Ogie Diaz sa pagpapakilala ni Toni Gonzaga kay Rodante Marcoleta: "Sana kumuha ng co-host"
- Marami ang nagtanong ng komento at saloobin ni Ogie Diaz patungkol sa isyung kinasasangkutan ngayon ni Toni Gonzaga
- Unang nilinaw ni Ogie na marami ang nakakaunawa umano sa desisyon ni Toni Gonzaga na suportahan si Bongbong Marcos na umano'y ninong nito sa kasal
- Subalit ang ikinasama ng loob umano ng marami ay ang pagpapakilala pa ni Toni kay Rodante Marcoleta na isa sa mga nagdiin upang 'di na muling mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN
- Mungkahi ni Ogie, mas mainam na kumuha sana ng co-host si Toni na siyang nagpakilala kay Marcoleta kung natatandaan pa umano nito ang nagawa sa kinabibilangang network
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Marami ang humingi ng opinyon ni Ogie Diaz patungkol sa kontrobersiyal na pagsuporta ni Toni Gonzaga sa UniTeam ni Bongbong Marcos.
Nalaman ng KAMI na may nagtanong pa umano kay Ogie kung ipagtatanggol pa rin umano ni ngayon si Toni tulad ng nagawa nito nang ma-interview niya ang nasabing presidential aspirant sa kanyang YouTube channel.
"Una po, magkakaiba po ang mga tao, magkakaiba po ang mga host. Iba po yung pag-atake ko sa pagho-host. At iba rin naman si toni no. Pero syempre, mas mataas po yung antas ni Toni bilang host kesa sa akin, aminado naman ako diyan," panimula ni Ogie.
"Kung nung nakaraan, kung inyong matatandaan, dinifend ko pa si Toni, e dahil vlog niya 'yun, channel niya 'yun. So kahit anong gusto niyang gawin o kahit sinong gusto niyang interbyuhin ay magagawa niya."
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nilinaw din ni Ogie na nauunawaan maging ang mga katrabaho nila sa ABS-CBN ang pagsuporta ni Toni Gonzaga kay Bongbong Marcos na ninong nito sa kasal nila ni Paul Soriano.
"Lalo na at alam naman natin na siya ay inaaanak o sila ni Paul Soriano ay inaanak sa kasal ni BBM. So, understandable yun,
"Kahit ang mga empleyado ng ABS-CBN, kahit ang mga production staff ng ABS-CBN, intinding intindi 'yun," paliwanag ni Ogie.
Subalit ang tila mas pinaghuhugutan umano ng sama ng loob ng marami ay ang pagpapakilala ni Toni kay Rodante Marcoleta siyang isa sa mga nagdiin upang 'di na muling mabigyan ng prangkisa ang Kapamilya Network.
Kaya mungkahi ni Ogie, sana'y kumuha raw umano ng co-host si Toni na siyang nagpakilala kay Marcoleta.
"May nagtanong sa akin kung i-introduce ko ba si Marcoleta, ang sagot ko hindi. Hindi ko siya i-introduce. Sa una pa lang binigay na sakin yung script, nababasa ko na 'yan...
"Kung ako yun ha, ok, 'baka pwede naman ako magkaroon ng co-host. Para naman yung co-host ko siya naman 'yung mag-introduce nun. Kasi ayaw ko saktan ang damdamin ng mga kasamahan ko sa ABS-CBN. Lalo na at nagbaba ako ng salita na hinding-hindi namin makakalimutan yung mga taong naging dahilan kung bakit nawala ang ABS-CBN," ayon kay Ogie D.
Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag:
Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter.
Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad.
Source: KAMI.com.gh