Winwyn Marquez, naglabas ng hinaing sa gobyerno ukol sa kuryente, tubig, at agrikultura
- Naglabas ng matinding pahayag si Winwyn Marquez sa Facebook tungkol sa patuloy na pagtaas ng bill ng kuryente, problema sa water supply, at kakulangan ng irrigation para sa mga magsasaka
- Ayon kay Winwyn, mahalaga ang AI at teknolohiya ngunit hindi ito dapat mauna sa mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, tubig, agrikultura, at maaasahang kuryente
- Binanggit niya na ang Pilipinas ay mayaman sa natural resources ngunit patuloy na nakakaranas ng problema sa forests, mangroves, water resources, at agriculture
- Nanawagan siya sa gobyerno na mas tutukan ang proteksyon sa kalikasan at pagpapalakas ng irrigation, water supply, at affordable power, na direktang nakakaapekto sa araw-araw na buhay ng mga Pilipino
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Naglabas ng matinding pahayag si Winwyn Marquez sa kaniyang Facebook account tungkol sa mga pangunahing problema na kinakaharap ng bansa.

Source: Instagram
Ayon sa aktres at beauty queen, patuloy na tumataas ang bill ng kuryente habang may mga lugar pa na nakakaranas ng water supply problems. Dagdag pa niya, ilang taon nang naghihintay ang mga magsasaka ng mas maayos na irrigation system.

Read also
Sarah Geronimo, nagdiwang ng ika-38 kaarawan sa makabuluhang reunion kasama ang mga magulang
Sa kaniyang post, sinabi ni Winwyn: “I get that AI and technology are important.. gets ko oo but they shouldn't come before the basics. AI has its place, but food, water, agriculture, and reliable electricity should always come FIRST. Yan ang kailangan ng mga Pilipino araw araw.”
Binanggit din niya na ang Pilipinas ay mayaman sa natural resources ngunit patuloy na nakakaranas ng problema sa forests, mangroves, water resources, at agriculture. “Sana mas tutukan ng gobyerno ang pagprotekta sa ating kalikasan habang pinapalakas ang irrigation, water supply, at affordable, reliable power. These are the things that directly affect every Filipino's daily life.. parang dapat automatic ho yun na isipin hindi po ba???”
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ang pahayag ni Winwyn ay agad na umani ng atensyon mula sa netizens, na marami ang sumang-ayon sa kaniyang punto. Para sa kanila, mahalaga ang teknolohiya ngunit hindi dapat kalimutan ang mga pangunahing pangangailangan na direktang nakakaapekto sa araw-araw na pamumuhay ng mga tao.
Si Winwyn Marquez ay kilala bilang aktres, beauty queen, at anak ng veteran actor na si Joey Marquez. Bukod sa kaniyang career sa showbiz, naging aktibo rin siya sa pagbabahagi ng kaniyang opinyon sa mga isyung panlipunan.
Bukod sa kaniyang matinding pahayag, kamakailan ay iniulat din ng Kami.com.ph ang ilang personal na kaganapan sa buhay ni Winwyn:
Ibinida kamakailan ni Winwyn Marquez ang mga larawan mula sa birthday photoshoot ng kanyang anak na si Luna. Kasabay nito, nag-iwan din ang beauty queen at aktres ng isang napaka-antig at madamdaming mensahe para sa kanyang anak na nagpaiyak sa marami niyang tagahanga. Ipinakita ng aktres kung gaano kalaki ang pagbabago sa kanyang buhay simula nang dumating ang kanyang panganay.
Naging bukas naman ang komedyante at amang si Joey Marquez sa kanyang saloobin ukol sa buhay-pag-ibig ng kanyang anak na si Winwyn. Sa isang panayam, inamin ng aktor na ayaw niyang makatuluyan ng kanyang anak ang isang lalaking katulad ng kanyang naging pag-uugali noong kanyang kabataan. Ibinahagi rin niya ang mga aral at payo na ibinibigay niya sa kanyang pamilya upang makaiwas sa mga maling desisyon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
