Wilbert Tolentino, sinabing threatened umano si Zeinab kina Madam Inutz at Herlene

Wilbert Tolentino, sinabing threatened umano si Zeinab kina Madam Inutz at Herlene

- Threatened umano si Zeinab Harake kina Herlene Budol at Madam Inutz

- Isa ito sa mga naging rebelasyon ni Wilbert Tolentino sa kanyang pinakabagong vlog

- Aniya, ito ang dahilan bakit hindi nagkaroon ng collab video ang tatlo o maging ang isa kina Herlene at Madam Inutz na kasama si Zeinab

- Agad namang naglabas ng Facebook live video si Zeinab para magbigay naman ng kanyang pahayag

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga isiniwalat ni Wilbert Tolentino sa kanyang vlog noong gabi ng Oktubre 23 ay ang dahilan kung bakit hindi umano nagsasama sa isang vlog sina Zeinab Harake, Madam Inutz at Herlene Budol.

Wilbert Tolentino, sinabing threatened umano si Zeinab kina Madam Inutz at Herlene
Wilbert Tolentino, Madam Inutz at Herlene Budol (@daisyinutz)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na sinabi mismo ng manager nina Madam Inutz at Herlene na threatened si Zeinab sa mga ito.

"Just imagine, kung gusto mo talagang tumulong kay Hipon, dapat konollab mo pero ang sabi mo sa akin, hindi mo siya iko-collab mga zebbies mo malilipat kasi magaling si Hipon," pahayag ni Wilbert gayung si Zeinab daw ang nagpakilala kay "Hipon Girl" sa kanya.

Read also

Madam Inutz, makulit na video ang umano'y reaksyon sa 'rebelasyon' ni Wilbert Tolentino

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi rin nalalayo rito ang umano'y dahilan ni Zeinab kung bakit wala itong collab video kay Madam Inutz.

"Nakita niya na si Madam Inutz na isang komedyante ren. Nati-threat siya kay Hipon at kay Madam Inutz. Kaya wala kayong makikitang nag-collab silang 3 o silang dalawa," paliwanag ni Wilbert.

Aniya, tila natatakot si Zeinab na mapunta ang kanyang mga subscribers sa dalawa na kinakitaan umano niya ng potensyal.

"Inisip niya na once na mag-collab siya, lilipat ang subs niya sa iba. Ganun siya kagaling bilang isang vlogger," dagdag pa ni Wilbert.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa kanyang YouTube channel na Wilbert Tolentino VLOGS:

Si Wilbert Tolentino ay isang kilalang negosyante sa Pilipinas. Makikita ang kanyang pagiging pilantropo sa ilan sa kanyang mga vlogs na mapapanood sa kanyang YouTube channel. Hindi lamang puro entertainment ang hatid ng kanyang mga video kundi ang inspirasyon na makatulong sa kapwa.

Read also

Zeinab, pinabulaanang kalahating milyong piso ang bigay ni Wilbert para sa kanyang YT intro

Talent manager din siya ng ilang mga kilalang vloggers sa bansa at isa sa kanyang mga alaga ay ang nag-viral na online seller at naging Celebrity housemate ng Pinoy Big Brother Season 10 na si Madam Inutz.

Gayundin si Binibining Pilipinas 2022 first runner-up Herlene Nicole Budol na ngayo'y abala na sa paghahanda para sa Miss Planet International 2022 na gaganapin sa Uganda.

Samantala, sa mga oras na sinusulat ang artikulong ito ay naglabas na rin ng saloobin si Zeinab Harake ukol sa isyu sa pamamagitan ng Facebook live.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel