Lie Reposposa at Paul Marsden, tila na-prank ang netizens sa breakup post

Lie Reposposa at Paul Marsden, tila na-prank ang netizens sa breakup post

  • Naguluhan ang netizens sa breakup post ng fiancé ni Lie Reposposa
  • Kasunod nito ay naglabas siya ng birthday greeting at TikTok dance video kasama si Paul
  • Nilinaw ng fiancé ni Lie na patuloy pa rin ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng photo post
  • Maraming netizens ang natuwa ngunit ang iba ay tila na-prank sa kontrobersyal na post

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

MUKHANG na-prank ang madlang netizens sa paniniwalang naghiwalay na ang dating Pinoy Big Brother teen housemate na si Lie Reposposa sa kanyang fiancé na si Paul Marsden.

Lie Reposposa at Paul Marsden, tila na-prank ang netizens sa breakup post
Lie Reposposa at Paul Marsden, tila na-prank ang netizens sa breakup post (📷Angelie Reposposa.Facebook)
Source: Facebook

Matatandaang kamakailan lang nang mag-post si Paul ng tila breakup message sa Facebook. Sa kanyang post, mababasa ang mga katagang: “Thank you for being my peace and my safe place. You helped me stand up when I was down. But every story has an ending, and ours ends here. Thank you for the memories, they will stay forever.” Kalakip ng naturang post ay mga larawan nila ni Lie na magkasama.

Read also

Lie Reposposa, binati si Paul Marsden sa kaarawan matapos ang breakup

Dahil dito, marami ang naniwala na tuluyan nang naghiwalay ang dalawa matapos ang ilang taon ng kanilang relasyon. Umani ng samu’t saring reaksyon ang post, at marami ang nalungkot sa balitang ito. Ngunit isang araw lamang ang lumipas, nagulat ang publiko nang mag-post si Lie ng birthday greeting para kay Paul.

Kasunod nito, lumabas pa ang isang TikTok dance video kung saan makikita silang masayang magkasamang nagsasayaw. Hindi nagtagal, nag-post rin si Paul ng larawan nila ni Lie na magkasama, kalakip ang caption na “April ended, we didn’t.” Sa maikling mensaheng ito, tila nilinaw ni Paul na hindi sila naghiwalay at patuloy pa rin ang kanilang relasyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Marami sa mga netizens ang natuwa at nakahinga ng maluwag dahil hindi pala totoong naghiwalay ang dalawa. Ngunit ang iba naman ay tila na-prank at nagkomento ng kanilang pagkadismaya. “Hayuffffff!!! Akala ko nag break na talaga kayu, na sad panaman ako ng a little bit pero GOODNESS GRACIOUS ITS A PRANKK hahahaha. Anyways stay strong couple,” saad ng isang netizen.

May isa pang nagkomento ng “For the views lang pala … Ang daming na prank.” Habang ang iba ay nagsabi ng “Halata nman hndi naghiwalay.. papansin lang for the views.”

Read also

Ronnie Alonte, nagsampa ng kaso kaugnay sa wedding leak

Si Lie Reposposa ay nakilala bilang isa sa mga teen housemates ng Pinoy Big Brother. Kilala siya sa kanyang pagiging natural, masayahin, at palaging nagbibigay ng good vibes sa kanyang mga tagahanga. Sa kabila ng mga kontrobersiya at tsismis na dumadaan sa kanyang buhay, nananatili siyang bukas at matatag sa pagharap sa mga ito. Ang kanyang relasyon kay Paul Marsden ay matagal nang sinusubaybayan ng publiko, lalo na’t afam fiancé ang kanyang napili, na nagdadagdag ng kakaibang kulay sa kanilang love story.

Bukod sa kontrobersyal na breakup post, kamakailan ay nagbahagi rin si Lie ng isang emosyonal na mensahe sa social media. Sa artikulo ng Kami, ibinahagi niya ang kanyang damdamin sa pamamagitan ng isang heartfelt post na umantig sa kanyang mga tagasuporta. Maraming netizens ang nagbigay ng encouraging words at suporta para sa kanya.

Samantala, sa isa pang artikulo ng Kami, binati ni Lie si Paul Marsden sa kanyang kaarawan matapos ang breakup rumors. Sa simpleng pagbati, ipinakita ni Lie na nananatili ang kanilang closeness at pagmamahalan sa kabila ng mga kontrobersiyang lumabas online.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate