Teen influencer matapang na ipinagtanggol si Wally Bayola sa mga basher

Teen influencer matapang na ipinagtanggol si Wally Bayola sa mga basher

  • Ipinagtanggol ng 14-anyos na content creator na si Sofia Alizee Schafers o mas kilala bilang si Ilokanang Tisay si Wally Bayola matapos makatanggap ng malisyosong komento ang kanilang shoutout video sa social media
  • Sa naturang video, makikitang pinuri ni Wally ang kabataan at hinikayat ang publiko na suportahan si Sofia, ngunit agad itong binatikos ng ilang netizens
  • Mariin namang sagot ni Sofia na hindi niya responsibilidad ang reputasyon ni Wally at iginiit na siya ay may sariling pangalan at karera na pinangangalagaan
  • Dagdag pa niya, mabait si Wally at pinayuhan pa siyang huwag isuko ang kanyang pag-aaral kahit pumasok siya sa showbiz, kaya nanindigan siyang ipagtanggol ang TV host laban sa mga bashers

Walang takot na nanindigan ang batang influencer na si Sofia Alizee Schafers, na kilala rin bilang Ilokanang Tisay, upang protektahan ang TV host-comedian na si Wally Bayola laban sa mga mapanghusgang mensahe matapos umani ng batikos ang kanilang in-upload na shoutout video sa social media.

Read also

Elisse Joson, prangkang sumagot sa akusasyon ng netizen tungkol sa politiko

Teen influencer matapang na ipinagtanggol si Wally Bayola sa mga basher
Teen influencer matapang na ipinagtanggol si Wally Bayola sa mga basher (đź“·Sofia-alizee Schafers/Facebook)
Source: Facebook

Sa naturang video na ipinost ni Sofia noong Hulyo 7, makikitang masaya silang nag-shoutout kasama si Wally. “Dabarkads, naku nakilala namin, napakabait na bata. I-follow niyo po. Huwag niyong kakalimutan, i-follow niyo! Sofia Alizee. Follow, subscribe and everything!” ani Wally.

Ngunit matapos itong i-upload, agad itong binaha ng mga komento na nagbabala kay Sofia tungkol sa reputasyon ng host. Hindi ito nagustuhan ng dalaga at diretsong sumagot sa mga bashers at netizens. “His reputation is not my responsibility. Sarili kong pangalan ang dala ko. Keep my name out of your assumptions,” ani Sofia.

Dagdag pa niya, “Just to remind you all that I am only 14 yrs old! and the comments are like… Wow really? Some of y’all are way too comfortable judging people without knowing the facts. I’m not even related to this guy, so stop making assumptions.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nagbigay pa siya ng payo sa mga netizens na kung wala silang masabing matino ay mas mabuting manahimik na lang. “If you can’t be respectful, at least be quiet. Kindness costs nothing, but ignorance is expensive,” wika pa niya.

Read also

"Pinalaki nang maayos" – Xander Ford, bilib sa asal ni Bimby Aquino

Muli ring rumesbak si Sofia sa comment section ng mismong post upang ipagtanggol ang TV host. Ibinunyag ng dalagita na napakabuti nito sa kanya at pinayuhan pa siyang unahin ang pag-aaral kaysa sa ibang bagay.

"Actually, Sir Wally is so nice to me. He even told me na kahit mag-artista ako, wag ko daw i-give up ang studies ko. My biggest achievement will be my diploma at education ko. Tapos kayo puro kayo intriga at bash. Hay naku," diretsahang pahayag ni Sofia.

Si Sofia Alizee Schafers, na mas sikat sa social media bilang Ilokanang Tisay, ay isang up-and-coming na modelo at content creator. Nakuha niya ang atensyon ng maraming netizens sa murang edad dahil sa kanyang mga video at sa pagiging prangka at palaban. Sa kabilang banda, si Wally Bayola ay isang tinitingalang komedyante at isa sa mga inaabangang host ng Eat Bulaga, na nagbigay na ng ilang dekadang saya sa industriya ng showbiz.

Kamakailan, naging emosyonal si Wally Bayola sa birthday celebration na inihanda ng mga Eat Bulaga stars para sa kanya. Ayon sa ulat ng Kami.com.ph, labis siyang naantig sa pagmamahal at suporta ng kanyang mga kasamahan.

Read also

Lalaki inaresto sa Tacloban dahil sa umano’y panghahalay sa aso

Sa isa pang artikulo, ibinahagi ni Wally ang malaking pagbabago sa kanyang buhay matapos ang isang aksidente. Ayon sa kanya, naging mas maingat siya at mas pinahahalagahan ang kanyang kalusugan at pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate