Cristine Reyes, nagkuwento sa naging epekto ng past marriage sa kanyang buhay
- Cristine Reyes nagkuwento sa The Sexytime Podcast kung paano nakaapekto ang past marriage sa kanyang buhay at career
- Inamin niyang itinago niya ang mga struggles dahil sa pressure at takot sa judgment ng society
- Naging turning point ang kawalan ng effort ng partner sa kanilang wedding anniversary
- Sa huli, pamilya ang naging sandigan ni Cristine sa kanyang pagbangon mula sa breakup
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Emosyonal na nagkuwento si Cristine Reyes tungkol sa isa sa pinakamahirap na yugto ng kanyang buhay—ang dating marriage na malaki ang naging epekto sa kanyang personal at professional life. Sa kanyang guesting sa The Sexytime Podcast, inamin ng aktres na dumaan siya sa matinding pagsubok habang ginagawa ang teleseryeng Tubig at Langis.

Source: Instagram
Noon, kakapanganak pa lamang niya sa anak na si Amarah, kaya lalo pang naging mabigat ang sitwasyon. Sa kabila ng mga posts sa social media na nagpapakita ng masayang pamilya, inamin ni Cristine na hindi iyon ang totoong nangyayari. “That time na pinagtatakpan ko pa eh, na hindi kami okay pero nagpo-post ako na parang happy family pero 'yung totoo hindi siya talaga umuuwi sa bahay. Pumupunta siya sa mga casino tapos meron silang mga girls na kasama,” pagbabahagi niya.
Matagal niyang itinago ang kanyang struggles dahil sa pressure mula sa paligid.
Dumating ang punto na kinailangan niyang magdesisyon. Ayon kay Cristine, ang kawalan ng effort ng kanyang partner sa kanilang wedding anniversary ang naging turning point. “Ito talaga 'yung worst ha, sinong matinong tao ang makakalimot ng wedding anniversary niyo? Doon talaga ako nag-pray na kapag wala talaga siyang ginawa, ayaw ko na,” kuwento niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa huli, nakipaghiwalay siya matapos mapagtanto na wala nang pagbabago. “Naisip ko siguro noong nag-pray ako na kung sa wedding anniversary namin wala siyang ginawa, flowers man lang or anything, dinner… Nakipaghiwalay ako sa kanya,” dagdag pa niya.
Bukod sa emotional neglect, inamin din ni Cristine na may mga pagkakataong nakaranas siya ng mas mabibigat na sitwasyon. “
Sa kabila ng kanyang matapang na imahe sa publiko, aminado si Cristine na nahirapan siya sa loob. “Kasi sino maniniwala, 'Ikaw si Cristine Reyes, matapang ka eh,’” dagdag pa niya.
Ngayon, mas malinaw na sa kanya ang mga pagkakamali. “Fault ko rin naman kasi hinayaan ko 'yun. Nagpakasal ako kasi natatakot ako sa society na huhusgahan nila ako,” aniya.
Sa kasalukuyan, masaya na si Cristine sa kanyang relasyon kay Gio Tiongson, na matagal na niyang kaibigan mula pagkabata. Patuloy din niyang inaalagaan ang kanyang anak na si Amarah.
Bukod sa kanyang pagbabahagi tungkol sa past marriage, kamakailan ay naging usap-usapan din si Cristine dahil sa kanyang mga public statements at career highlights.
Sa isang artikulo ng Kami.com.ph, nagbigay si Cristine ng madamdaming apela para sa mga jeepney drivers na patuloy na naghihikaos. Ipinakita niya ang kanyang malasakit sa mga ordinaryong Pilipino na apektado ng krisis.
Samantala, sa isa pang artikulo ng Kami.com.ph, inamin ni Cristine ang totoong nangyari sa iconic fight scene nila ni Isabelle Daza sa teleseryeng Tubig at Langis. Ang rebelasyon ay nagbigay ng bagong kulay sa isa sa mga pinakatumatak na eksena sa Kapamilya series.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

