Makeup artist ni Kris Aquino, nagbigay ng hint sa kaniyang comeback

Makeup artist ni Kris Aquino, nagbigay ng hint sa kaniyang comeback

  • Nagbahagi ng teaser ang makeup artist ni Kris Aquino na si RB Chanco tungkol sa pagbabalik ng aktres sa showbiz, na tinawag niyang “the real queen we’ve all been waiting for”
  • Matapos ang ilang dekada sa ABS-CBN, nagkaroon ng krisis sa karera si Kris noong 2016 ngunit nakapagtayo ng sariling digital empire sa Facebook at YouTube
  • Noong 2022, lumipad siya patungong Estados Unidos upang ipagamot ang kaniyang autoimmune diseases at bumalik sa Pilipinas noong 2024 upang ipagpatuloy ang gamutan kasama ang kaniyang mga anak
  • Sa kabila ng mga medical setbacks, unti-unti na siyang naghahanda para sa comeback sa pamamagitan ng planong video podcast at bagong TV program bago matapos ang taon

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagbahagi ng teaser ang makeup artist ni Kris Aquino na si RB Chanco tungkol sa pagbabalik ng aktres sa showbiz. Sa kaniyang post, sinabi niya: “The real queen we’ve all been waiting for. Coming soon.”

Makeup artist ni Kris Aquino, nagbigay ng hint sa kaniyang comeback
Makeup artist ni Kris Aquino, nagbigay ng hint sa kaniyang comeback (📷@krisaquino/IG)
Source: Instagram

Ang pahayag na ito ay agad na nagdulot ng excitement sa mga fans ni Kris, na matagal nang naghihintay sa kaniyang pagbabalik matapos ang ilang taon ng pamamahinga dahil sa kalusugan.

Read also

Kim Chiu, nagsalita matapos ang viral na palitan sa X

Noong 2016, nagpasya si Kris Aquino na lisanin ang ABS-CBN matapos ang ilang dekada sa telebisyon. Inamin niya na nagkaroon siya ng malaking krisis sa karera nang hindi natuloy ang mga inaasahan niyang proyekto sa ibang network.

Gayunpaman, mabilis siyang nakapag-adjust at bumuo ng sariling digital empire sa Facebook at YouTube. Sa pamamagitan ng mga platform na ito, nanatili siyang isa sa pinakamalakas na online endorsers sa bansa, na patuloy na nakakaabot sa milyon-milyong Pilipino.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Noong 2022, tuluyang natigil ang kaniyang karera nang lumipad siya patungong Estados Unidos upang ipagamot ang kaniyang autoimmune diseases. Matapos ang mahigit dalawang taon ng gamutan, bumalik siya sa Pilipinas noong huling bahagi ng 2024 upang ipagpatuloy ang gamutan kasama ang kaniyang mga anak na sina Josh at Bimby.

Bagama’t patuloy na nakikipaglaban sa kaniyang kalusugan at nagkaroon pa ng ilang medical setbacks, unti-unti na siyang naghahanda para sa comeback. Ayon sa teaser ng kaniyang makeup artist na si RB Chanco, “The real queen we’ve all been waiting for. Coming soon.”

Si Kris Aquino, ipinanganak na Kristina Bernadette Cojuangco Aquino noong Pebrero 14, 1971, ay kilala bilang “Queen of All Media.” Bilang bunsong anak nina Ninoy at Cory Aquino, pinili niyang tahakin ang mundo ng showbiz sa halip na pulitika matapos ang makasaysayang 1986 EDSA Revolution.

Read also

Titser sa Naga City, natagpuang wala nang buhay sa kanyang kwarto; Salarin, nahuli

Habang patuloy ang paghahanda para sa kaniyang muling pagbabalik-showbiz, nananatili rin sa sentro ng pansin ng publiko ang kaniyang pamilya, lalo na ang kaniyang mga anak na sina Josh at Bimby Aquino. Sa isang kamakailang ulat mula sa Kami.com.ph, labis na humanga at nagpaabot ng kaniyang papuri ang personalidad na si Xander Ford sa magandang asal at pagpapalaki kay Bimby. Ang naturang pahayag ay mabilis na kinagiliwan ng mga netizens na patuloy na sumusubaybay sa paglaki ng nakababatang anak ng pambansang host.

Bukod dito, patuloy ding kinagigiliwan ng mga tagahanga ang mga simpleng kwento at eksena sa buhay ng pamilya habang nakatutok sa pagpapagaling ng kanilang ina. Sa isa pang hiwalay na ulat mula sa Kami.com.ph, https://kami.com.ph/189121-pagsita-ni-bimby-aquino-sa-isang-kasama-sa-tahanan-kinagiliwan-online.html Ang magandang pakikitungo at pagiging palagay ng mag-kapatid sa kanilang kasambahay ay nagpakita ng katuwaan at malaking paghanga mula sa kanilang mga online followers.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate