Ronnie Alonte, sinabing kontento na siya kay Loisa Andalio

Ronnie Alonte, sinabing kontento na siya kay Loisa Andalio

- Ayon kay Ronnie Alonte, kontento na siya sa kanyang karelasyon na si Loisa Andalio lalo at matagal na rin sila

- Aniya komportable na siya sa girlfriend na kanyang karelasyon sa loob ng limang taon

- Hindi na umano siya naghahanap ng iba dahil kuntento na siya sa kung anong meron sila ni Loisa

- Aminado naman siyang hindi perpekto ang kanilang relasyon ngunit kaagad umano nilang pinag-uusapan para maayos ang kanilang di pagkakaunawaan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa media event ng bagong iWantTFC Original series The Goodbye Girl na pinagbibidahan nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio, inamin ni Ronnie na masaya siyang muli niyang makakatrabaho si Loisa. Aniya, kontento siya at komportable na sa kanyang girlfriend.

Ronnie Alonte, sinabing kontento na siya kay Loisa Andalio
Loisa Andalio and Ronnie Alonte (Photo: @iamr2alonte)
Source: Instagram

Wala na rin siyang hahanapin pa aniya.

“Okay na ako eh. Kuntento na ako sa kanya. Kaya parang ang hirap din na sabihin ko sa kanya or magpaalam ako sa kanya ng ganun kasi okay na ako. Kuntento na ako. Once na nakuntento ka, yun naman ang importante. Once na nakuntento ka at kumportable ka, wala ka ng hahanapin pang iba,”

Read also

Madam Inutz, ngiting tagumpay sa picture niya kasama si Piolo Pascual

Kung ikukumpara umano ang kanilang relasyon sa relasyon ng ginagampanan nilang karakter sa bagong serye nila, sinusubukan agad nilang ayusin ang kanilang problema sa pamamagitan ng pag-uusap.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Hindi naman namin masasabi na yung relasyon namin masaya talaga. Siyempre off-cam naman meron talagang nangyayari na hindi nila nakikita at nababalitaan. Ang pinagkaiba nito, ito kasing mga character namin na si Gab at si Mara talagang away dire-diretso eh. Kahit sa set ganun sila. Kami naman ni Loisa, hindi kami lumalabas ng hindi kami okay. Kung magkaaway tayo ngayon, pag-uusapan natin para paglabas natin okay tayong dalawa. Hindi puwedeng magkaaway kami kasi hindi lang naman para sa amin yun eh, sa set din maaapektuhan. Ayaw namin na may naaapektuhang iba or nadadamay. So papag-usapan namin.

Si Loisa Andalio o Josefina Loisa Francisco Andalio sa totoong buhay ay isang Filipino actress at dancer. Naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother: All In, kung saan nakilala siya bilang ang "Talented Darling ng Parañaque".

Read also

Heaven Peralejo, ibinahagi ang kanyang trip kasama ang kanyang "new baby"

Ang kanyang boyfriend na si Si Ronnie Alonte ay nakilala bilang isa sa miyembro ng all male dance group na napanuod noon sa It's Showtime, ang Hashtags kung saan kasama niya sina Nikko Natividad, Zeus Collins, Ryle Santiago, McCoy de Leon, Kid Yambao at Marami pang iba.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel