Elisse Joson, prangkang sumagot sa akusasyon ng netizen tungkol sa politiko
- Mariing itinanggi ni Elisse Joson ang akusasyon ng isang netizen na siya ay kabt ng isang politiko matapos mag-post ng horse-riding video sa Instagram*
- Diretsong sagot ni Elisse sa komento: “haha not true” habang ipinagtanggol siya ng mga tagahanga at binanggit ang yaman ng kanyang pamilya mula Bataan
- Hindi ito ang unang pagkakataon na nilinaw ni Elisse ang isyu, dahil noong Bagong Taon 2026 ay nag-post siya sa TikTok ng mensahe na “not a kabit. Never was”
- Sa nakaraan, na-link si Elisse kina Aljur Abrenica, Joshua Garcia, at McCoy de Leon, ngunit mariin niyang itinanggi ang mga alegasyon at ngayon ay nakatuon sa pagiging ina kay Felize
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Muling naging sentro ng usapan sa social media ang aktres na si Elisse Joson matapos nitong harapin ang isang direktang akusasyon mula sa isang netizen. Noong nakaraang July 8, 2026, nagbahagi si Elisse sa kanyang Instagram account ng isang video na kuha mula sa kanyang naging horse-riding lesson. Sa nasabing maikling Reel, masayang ipinakita ng aktres ang kanyang pagsakay sa kabayo habang umiikot sa isang training ground kasama ang kanyang trainer. Ayon sa caption ng aktres, “Oh what a memorable riding day with Luna girl learned how to canter, had my first fall, and somehow left loving this sport even more” na nagpapakita ng kanyang interes sa bagong hilig.

Source: Instagram
Bagamat marami ang natuwa sa bagong aktibidad ni Elisse, hindi pinalampas ng isang netizen ang pagkakataon na mag-iwan ng malisyosong komento sa kanyang post. Prangkang tinawag ng netizen ang aktres na kabit diumano ng isang politiko, at ito raw ang dahilan kung bakit nagagawa nitong mag-flex ng kanyang mga luho sa buhay. Saad sa komento, “Si anteee na makapag flex eh nangangabit lang naman yan ngayon sa politician kaya nakakabili ng luho” na may kasama pang mga laughing emoji. Hindi naman nanahimik si Elisse at agad na sumagot upang itama ang maling akusasyon sa pamamagitan ng simpleng pagtanggi na, “haha not true” upang tapusin ang usapin.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Matapos ang insidente, mabilis na sumaklolo ang mga tagahanga ni Elisse upang ipagtanggol siya laban sa mapanirang komento. Ayon sa isang tagasuporta, “ganyan nga elisse sagutin mo sila, kasi nkakatawa na sila” habang ang iba naman ay nagpaalala na kilalang mayaman ang angkan ng aktres mula sa probinsiya ng Bataan kaya hindi nito kailangan ng tulong ng iba para sa kanyang luho. Ayon sa mga ulat, hindi ito ang unang pagkakataon na hinarap ni Elisse ang ganitong uri ng kontrobersya.

Source: Instagram
Noong January 2026, sa pagpasok ng Bagong Taon, nagbahagi siya ng isang mensahe sa TikTok upang linisin ang kanyang pangalan at mariing itinanggi ang mga katulad na paratang. Sa kanyang video, isinulat niya ang mga linyang, “Goodbye 2025. Time to clear the air — not a kabit. Never was. 2026: minding my own business, building, and choosing peace. Leaving false narratives in 2025. Entering 2026 lighter.” Sa kabila ng kanyang pahayag noong Enero, isang netizen pa rin ang nag-usisa kung naging dahilan ba siya ng hiwalayan ng isang relasyon, na sinagot naman ni Elisse ng direktang “No.” Matatandaang noong taong 2021, nadamay ang pangalan ng aktres na si Elisse sa hiwalayan nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla, ngunit walang naging opisyal na pahayag ang mga sangkot na partido noong panahong iyon. Noong 2024 naman, muli siyang naiugnay kay Joshua Garcia na karelasyon pa noon ni Emilienne Vigier. Ang pinakahuling naging opisyal na karelasyon ni Elisse ay ang aktor na si McCoy de Leon, kung saan biniyayaan sila ng isang anak na babae na si Felize McKenzie de Leon bago sila tuluyang naghiwalay noong July 2025.
Sa kabila ng mga hamon sa kanyang personal na buhay at mga isyung ibinabato sa kanya, patuloy na nagiging matatag si Elisse sa pagtataguyod ng kanyang pamilyay bilang isang ina. Para sa mas malalim na detalye ukol sa kanyang buhay pagkatapos ng pakikipaghiwalay, narito ang mga kaugnay na balita.
Matatandaang nagpakatotoo ang aktres nang buong tapang nitong harapin ang mga tanong tungkol sa kanyang bagong estado sa buhay. Sa isang panayam, ibinahagi niya ang kanyang mga karanasan at saloobin sa pagiging isang single mom sa kanyang anak.
Bukod dito, naging bukas din si Elisse sa publiko tungkol sa masakit na yugto ng kanyang nakaraang relasyon sa kanyang dating kapareha. Detalyado niyang isinalaysay ang mismong sandali kung kailan niya nalaman na tuluyan nang nagwakas ang kanilang pagsasama ni McCoy de Leon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


