Julia Barretto, walang exclusive management ngunit bukas sa lahat ng oportunidad

Julia Barretto, walang exclusive management ngunit bukas sa lahat ng oportunidad

  • Ibinahagi ng aktres na si Julia Barretto ang panibagong yugto ng kanyang career sa showbiz kung saan mas bukas na siya sa iba't ibang oportunidad at proyekto mula sa iba't ibang network at production houses
  • Pinawi rin ng aktres ang anumang espekulasyon at lininaw na labis ang kanyang pasasalamat sa lahat ng nag-alaga sa kanya kaya't wala siyang balak na sirain ang ugnayan sa mga nakatrabaho niya noon
  • Inamin din ni Julia na sinadya niyang magpahinga muna sa pag-arte matapos ang tagumpay ng kanyang huling blockbuster movie upang maging mas maingat sa susunod na mga proyektong kanyang tatanggapin
  • Nakatakda siyang magbida sa bagong horror film na "Haunted Carnival" sa ilalim ng Regal Entertainment na magiging opisyal na kalahok sa Metro Manila Film Festival ngayong darating na Disyembre 25

Muling nagbahagi ng kanyang saloobin ang aktres na si Julia Barretto ngayong opisyal na niyang sinisimulan ang panibagong yugto ng kanyang karera sa industriya ng showbiz bilang isang artistang bukas sa mas maraming oportunidad.

Read also

Maegan Aguilar, aminadong allowance muna ang natatanggap nilang magkakapatid

Julia Barretto, walang exclusive management ngunit bukas sa lahat ng oportunidad
Julia Barretto, walang exclusive management ngunit bukas sa lahat ng oportunidad (📷@juliabarretto/IG)
Source: Instagram

Kahit wala na siyang exclusive management, tiniyak ng aktres na bukas pa rin ang kanyang pinto sa lahat ng network at production houses na naging bahagi ng kanyang paglalakbay sa mundo ng pag-arte.

Inihayag ng aktres sa isang presscon na magandang panahon ito sa kanyang buhay upang makapag-explore at makatrabaho ang lahat dahil mayroon umanong magandang kwento ang bawat isa na gusto niyang subukan kapag naisip siya para sa proyekto.

Pakiusap din niya, mas mainam na gamitin ang pagiging bukas sa mga oportunidad sa halip na tawaging malayang nakikipagtrabaho o freelancer.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kasabay nito, mabilis na pinawi ng young actress ang anumang mga haka-haka na mayroon siyang samaan ng loob sa kanyang mga dating nakatrabaho. Binigyang-diin niya na ayaw niyang sirain ang mga tulay o magagandang ugnayan sa mga nakatrabaho dahil inaalagaan at pinrotektahan siya ng lahat ng network, management, at production house kaya labis ang kanyang pasasalamat.

Idinagdag pa niyang naroon pa rin ang kanyang kagustuhan na makipagtrabaho sa iba't ibang kumpanya basta't may magandang kwento ang proyekto.

Read also

Pares vendor binugbog, pinagsasaksak hanggang mamatay ng mga customer dahil sa ‘meatless’ na order

Bukod dito, ibinunyag din ng aktres na sinadya niyang magpahinga muna sa paggawa ng mga pelikula matapos ang matagumpay na takbo ng kanyang blockbuster movie na "Un/Happy for You" kasama si Joshua Garcia.

Ipinahayag ng aktres na ninais niyang maging mas maingat at masaya sa kanyang susunod na gagawin upang matapos niya ang proyekto nang may kapunuan at epekto sa kanyang sarili.

Paliwanag pa niya, naghintay siya ng tamang panahon at ipinaalala na maganda ring magpahinga sandali upang malaman ang tamang direksyon na gustong puntahan sa buhay at karera.

Tampok ngayon si Julia sa panibagong horror movie na "Haunted Carnival," na kauna-unahang pelikula niya sa ilalim ng Regal Entertainment. Sa proyektong ito, first time niyang makakasama sa big screen ang Diamond Star na si Maricel Soriano, kasama rin sina John Arcilla, James Reid, Fyang Smith, Joaquin Arce, Celyn David, at Charlie Fleming. Mapapanood ang pelikula sa mga sinehan simula ngayong December 25 bilang official entry sa 2026 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Si Julia Barretto ay nagmula sa isa sa mga pinakasikat na angkan ng mga artista sa Pilipinas at nakilala sa kanyang natatanging galing sa pag-arte sa iba't ibang serye at pelikula. Sa kabila ng mga pagbabago sa kanyang career, patuloy niyang pinatutunayan ang kanyang kakayahan bilang isa sa mga pinakahinahangang aktres sa kanyang henerasyon.

Read also

Maegan Aguilar, inalala ang panahong naging palaboy matapos rehab relapse

Patuloy ang pagsubaybay ng publiko sa bawat hakbang at update sa buhay at karera ng kilalang aktres.

Matatandaang kamakailan aypumukaw ng pansin ang IG story ni Kuya Kim Atienza nang magbahagi ito ng larawan kasama si Julia Barretto at Lucas Lorenzo. Agad na naging usap-usapan sa social media ang naturang larawan na nagpakita ng magandang samahan at suporta mula sa mga kaibigan sa industriya.

Bukod pa rito,diretsahang ibinunyag ni Julia Barretto kung bakit nagpahinga muna siya sa paggawa ng pelikulamatapos ang kanyang huling matagumpay na proyekto. Sa panayam, inihayag niya ang kahalagahan ng pagpili ng tamang kwento at oras upang mas maging makabuluhan ang bawat proyektong kanyang gagawin para sa kanyang mga tagahanga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate