Ogie Diaz, sinabing nasa Php 24 million ang umano'y naluging pera ni Tom Rodriguez

Ogie Diaz, sinabing nasa Php 24 million ang umano'y naluging pera ni Tom Rodriguez

- Nabanggit ni Ogie Diaz na nasa Php24 million ang umano'y naluging pera ni Tom Rodriguez

- Ayon umano sa kanyang source, ito ang dahilan kung bakit wala umanong pera ngayon ang aktor

- Hindi lamang matiyak kung ito ba ay na-scam o kung saan man napunta ang nasabing malaking halaga ng pera

- Matatandaang kamakailan ay kinumpirma ni Tom ang hiwalayan nila ni Carla Abellana

Tumataginting na Php 24 million daw ang umano'y naluging pera ng aktor na si Tom Rodriguez.

Ogie D, sinabing nasa Php24 million ang umano'y naluging pera ni Tom Rodriguez
Tom Rodriguez (@akosimangtomas)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na naikwento ito ni Ogie Diaz sa pinakabagong episode niya ng kanyang Showbiz Update.

"Ayon nga, may nakapagsabi sa akin na parang sumali sa isang negosyo or nag-invest sa isang negosyo na natalo siya ng more than, kung hindi ako nagkakamali, 24M," ani Ogie.

"Di ko alam king na-scam siya o nalugi 'yung negosyong kanyang pinasukan... Kaya walang pera si Tom," dagdag pa ni Ogie D at sinabing alam ito lahat ni Carla.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Karapatan nina Carla at Tom kung gusto nilang i-deny or aminin 'yung sinasabi natin. Pwede naman nilang i-korek kung mali 'yung impormasyong nakalap natin."

Matatandaang kamakailan lamang ay nagsalita na rin si Tom sa umano'y hiwalayan nila ni Carla Abellana.

Kasalukuyang nasa Amerika na si Tom at aniya'y kadamay niya ang kanyang pamilya sa kanyang pinagdaraanan sa ngayon.

Samantala, narito ang kabuuan ng chika ni Ogie Diaz mula sa kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Pinakakaabangan ng marami ang mga video ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channels na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad na nagbibigay inspirasyon sa marami.

Sa kanyang latest episode, nabanggit din ni Ogie Diaz ang kalagayan ngayon ni Kris Aquino. Aniya, rumeresponde sa mga treatment si Kris na masasabing magandang balita para sa kanyang kalagayan. Aniya, tila magtatagal sa Amerika ang 'Queen of all media' para sa kanyang gamutan. Hiling naman nila ang tuluyang paggaling ni Kris sa kabi-kabilang karamdamang nilalabanan nito para sa mga anak na sina Josh at Bimby.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel