Kim Chiu, nagsalita matapos ang viral na palitan sa X

Kim Chiu, nagsalita matapos ang viral na palitan sa X

  • Humiling sa pambansang telebisyon ang aktres at TV host na si Kim Chiu na sana ay tigilan na siya ng mga basher matapos ang mga natatagpuan niyang puna
  • Inabangan ng marami ang naging pagharap nina Kim at Vice Ganda sa kanilang noontime show nitong Hulyo 22 matapos ang palitan ng saloobin sa X
  • Nag-ugat ang issue nang hindi nabanggit si Kim sa pasasalamat ni Vice nang tumanggap ito ng parangal na naging dahilan ng reaksyon mula sa mga tagahanga
  • Nilinaw naman ng dalawang sikat na personalidad sa pamamagitan ng kanilang mga pahayag na maayos ang kanilang samahan at wala silang alitan sa isa't isa

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Humiling on national TV ang aktres na si Kim Chiu na sana ay tigilan na siya ng mga basher, dahil aniya’y marami nang “bumabanat” sa kanya. Inabangan din kasi ng mga marites kung papasok ba sila pareho nina Vice Ganda sa kanilang noontime show nitong Hulyo 22, matapos ang tila “puksaan” nila sa X.

Read also

Pokwang at Meryll Soriano, nagbigay ng pananaw sa isyu ni Joshua Garcia

Kim Chiu, nagsalita matapos ang viral na palitan sa X
Kim Chiu, nagsalita matapos ang viral na palitan sa X (📷@chinitaprincess/IG)
Source: Instagram

Ikinatuwa ng fans ng Chinita Princess na present siya nitong Miyerkoles, ngunit kapansin-pansin na hindi kasama si Vice Ganda sa opening ng programa. Habang nagbibiruan ang mga host, pinansin ni Kim Chiu ang outfit ni Jhong Hilario at sinabi niyang malakas itong maka-Snoop Dog. Sinabi pa niya na para siyang si Snoop Dog, habang sumayaw-sayaw si Jhong gaya ng naturang rapper.

Nagbiro naman si Teddy Corpuz at sinabi kay Kim na baka mag-text sa kanya si Snoop Dog. Sagot ni Kim, hindi niya maintindihan ang banat at idinagdag niyang marami na ang bumabanat sa kanya kaya pakiusap niya na tama na.

Tila umay na umay na si Kim sa dami ng natatanggap niyang bashing sa social media, kaya nitong Hulyo 21 ay nag-post siya sa X. Sa kanyang mensahe, hiniling niya na magmahalan na lang ang lahat at nagbigay pa siya ng heart-heart pose bilang pakiusap.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandang nitong Martes ay nag-viral sa X ang tila pagkokontrahan ng salaysay nina Vice Ganda at Kim. Nag-ugat ito nang bukod-tanging si Kim lamang ang hindi nabanggit ni Vice sa mga co-host niya sa kanilang noontime show nang tumanggap ito ng parangal nitong Lunes.

Read also

Neil Arce, nagbiro tungkol sa “bato” sa post ni Angel Locsin

Ikinagalit umano ng fans ng Chinita Princess ang hindi pagkakabanggit sa kanya, ngunit hindi ito nagustuhan ng Unkabogable Star. Sunod-sunod na nag-post si Vice Ganda sa X kung saan sinabi niya na toxic ang ilang tagasuporta, na may entitlement at aniya’y nakakacheap ang ugali ng mga ito. Itinag pa niya si Kim Chiu sa kanyang mga post.

Sumagot naman ang aktres at sinabi niyang ayaw na sana niyang palakihin ang isyu. Ipinaliwanag niya na bilang mga tagasuporta, hindi dapat tawaging “kacheapan” ang kanilang ginawa. Dagdag pa niya, marahil ay mula sa sobrang pagmamahal at proteksyon ng mga fans ang kanilang naging reaksyon. Nilinaw din ni Kim na hindi niya tinotolerate ang kanilang ginawa, ngunit naniniwala siyang dapat hayaan na lamang ang pangyayari. Ayon pa sa kanya, kung wala ang mga taong sumusuporta at lubos na nagmamahal sa kanila, wala ring tatangkilik sa kanilang mga ginagawa.

Dahil dito, napatanong ang mga netizen kung nagpupuksaan nga ba ang dalawa. Nilinaw naman ni Vice Ganda na hindi sila magkaaway at magka-message pa sila sa kasalukuyan.

Nito ngang Miyerkoles, parehong present ang dalawa sa kanilang show. Na-late lang nang ilang minuto si Vice Ganda.

Si Kim Chiu ay itinuturing na isa sa mga pinakasikat na aktres at TV host sa bansa na nagsimula sa larangan ng showbiz matapos maging kampeon sa kauna-unahang teen edition ng Pinoy Big Brother, habang si Vice Ganda naman ay ang kilalang Unkabogable Star ng ABS-CBN.

Read also

Baron Geisler, may bagong intriga matapos sa komento ng asawa sa Instagram

Kaugnay nito, patuloy na sinusubaybayan ng publiko ang mga balita ukol sa mga host ng noontime show.

Sa isa pang balita, inihayag din ni Vice Ganda ang kanyang saloobin tungkol sa pagpapautang sa kaibigan kung saan sinabi niyang mas gusto niyang magbigay na lamang kaysa magpautang sa gitna ng emergency.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate