"Pinalaki nang maayos" – Xander Ford, bilib sa asal ni Bimby Aquino

"Pinalaki nang maayos" – Xander Ford, bilib sa asal ni Bimby Aquino

  • Pinuri ni Xander Ford si Bimby Aquino matapos umano itong lumapit sa kanya, mangumusta, at humingi ng tawad kaugnay ng naging viral na panayam ni Kris Aquino tungkol sa kanya noong 2018
  • Ayon kay Xander, humanga siya sa kababaang-loob at paggalang ni Bimby, at sinabi pa niyang maayos itong pinalaki ng kanyang ina dahil nakita niyang nakikisalamuha ito sa maraming tao sa likod ng programa
  • Ibinahagi rin ni Xander na wala siyang sama ng loob sa naging viral na reaksiyon noon ni Kris Aquino at sinabi niyang mas nagulat pa siyang kilala siya ni Bimby sa kabila ng lumipas na mga taon
  • Muling pinag-usapan ng mga netizen ang dating viral na interview matapos lumabas ang video ng pagkikita nina Xander at Bimby, kung saan marami ang nagpuri sa pagiging magalang ng anak ni Kris Aquino

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Naging usap-usapan online ang content creator na si Xander Ford matapos niyang ibahagi ang naging maayos na pagkikita nila ng "Eat Bulaga!" guest host na si Bimby Aquino.

Read also

Kris Lawrence, may sorpresa kay Katrina Halili bago bumalik sa US

"Pinalaki nang maayos" – Xander Ford, bilib sa asal ni Bimby Aquino
"Pinalaki nang maayos" – Xander Ford, bilib sa asal ni Bimby Aquino (📷Xander Arizala/Facebook)
Source: Facebook

Sa isang video na ibinahagi ni Xander sa social media, ikinuwento niya ang naging karanasan niya nang makita niya si Bimby. Ayon sa content creator, agad siyang nilapitan ng anak ni Kris Aquino at naging magaan ang kanilang naging pag-uusap.

Mas lalo pa siyang natuwa dahil ayon sa kanya, ipinakita ni Bimby ang pagiging magalang at palakaibigan hindi lamang sa kanya kundi maging sa iba pang mga taong nasa paligid.

"Itong batang 'to, pinalaki ng mommy niya nang maayos. Napaka-humble. Napakabait, grabe. Halos nasa hallway siya para kausapin lahat ng tao," ani Xander.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinahagi rin niya na may isang bagay na hindi niya inaasahang maririnig mula kay Bimby.

"'At humingi siya ng tawad sa akin noong 2018 na nag-viral [ang interview ng mommy niya tungkol sa akin]," pagpapatuloy niya.

Sa naturang video, mapapanood na tinawag ni Bimby si Xander at kinumusta ang kanyang ginagawa bilang content creator. Sa gitna ng kanilang pag-uusap, tinanong din siya ni Bimby, "Naalala mo 'yong meme ni Mama?"

Read also

Anjo Yllana nagsalita matapos utusan ng korte na magbayad sa TVJ Productions

Ang tinutukoy nito ay ang naging viral na panayam ni Kris Aquino ilang taon na ang nakalipas. Noon, hiningian si Kris ng reaksiyon tungkol sa cosmetic transformation ni Xander Ford. Nang ipakita sa kanya ang mga larawan, naging viral ang naging reaksiyon ng TV host at actress dahil hindi niya agad nakilala ang content creator.

Sa lumang panayam, sinabi ni Kris, "Anong ginawa?" Matapos marinig ang sagot na "Total makeover," muli niyang tiningnan ang larawan bago nagsabing, "Hindi ko ma-get. Anong diff? Sorry. Explain,"

Sa kabila ng naging viral na pangyayari noon, nilinaw ni Xander na wala siyang sama ng loob kay Kris Aquino.

"'Sabi ko, ayos lang kasi sino ba naman ako? Isa lang akong simpleng tao. At mas ikinagulat ko na kilala niya [Bimby] ako," dagdag pa niya.

Maraming netizens ang nagpahayag ng positibong komento matapos mapanood ang kanilang naging pagkikita. Para sa ilan, magandang halimbawa ang ipinakita ni Bimby sa paglapit at pakikipag-usap nang maayos kay Xander. May mga nagsabi ring kapansin-pansin ang pagiging magalang ng binata kahit lumaki siya sa harap ng publiko.

Si Xander Ford ay unang nakilala bilang miyembro ng Hasht5 bago sumailalim sa cosmetic procedures na naging malaking usap-usapan online. Sa paglipas ng mga taon, naging aktibo siya bilang content creator at patuloy na nagbabahagi ng updates sa kanyang social media accounts.

Read also

Ina ni Sachzna Laparan diretsahang siningil si Mark Pascual sa social media

Samantala, si Bimby Aquino ay anak nina Kris Aquino at James Yap. Nitong mga nakaraang buwan, mas madalas na siyang napapanood sa telebisyon bilang guest host ng "Eat Bulaga!" at nakatatanggap ng papuri mula sa maraming manonood dahil sa kanyang pagiging magalang, kalmado, at natural sa harap ng kamera. Madalas ding ibinabahagi ng kanyang ina ang mga aral at pagpapahalagang nais niyang maipasa sa kanyang anak, bagay na muling napansin ng publiko matapos ang naging kuwento ni Xander.

Habang patuloy na pinag-uusapan ang kanilang naging pagkikita, marami rin ang bumabalik sa mga naunang balita tungkol kay Bimby at sa kanyang pamilya.

Sa naunang ulat ng Kami.com.ph, ibinahagi ni Kris Aquino ang isang nakaka-proud na ginawa ni Bimby na nagpakita ng kanyang pagiging responsable sa murang edad. Maraming netizens ang nagpuri sa pagpapalaki ni Kris sa kanyang anak at sa mga pagpapahalagang itinuro rito.

Sa isa pang artikulo ng Kami.com.ph, ibinahagi naman ni Bimby ang plano niya para sa kanyang unang sweldo. Marami ang natuwa sa kanyang sagot dahil ipinakita nito ang kanyang pagpapahalaga sa pamilya at pagiging responsable sa pera.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate