Cristine Reyes, inamin ang totoong nangyari sa iconic fight scene nila ni Isabelle Daza

Cristine Reyes, inamin ang totoong nangyari sa iconic fight scene nila ni Isabelle Daza

  • Cristine Reyes inamin na naging totoo ang iconic fight scene nila ni Isabelle Daza sa “Tubig at Langis”
  • Emosyon ni Cristine naipon sa loob ng 18 buwan at sumabog sa eksena sa beach
  • Isabelle Daza hindi inasahan ang biglaang intensity ni Cristine ngunit hindi nag-break character
  • Matapos ang serye, nagkaayos ang dalawa at nanatiling magkaibigan hanggang ngayon

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Isa sa mga pinakatumatak na eksena sa Kapamilya teleserye na Tubig at Langis noong 2016 ay ang matinding sagupaan nina Cristine Reyes at Isabelle Daza sa tabing-dagat. Kamakailan, muling binalikan ni Cristine ang karanasang iyon sa The Sexytime Podcast, kung saan inamin niyang naging masyadong totoo ang kanilang fight scene.

Cristine Reyes, inamin ang totoong nangyari sa iconic fight scene nila ni Isabelle Daza
Cristine Reyes, inamin ang totoong nangyari sa iconic fight scene nila ni Isabelle Daza (📷@cristinereyes/IG)
Source: Instagram

Ginampanan ni Cristine ang karakter ni Irene habang si Isabelle naman ang naging si Clara. Si Zanjoe Marudo ang leading man ng serye bilang si Natoy. Ayon kay Cristine, hindi lamang basta eksena ang nangyari kundi naging outlet ng kanyang naipong emosyon sa loob ng halos 18 buwan ng taping. “Hindi lang to nangyari sa isang araw ng taping ah–– 18 months 'to. Bwisit na bwisit na talaga ako,” ani Cristine.

Read also

Angel Locsin, ibinahagi ang duet nina Chito Miranda at Anne Curtis sa kanya birthday party

Sa beach scene, hindi inasahan ni Isabelle na magiging matindi ang galaw ni Cristine. “Nagkaroon ako ng chance sa beach. Hindi niya siguro inexpect na talagang totoohanin ko 'to. This is my chance after how many months mo akong pinahirapan,” dagdag pa ni Cristine. Dahil sa kanyang background sa martial arts at Jiu-jitsu, hindi niya napigilan ang sarili na ibuhos ang lahat ng emosyon sa eksena. “Talagang ginanun ko yung ulo ni Belle, slam sa baba. Tapos sinipa niya ako, gumanti siya sa akin,” aniya.

Para kay Isabelle, hindi niya inaasahan ang biglaang intensity ni Cristine. Gayunpaman, pinili niyang manatili sa karakter dahil ramdam niyang iyon na ang pinakamahalagang eksena. “Sobrang lakas niya. Siyempre, I also did not know that she was gonna do that… I didn’t also want to break character because I felt like this is it–– this is a big scene,” pagbabahagi ni Isabelle. Dagdag pa niya, “So ang sakit-sakit she was bringing me 50 meters across the beach.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapos ang eksena, umalis si Cristine at hindi kinausap si Isabelle, habang ang huli ay nag-breakdown sa tent. “Totoo talaga yung ginawa ko kasi sorry ah, naipon na yun Belle eh. Ang dami mong ginawa sa akin na hindi mo alam,” paliwanag ni Cristine. Sa kabila nito, matapos ang serye ay nagkaayos ang dalawa. Naging malinaw kay Isabelle ang pinanggagalingan ni Cristine at mabilis niyang naunawaan ang sitwasyon. “But in the end, parang it worked to our favor kasi lumaki yung show because of that,” ani Isabelle.

Read also

Neri Miranda, ibinida ang pagkanta ni Anne Curtis: "Na-inspire akong mag-voice lesson"

Si Cristine Reyes ay isa sa mga kilalang aktres sa Pilipinas na nagsimula sa reality show na StarStruck. Kilala siya sa kanyang versatility bilang aktres, mula sa drama hanggang sa action roles. Samantala, si Isabelle Daza ay isang aktres at TV host na bahagi ng prominenteng Daza family. Ang kanilang tambalan sa Tubig at Langis ay isa sa mga nagbigay ng matinding impact sa teleserye, lalo na sa iconic fight scene na ito.

Bukod sa pagbabalik-tanaw na ito, patuloy na gumagawa ng ingay si Cristine sa kanyang personal at propesyonal na buhay. Kamakailan lamang, nagbahagi siya ng mga makabuluhang karanasan sa social media.

Sa isang artikulo ng Kami.com.ph, ipinagdiwang ni Cristine ang kanyang ika-37 na kaarawan at nagpasalamat sa panibagong taon ng kanyang buhay. Sa kanyang post, makikita ang kanyang pasasalamat sa mga biyayang natanggap at sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya. Basahin ang buong kuwento dito.

Samantala, sa isa pang artikulo ng Kami.com.ph, nagbigay si Cristine ng madamdaming apela para sa mga jeepney drivers na patuloy na naghihikaos. Ipinakita niya ang kanyang malasakit sa mga ordinaryong Pilipino na apektado ng krisis, at nanawagan ng tulong para sa kanila. Basahin ang buong kuwento dito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate