Ogie Diaz, nilinaw na hindi ABS-CBN ang nabili ni Manny Villar

Ogie Diaz, nilinaw na hindi ABS-CBN ang nabili ni Manny Villar

- Nilinaw ni Ogie Diaz na hindi ang ABS-CBN ang nabili ni Manny Villar

- Marami umano ang nag-aakalang ang Kapamilya network ang nabili ng bilyonaryong businessman at dating senador

- Ang frequency lamang nito na channel 2 sa free TV ang nabili ni Villar kaya gayundin ang channel 16 na ginagamit dati ng ABS-CBN para sa kanilang digital TV broadcast

- Matatandaang kasunod nito ang paglabas ng larawan ni Willie Revillame kasama si Villar kung saan sinasabing ang TV host ang siyang magiging bahagi ng Advanced Media Broadcasting Systems (AMBS)

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Binigyang linaw ni Ogie Diaz ang pagbili ni Manny Villar sa Channel 2 kamakailan.

Nalaman ng KAMI na marami umano ang nag-aakalang nabili ng bilyonaryong negosyante at dating senador ang Kapamilya network.

Ogie Diaz, nilinaw na hindi ABS-CBN ang nabili ni Manny Villar
Photo: Ogie Diaz
Source: UGC

Paglilinaw ng respetadong showbiz reporter na ang frequency lamang na channel 2 sa free TV na dating sa ABS-CBN ang siyang nabili ni Villar at tinagurian na niya itong Advanced Media Broadcasting Systems (AMBS)

Read also

Manny Villar at Willie Revillame, namataang magkasama kasunod ng pahayag ng GMA-7

"Gusto kong linawin na hindi nabili ni Manny Villar ang ABS-CBN kundi 'yung frequency lamang ng ABS-CBN sa free channel yung channel 2," paglilinaw ni Ogie D sa kanyang Showbiz Update.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa Channel 2, kasama ring nabili ni Villar ang channel 16 na dati umanong ginagamit ng ABS-CBN para sa kanilang digital TV broadcast.

Matatandaang kasunod ng pagbili ni Villar ng frequency ng ABS-CBN ang paglitaw ng mga larawan nila ni Willie Revillame na noo'y nadeklarang magtatapos na ang kontrata sa GMA 7.

Nabanggit din ni Ogie D na maaring kukunin umano ni Villar si Revillame para maging head ng creative team ng kanyang AMBS.

"Ang nakarating sa atin ay mukhang kasi dinalaw si Willie Revillame ng pamilya ni Manny Villar, si Senator Manny Villar, si Senator Cynthia Villar at si Congresswoman Camille Villar doon sa kanyang mansion sa Tagaytay. Pero wala naman daw naisara,"

Read also

Tita ni Darren Espanto, umalma sa umano'y pandadawit sa pamangkin

"Pero ang chika e parang nililigawan ni Senator Manny Villar si Willie na mag-head ng frequency kundi ng content ng AMBS.... Ito lang ang nakarating sa akin, maari naman nila itong pabulaanan" ani Ogie.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter.

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad.

Isa rin sa napag-usapan sa pinakabagong Showbiz update ni Ogie D ay ang pagbubuntis di umano ng aktres na si Mika Dela Cruz. Pinabulaanan naman agad ito ng nobyo niyang si Nash Aguas gayung matagal na raw napapabalita ang pagdadalang-tao ng kanyang GF ngunit wala daw talaga itong katotohanan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel