang pagbubuntis ni Gena at sinabing sobrang excited na siyang malaman ang kasarian ng kanyang first baby

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay na rin ng pahayag ang girlfriend ni Marlou Arizala o mas kilala bilang si Xander patungkol sa kanilang pagbubuntis.

GF ni Xander Ford, buntis: "yes po pregnant po ako for 6 months"
Xander Ford kasama ang Gf na si Gena (Gena Mago)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa kanyang Facebook post, ibinulalas ni Gena Mago ang kanyang saloobin lalo na sa mga naging reaksyon ng ilan sa kanyang hindi inaasahang pagdadalang-tao at si Xander ang ama nito.

Aniya, anim na buwan na siyang buntis at ito ang magsisilbing inspirasyon nila upang mas lalong magsumikap sa buhay.

"Papanindigan namin ito at papalakihin namin ang magiging baby namin ng maayos at ipapangako namin na magiging isang mabuting magulang kami sa kaniya," ang bahagi ng post ni Gena.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Habang may mga natutuwa para sa biyayang paparating sa kanila ni Xander, nakiusap din naman si Gena sa kanilang mga bashers.

"Sa mga basher din po okay lang po kami ang ibash ninyo wag lang po yung magiging baby namin please lang"

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Si Marlou Arizala ay kilala bilang si Xander Ford sa social media. Pinalitan ang kanyang pangalan matapos ang kanyang kontrobersiyal na make over na naibahagi rin sa programang Rated K.

Gayunpaman, matapos ang kabi-kabilang kontrobersiyang kanyang kinasangkutan ay tuluyan na siyang binitawan ng management na tumulong sa kanyang make-over.

Ibinahagi ni Xian Gaza na binigyan na niya umano ng trabaho si Marlou. Matatandaang kamakailan ay humingi ito ng tulong sa kanya nagbabaka sakaling may trabahong maaring ibigay sa kanya. Nagbiro man si Xian na dadalhin umano niya sa Ukraine si Xander, binigyan pa rin niya ito ng mapapagkakitaan.

Kamakailan ay naging usap-usapan ang pag-uusap nila Marlou at Xian Gaza. Naibahagi ni Xian ang kanilang naging pag-uusap kung saan sinabi ni Marlou na nais niyang magpatayo ng pizza business. Agad namang nagbigay ng kanyang mga suggestions si Xian para sa binabalak ni Marlou na itayong negosyo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel