Dani Barretto, diretsong sagot kay Dennis Padilla sa social media
- Hindi na nakapagpigil si Dani Barretto at diretsong sinagot ang komento ni Dennis Padilla sa social media matapos ang kanyang pagbabahagi sa Almost Honest podcast tungkol sa pinagdaanan ng ina nilang si Marjorie Barretto
- Ayon kay Dani, nasaksihan nilang magkakapatid ang sigawan at away noong bata pa sila, at tumatak ito sa kanilang pagkatao, dahilan upang maging matatag at matapang sila sa pagharap sa buhay
- Sa komento ni Dennis, sinabi niyang sasagutin niya ang mga pahayag ni Dani point by point, ngunit agad itong sinagot ni Dani na sila mismo ay gumising sa mga sigaw ni Dennis tuwing umaga, at inakusahan siyang gumagamit ng social media para magpakalat ng kasinungalingan
- Dagdag pa ni Dani, wala umanong pinipiling lugar ang paninigaw ni Dennis, at binanggit pa niyang tinatawagan ng ama ang mga anak sa madaling araw para murahin at sigawan, dahilan upang sabihin niyang ‘enough is enough’
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Tila hindi na nakapagpigil si Dani Barretto sa kanyang stepdad na si Dennis Padilla matapos ang komento nito sa social media. Sa isang Instagram post ng Almost Honest podcast, makikita ang video clip kung saan ibinahagi ni Dani ang pinagdaanan noon ng kanilang ina na si Marjorie Barretto.

Source: Instagram
“Nasanay kami doon. We saw the yelling, we heard every yelling, the screaming, everything my mom went through. Tumatak sa amin ‘yon di ba? Mga bata kami noon, but that stayed with us,” lahad ni Dani.
Nagkomento si Dennis sa naturang post at sinabing “I will answer point by point…” Ngunit agad itong sinagot ni Dani. “I think you're forgetting we all lived in the same house. That we woke up to your screams almost every morning. Kung hindi si mom sinisigawan mo, one of the help,” sagot niya.
Dagdag pa ni Dani, “This is what you always do, use social media to ‘defend’ yourself and spread more lies and gaslight your children and now me. You keep pushing this narrative na kinawawa ka. Weren't you the abusive one?”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ayon kay Dani, wala umanong pinipiling lugar ang paninigaw ni Dennis—mapa-mall man o grocery. “Di ba tatawag ka sa mga anak mo mostly laging madaling araw kasi lasing ka para murahin at sigawan lang sila? And now know it all pa ko? Ikaw nanaman kawawa? Si mom nanaman sisiraan mo. Enough is enough,” dagdag pa niya.
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang opisyal na tugon si Dennis Padilla sa mga sinabi ni Dani.
Kamakailan, nanguna si Dani Barretto kasama si Andrea Brillantes sa isang prestihiyosong parangal. Ang kanilang tagumpay ay nagpakita ng suporta ng publiko at pagkilala sa kanilang kontribusyon sa industriya. Basahin ang buong kuwento dito.
Samantala, nagbigay din ng matinding tugon si Dennis Padilla sa mga naunang pahayag ni Dani. Sa kanyang panig, iginiit ni Dennis na hindi kumpleto ang alam ng anak tungkol sa kanilang nakaraan, bagay na muling nagpasiklab ng interes ng publiko sa kanilang relasyon. Basahin ang buong kuwento dito.
Ang mga kuwentong ito ay nagpapakita ng patuloy na ugnayan at hamon sa pamilya Barretto, na laging nagiging sentro ng atensyon ng publiko.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

