Rosmar Tan, nagbalik-tanaw noong nagtitinda pa lang siya ng ihaw-ihaw

Rosmar Tan, nagbalik-tanaw noong nagtitinda pa lang siya ng ihaw-ihaw

- Binahagi ni Rosmar Tan ang isang throwback picture niya kung saan makikita siya sa kanyang ihawan noon na naging negosyo niya

- Naibahagi niya din sa vlog ni Alex Gonzaga kamakailan na nakatira lang din siya sa likod ng pet shop noon

- Kaya naman, marami ang na-ispire sa kanyang kwento lalo at maituturing na isa siya sa mga kilala at matagumpay na negosyante sa kasalukuyan

- Naibabahagi niya sa social media ang mga bunga ng kanyang pagsusumikap at mga investment na kanyang naipundar

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Rosmar Tan ang kanyang throwback picture na aniya ay noong nag-iihaw-ihaw pa lang siya. Marami naman ang na-ispire sa kanyang kwento lalo at maituturing na isa siya sa mga matagumpay na negosyante sa kasalukuyan.

Rosmar Tan, nagbalik-tanaw noong nagtitinda pa lang siya ng ihaw-ihaw
Rosmar Tan, nagbalik-tanaw noong nagtitinda pa lang siya ng ihaw-ihaw (@rosmartan)
Source: Instagram

Matatandaang sa vlog ni Aex Gonzaga kamakailan kung saan inilibot niya si Alex sa kanyang bahay, naibahagi ni Rosmar ang tungkol sa kanyang humble beginnings.

Read also

Kristel Fulgar, madaling natanggap ang naudlot na hosting: "Hindi siya ganun ka big deal sa akin"

Aniya, noon ay sa likod lang siya ng pet shop nakatira dati at maliit lang ang kanyang tinitirhan. Ito ay noong nakaraang taon lang daw.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.

Matatandaang naging emosyonal ang vlogger na si Rosemar kaugnay sa video kung saan pinagtatawanan umano ang dati niyang itsura. Inalmahan niya ang umano'y pang-bu-bully sa kanya ng ilang sikat na influencer sa TikTok. Mayroon din umanong screenshot ng conversation ng mga ito ng kanilang pang-bu-bully kay Rosmar. Tila naman humingi na ito ng saklolo sa tinaguriang sumbungan ng bayan, ang "Raffy Tulfo in Action" na kanyang binanggit sa kanyang post.

Read also

Vice Ganda, bagong endorser ng Shopee: "Nakapag reinstall na ba lahat?"

Sinabi ni Rosmar na hindi talaga siya nagparetoke dahil natatakot umano siya. Nagpaturok lang umano siya para masubukan yung enhancement para magkaroon siya ng ilong na kagaya sa mga artista. Sa naturang video ay ginalaw pa niya ang kanyang ilong bilang patunay na hindi umano siya nagparetoke. Dagdag pa niya, alam umano niya na isang taon lang ang bisa ng kanyang pagpapaturok at bumalik na sa dati ang kanyang ilong.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel