Jodi Sta. Maria magiging bridesmaid sa kasal nina Iwa Moto at Pampi Lacson

Jodi Sta. Maria magiging bridesmaid sa kasal nina Iwa Moto at Pampi Lacson

  • Kinumpirma ni Iwa Moto na magiging bridesmaid si Kapamilya actress Jodi Sta. Maria sa kasal nila ni Pampi Lacson, isang bagay na nagpakita ng matibay na samahan at respeto sa kabila ng kanilang nakaraan bilang dating mag-asawa
  • Sa panayam kay Boy Abunda, ibinahagi ni Iwa kung paano nagsimula ang kanilang pagkakaibigan ni Jodi, na nagsimula sa pagmamahal nila kay Thirdy, panganay na anak ni Pampi at Jodi, at kalaunan ay nauwi sa pagiging mag-BFF
  • Inamin ni Iwa na noong una ay hindi maganda ang kanilang relasyon dahil hindi pa sila lubos na magkakilala, ngunit kalaunan ay naging bukas sila sa pagiging blended family at mas pinili ang kapakanan ng bata kaysa sa kanilang personal na alitan
  • Ngayon, itinuturing na ni Iwa si Jodi bilang isa sa kanyang pinakamalapit na kaibigan, at bukod sa pagiging bridesmaid ay siya rin ang madalas na nilalapitan ni Iwa para sa payo, lalo na’t may certification si Jodi sa Interpersonal Psychotherapy training

Read also

Iwa Moto at Pampi Lacson, ipagpapaliban ang kasal hanggang 2028 dahil sa praktikal na dahilan

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Ang Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria ang magiging bridesmaid sa kasal nina Iwa Moto at Pampi Lacson. Isang espesyal na papel na nagpatunay sa matibay na samahan ng dalawang babae na minsang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan.

Jodi Sta. Maria magiging bridesmaid sa kasal nina Iwa Moto at Pampi Lacson
Jodi Sta. Maria magiging bridesmaid sa kasal nina Iwa Moto at Pampi Lacson (📷 @jodistamaria, @iam_iwa on Instagram)
Source: Instagram

Sa panayam ni Iwa kay Boy Abunda sa Fast Talk, ibinahagi niya kung paano naging espesyal ang kanilang pagkakaibigan ni Jodi. Sinabi ni Iwa na noong dumating siya sa buhay ni Pampi ay wala na talaga ang dalawa. Ipinaliwanag niya na kaya rin siguro hindi naging mahirap ang kanilang transisyon para maging magkaibigan ay dahil hindi siya ang dahilan ng hiwalayan ng mga ito. Dagdag pa niya, ang pagmamahal nila kay Thirdy ang naging tulay upang mas lumalim ang kanilang samahan.

Inamin din ni Iwa na noong una ay hindi maganda ang kanilang relasyon dahil hindi pa sila lubos na magkakilala, ngunit kalaunan ay mas pinili nilang maging bukas sa pagiging isang blended family. Idiniin niya na kapag nagmahal siya ay labis-labis, hanggang sa punto na minamahal niya ang bata na parang tunay niyang anak. Kaya naman, kapag nakikita niyang nahihirapan ang bata dahil hindi nagkakasundo silang mga magulang na tumatayong nagbabantay dito, alam niyang ang bata ang higit na naaapektuhan.

Read also

“Mas mahal pa ’yan sa buhay mo” – Ryzza Mae, nagkuwento ng alaala na nag-udyok sa kanyang tagumpay

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ngayon, itinuturing na ni Iwa si Jodi bilang isa sa kanyang BFF. “Bridesmaid ko po siya. (Nagbibiro pa nga siya), ‘Handa na ang gown ko,’” aniya. Bukod dito, si Jodi rin ang isa sa mga unang nakaalam nang mag-propose si Pampi. “She’s so happy. Siya naman po, sabi niya, matagal na niyang inaantay ‘to,” dagdag pa ni Iwa.

Bukod sa pagiging bridesmaid, si Jodi rin ang madalas na nilalapitan ni Iwa kapag kailangan niya ng makakausap. May certification si Jodi sa Interpersonal Psychotherapy training, kaya’t nagiging malaking tulong siya sa mga pagkakataong kailangan ni Iwa ng payo.

Matatandaang ikinasal sina Jodi at Pampi noong 2005 at naghiwalay noong 2011. Samantala, sina Iwa at Pampi ay 14 years nang magkarelasyon at may dalawang anak—sina Hiromi at Caleb. Sa kabila ng kanilang nakaraan, pinili nilang maging bukas at maayos para sa kapakanan ng kanilang pamilya.

Kaugnay nito, iniulat ng Kami.com.ph ang mas malalim na samahan nina Iwa at Jodi. Sa kanilang ulat, binigyang-diin ang pagiging bukas ng dalawa sa pagiging blended family at kung paano naging matibay ang kanilang pagkakaibigan dahil sa pagmamahal nila kay Thirdy.

Read also

Ellen Adarna, taos-pusong nagpasalamat kay Isabel Santos sa kabutihan nito sa kanyang pamilya

Samantala, iniulat din ng Kami.com.ph ang naging tanong kay Iwa tungkol sa kanyang past relationship kay Mickey Ablan. Sa ulat, ipinaliwanag ni Iwa na matagal na nilang nalampasan ang mga isyu at mas nakatuon na siya ngayon sa kanyang pamilya at sa kasal nila ni Pampi.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate