Rob Moya at Jen del Rosario, trending matapos ang parehas na post

Rob Moya at Jen del Rosario, trending matapos ang parehas na post

- Nag-post si Rob Moya ng picture kung saan makikitang may kasama siyang babae na nakasandal sa balikat niya

- Hindi kita ang mukha ng babaeng kasama niya ngunit marami ang nakapansin na parehas ito ng post ni Jen del Rosario na dati niya nang pinakilala bilang girlfriend niya

- Matatandaang mismong si Toni Fowler ang tumulong sa kanya sa sorpresa niya para kay Jen noong niligawan niya ito

- Matapos ang mga post niya kamakailan kung saan sinasabi niyang mahal niya pa si Toni , naging usap-usapan din si Rob

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Rob Moya ng picture niya kung saan may kasama siyang babae na nakasandal sa kanyang balikat. Hindi man makita ang mukha ng babae, agad na napansin ng netizens na ito din ang picture na naka-post sa Facebook account ni Jen del Rosario.

Read also

Smokey Manaloto, isa nang ganap na ama sa edad niyang 51

Rob Moya at Jen del Rosario, trending matapos ang parehas na post
Rob Moya at Jen del Rosario, trending matapos ang parehas na post (facebook.com/official.robertmoya)
Source: Facebook

Si Jen ang babaeng dating pinakilala ni Rob matapos siyang maiugnay kay Lai Austria. Sa katunayan ay may vlog pa si Toni Fowler kung saan tinulungan niya si Rob na isorpresa si Jen. Sa mga naunang video nila ay naging kaibigan din ni Toni si Jen. Gayunpaman, kinalaunan ay hindi na nakakasama ni Rob si Jen. Kaya naman, may mga natuwa na posibleng nagkabalikan na ang dalawa.

Si Rob Moya ay isang aktor at YouTube content creator na naging karelasyon ng YouTuber na si Toni Fowler. Nakilala siya sa YouTube bilang si Daddy Rob dahil marami ang humanga sa pagtayo nito bilang ama sa anak ni Toni na si Tyronia Fowler.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hinarap ni Toni si Rob nang puntahan niya ito sa condo. Muling naging malala ang sitwasyon nang magtanong si Rob kung pwede daw ba siyang manligaw uli kay Toni. Agad namang nag-walk out sina Toni nang lumuhod si Rob para sa kanyang proposal. Nang sinagot na ni Toni si Vince Flores ay minabuti niyang patawarin na si Rob.

Mismong si Rob ang nagbahagi ng screenshot ng mensahe niya kay Toni kung saan sinabi niyang parang mahal pa daw niya si Toni. Makikita naman sa sagot sa kanyang mensahe na si Vince Flores ang nakabasa sa kanyang message dahil may sakit umano si Toni. Biglang bawi naman si Rob sa kanyang sagot kung saan isang chain message ang kanyang naging tugon. Sa mga sumunod na screenshots ay pabirong sinabihan ni Vince si Rob na may ubo umano ito sa utak.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel