Sunshine Cruz sa naranasang pagsubok: "Wala akong karapatang mag reklamo"

Sunshine Cruz sa naranasang pagsubok: "Wala akong karapatang mag reklamo"

- Sa post ni Sunshine Cruz sa kanyang social media account, naibahagi niya ang tungkol sa kanyang realizations at naranasang pagsubok sa loob ng 35 na araw na siya ay nasa lock in taping

- Hindi umano naging madali para sa kanya dahil wala siyang magawa kundi magdasal at umasa na lamang na magiging maayos ang lahat

- Gayunpaman, aniya ang mga pagsubok at problema ay bahagi na ng buhay at dapat ay mag-focus na lamang sa positibong pangyayari sa buhay

- Sa dami umano ng biyayang natanggap niya at ng kanyang pamilya ay wala na siyang karapatang magreklamo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagpost si Sunshine Cruz tungkol sa aniya'y pinagdaanang pagsubok a realizations habang nasa lock in taping siya sa loob ng 35 na araw. Hindi umano naging madali para sa kanya dahil wala siyang magawa kundi magdasal at umasa na lamang na magiging maayos ang lahat.

Read also

Mister sa viral na mag-asawang sabay na nagtapos ng elementary, papag-aralin pa ng Eat Bulaga

Sunshine Cruz sa naranasang pagsubok: "Wala akong karapatang mag reklamo"
Sunshine Cruz sa naranasang pagsubok: "Wala akong karapatang mag reklamo" (@sunshinecruz718)
Source: Instagram

Nabanggit niya rin na dahil bahagi na ng buhay ang problema at mga pagsubok dapat ay tingnan na lamang ang magagandang bagay na nangyayari. Dagdag pa niya, sa dami umano ng biyayang natanggap niya at ng kanyang pamilya ay wala na siyang karapatang magreklamo.

Nagbahagi din siya ng isang quote tungkol sa pagtanggap ng mga nangyayari sa buhay.

“Everything happens for a reason, live it, love it, learn from it.”

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang aktres na si Sunshine Cruz ay mula sa sikat na angkan ng mga Cruz na kilala sa mundo ng showbiz. Ang kanyang mga pinsang sina Geneva Cruz, Donna Cruz, at Sheryl Cruz ay nakilala din sa pag-aartista at sa pag-awit. Nabiyayaan sila ng dating asawang si Cesar Montano ng tatlong anak na sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Franchesca. Kagaya ni Cesar, mayroon na ring bagong karelasyon si Sunshine.

Read also

Neri Miranda, hinangaan sa kanyang binahaging bagong investment

Hindi pinalampas ni Sunshine ang isang basher na nagbanggit tungkol sa paggawa niya noon ng "bold movies." Aniya ito umano ang dahilan kung bakit na-turn off si Cesar Montano kay Sunshine kaya naghanap umano ito ng iba. Sagot ni Sunshine, hindi nito alam kung ano talaga ang mga nangyari sa kanila at hindi nila siya kilala. Sinabihan din ng aktres ang naturang basher na nag-komento na mag-move on na lang din siya.

Nag-post si Sunshine ng pictures na kuha sa 18th birthday celebration ng anak niyang si Cesar Montano. Makikita sa kanyang picture na binahagi na kuha ng Nice Print Photgraphy na kasama din si Cesar sa pagdiriwang. Ito ang unang pagkakataon na nagpost si Sunshine ng picture nilang magkakasama simula nang maghiwalay sila ng dating asawa. Naroroon din ang kanyang kasalukuyang partner na si Macky Mathay at ang isa pang anak ni Cesar na si Diego Loyzaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel