Vice Ganda, naghayag ng saloobin sa pagpapautang sa kaibigan

Vice Ganda, naghayag ng saloobin sa pagpapautang sa kaibigan

  • Sa Day 3 ng Miss Q and A Resbakulawan, tatlong kandidata ang nagbalik para ipakita ang kanilang husay sa Wit Lang round, habang ang mga hosts ay nakisali rin sa sagutan
  • Misis Jawo, Raux Araneta, at Cyrich Abril Patalinhug Castillo ang nagbigay ng makukulay na sagot sa mga tanong, mula sa pagkain at sipilyo hanggang sa usapin ng jowa at kindness
  • Sa Beklamation round, sina Misis Jawo at Cyrich ang nagharap sa tanong tungkol sa kaibigang may utang, habang sina Vice Ganda, Vhong Navarro, at Jhong Hilario ay nakisali rin sa pagsagot
  • Sagot ni Vice Ganda, mas gusto niyang magbigay kaysa magpautang, at mas ine-encourage niya ang mga kaibigan na mag-ipon at maghanda para sa mga emergency

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Makibaka at huwag matakot tumalak! Isigaw ang nararamdaman at iparinig ang boses. Huwag mag-atubili dahil ang 'yong tinig ay may silbi. Katulad ng tatlong Miss Q and A candidates ng "It's Showtime" na hindi afraid ‘chumukchak’ as they return para rumesbak.

Read also

Pokwang at Meryll Soriano, nagbigay ng pananaw sa isyu ni Joshua Garcia

Vice Ganda, naghayag ng saloobin sa pagpapautang sa kaibigan
Vice Ganda, naghayag ng saloobin sa pagpapautang sa kaibigan (📷@praybeytbenjamin/IG)
Source: Instagram

Sa Resbakulawan Day 3, hindi nagpatumpik-tumpik pa sina Misis Jawo, Raux Araneta, at Cyrich Abril Patalinhug Castillo sa unang round na Wit Lang, kung saan agad silang sumabak sa mga pageant questions.

Sa tanong na kung alin ang pipiliin niya, ‘yung hindi mapakain o ‘yung hindi masipilyo, kung siya'y magiging bibig, sagot ni Misis Jawo ay mas okay na 'yung hindi masipilyo, dahil ang pagkain ay kailangan ng tao. Tandaan, dapat walang batang nagugutom.

Nabunot naman ni Raux ang tanong na, "Anong mas gusto mo? Pogi jowa mo pero chaka ka, o chaka jowa mo pero pretty ka?" Nagpakatotoo si Raux sa sagot na mas gusto niya ng jowang pogi kahit siya ay pangit dahil ibig sabihin nito ay tinanggap ng kasintahan niya ang kanyang panlabas na kaanyuan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Kung tenga ka, saan ka mas maba-badtrip? Sa bumulong nang malakas o sa bumulong na bad breath?" naman ang tanong na nabunot ni Cyrich. Naniniwala siyang the true essence of humanity is kindness kaya hindi niya huhusgahan ang taong may bad breath dahil hindi niya alam ang dahilan ng mabahong hininga nito, kaya naman mas magagalit siya sa bumulong nang malakas.

Read also

Vice Ganda, sumagot sa panawagan ni Kim Chiu sa social media

Sina Misis Jawo at Cyrich ang pumasok sa next round, Beklamation, kung saan hinarap nila ang iisang tanong na, "Kung ang kaibigan mong may matagal ng utang sa'yo na hindi binayaran ay muling lumapit para mangutang dahil sa isang emergency, pauutangin mo ba?"

Samantala, habang hinihintay ang grado mula sa mga hurado, sinubukan nina Vhong Navarro, Vice Ganda, at Jhong Hilario na sagutin ang tanong. Kung sina Vhong at Jhong ay magpapautang, nagpakatotoo naman si Vice, na sinabing mas ine-encourage niya ang mga kaibigan na maghanda para sa mga emergency. Pero mas gusto umano niyang magbigay kaysa magpautang.

Kaugnay nito, kamakailan ay naging usap-usapan si Vice Ganda matapos ang kanyang hayagang pahayag tungkol kay Jessica Soho. Sa artikulong inilathala ng Kami.com.ph, ikinagulat ng marami ang kanyang sinabi na nagbigay ng bagong kulay sa showbiz talk.

Bukod pa rito, nag-react din si Vice Ganda sa pagkakuha ni Ryan Bang ng permanent residency sa bansa. Sa ulat ng Kami.com.ph, ipinakita ni Vice ang kanyang suporta at tuwa para sa kaibigan, na nagbigay ng inspirasyon sa mga manonood.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate