Sen. Joel Villanueva, naiyak nang inalala ang pumanaw na kapatid na si Mayor Joni

Sen. Joel Villanueva, naiyak nang inalala ang pumanaw na kapatid na si Mayor Joni

- Aminado si Senator Joel Villanueva na mabigat pa rin sa kalooban niya ang pagpanaw ng kanyang kapatid na si dating Bocauae Mayor Joni Villanueva

- Nabanggit niya kung gaano kalapit sa kanya ang nakababatang kapatid

- Hanggang ngayon ay hindi pa rin umano siya makapasok sa bahay ng kapatid gayung lalo lamang niyang naiisip na wala na ito

- 2020 nang pumanaw si Mayor Joni dahil umano sa kanyang karamdaman na sepsis secondary to bacterial pneumonia

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi napigilang maiyak ni Senator Joel Villanueva nang matanong siya ni Ogie Diaz patungkol sa kanyang kapatid na si dating Mayor Joni Villanueva Tugna ng Bocauae.

Nalaman ng KAMI na isa sa mga natanong ni Ogie ay kung naka-move on naba si Senator Joel sa biglaang pagkamatay ng kapati dahil sa umano'y karamdaman nitong sepsis secondary to bacterial pneumonia.

Read also

Ronnie Alonte, sinabing kontento na siya kay Loisa Andalio

Sen. Joel Villanueva, naiyak nang inalala ang pumanaw na kapatid na si Mayor Joni
Sen. Joel Villanueva (Photo from Ogie Diaz)
Source: Facebook
"I cannot say na hindi nakaka-move on. Nakaka-move on I think I'm improving but I would say that I'm still a work in progress. I would say na hindi pa 100% na okay, tanggap na tanggap, ganun."
"Aminin ko until now hindi ko mabuksan yung telepono ko e. Mga text messages niya. Hindi ko kayang manood ng video na nandun siya. Hindi ko pa rin kayang pumasok sa loob ng bahay nung sister ko. May bigat pa rin, may hirap pa rin. Siguro kakayanin pero mahirap pa rin."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naikwento pa niyang umiiyak siya sa mga kaibigan niyang senador na blessing para sa kanya gayung naiibsan ang hirap na kanyang nararamdaman sa pagpanaw ng malapit na kapatid.

Aminado siyang nami-miss niya ito araw-araw lalo na at may mga bagay pa rin siyang hindi naiparamdam at nasabi rito.

Read also

Ogie Diaz, na-prank si Sen. Joel Villanueva na labis na nag-iingat sa COVID-19 para sa pamilya

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Ogie Diaz:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter.

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad.

Samantala si Joel Villanueva ay nagsisilbing senador ng bansa mula taong 2016. Kilala siya bilang si "Tesdaman" sa pagiging Director General of the Philippine TESDA. Ikalawa siya sa apat na mga anak ni president-founder ng Jesus Is Lord Church Worldwide na si Bro. Eddie Villanueva.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica