Wilbert Tolentino, emosyonal na naglabas ng saloobin sa panibagong live video

Wilbert Tolentino, emosyonal na naglabas ng saloobin sa panibagong live video

- Muling naglabas ng live video si Wilbert Tolentino hindi para umano makipag-away kundi para magpaliwanag sa tao

- Kaugnay ito sa naging dahilan umano kung bakit siya dumating sa puntong naglabas siya ng video

- Kaya umano naglabas siya ng screenshot dahil sa tingin niya ay hindi siya paniniwalaan kung ikukumpara kay Zeinab na milyon-milyon ang followers

- Sumama umano ang loob niya sa post ni Zeinab na hinayaan lang na pagpiyestahan ng tao ang pangalan niya kaya naapektuhan umano ang kanyang kredibilidad

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Emosyonal si Wilbert Tolentino sa isang bahagi ng live video na kanyang nilabas ngayong gabi. Aniya, hindi siya nag-live para makipag-away kundi para lang magpaliwanag.

Wilbert Tolentino, emosyonal na naglabas ng saloobin sa panibagong live video
Wilbert Tolentino, emosyonal na naglabas ng saloobin sa panibagong live video (@sirwil75)
Source: Instagram

Marami ang sumubaybay sa video ni Wilbert dahil sa isyung mainit na pinag-usapan kung saan ilang personalidad pa ang nadawit.

Aniya, sumama lang talaga ang loob niya na hinayaan ni Zeinab na pagpiyestahan ang pangalan niya sa kanyang post kamakailan. Kaya umano naglabas siya ng screenshot dahil sa tingin niya ay hindi siya paniniwalaan kung ikukumpara kay Zeinab na milyon-milyon ang followers.

Read also

Zeinab Harake kay Wilbert Tolentino: "Hindi ka naging user"

Humingi rin siya ng dispensa sa mga taong nadamay sa kanyang nilabas na video.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Wilbert Ting Tolentino ay isang Chinese-Filipino entrepreneur na nakilala nang tanghalin siyang Mr. Gay World Philippines in 2009. Naging manager din siya ng ilang sikat na social media personalities kagaya nina Madam Inutz at Herlene Budol.

Matatandaang diretsahang sinagot ni Wilbert ang isang blind item tungkol sa umano'y comedienne na nagbago ng image. Sa caption ng naturang blind item ay may tanong kung totoo bang uma-attitude na umano ang naturang comedienne na bibidahin. Nilinaw ng manager ni Herlene na noong nag-inquire sa kanya ay hindi pa nakapag sign ng contract sa Binibining Pilipinas si Herlene. Ginawa lamang umano niya ang kanyang obligasyon bilang manager at iyon ay ang protektahan ang hinahawakan niyang artist.

Kinalaunan ay nagsalita na rin si Herlene Budol kaugnay sa isyung lumaki na umano ang ulo niya at nagbago na ang ugali niya. Ito ay matapos umano ang tinatamo niyang kasikatan matapos niyang sumalang sa Binibining Pilipinas kung saan tinanghal siyang first runner up. Ani Herlene, sa kasalukuyan ay hindi na lang sa kanya nanggagaling ang desisyon at dapat niyang isa-alang-alang ang desisyon ng mga taong nag-aalaga sa kanya. Matatandaang nauna na ring inalmahan ng manager niyang si Wilbert Tolentino ang isang blind item na aniya ay alam niyang si Herlene ang tinutukoy.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel