Billy Crawford, masayang ibinahagi ang walong taon na alcohol-free lifestyle
- Billy Crawford nagbahagi ng walong taon na alcohol-free lifestyle at pagtigil sa paninigarilyo
- Singer-actor nagkuwento kung paano binago ng sugar-free diet ang kanyang kalusugan
- Billy mas disiplinado sa pagkain at pamumuhay para sa kanyang pamilya
- Aminado siyang mahirap ang laging malayo sa pamilya dahil sa trabaho
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Ibinahagi ni Billy Crawford, singer-actor at TV host, ang kanyang remarkable transformation sa pamumuhay. Sa isang panayam, proud niyang sinabi na walong taon na siyang alcohol-free, tumigil na rin sa paninigarilyo, at malaki ang nabawas sa kanyang sugar intake. Para kay Billy, ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa loob, at ito ay kanyang pinatunayan sa pamamagitan ng mas disiplinadong lifestyle.

Source: Instagram
Ayon kay Billy, ang kanyang commitment sa mas malusog na pamumuhay ay nagmula sa kagustuhan niyang mabuhay nang mas matagal at makasama ang kanyang pamilya. “Wala akong diet. That’s one of my things is I have no diet. As you can tell, walang tigil yung pawis ko, So I really burn more than usual,” ani Billy.
Dagdag pa niya, ang pinakamalaking pagbabago sa kanyang katawan ay nang iwasan niya ang sobrang sugar. “Number one na nagpatanggal ng weight sa akin was I cut out a lot of sugar. Sugar was the biggest drug sa buong mundo. That’s what I think.”
Ipinaliwanag pa niya na halos lahat ng pagkain ay may sugar: “Rice has sugar, pasta has sugar, bread has sugar, fruit has sugar, and everything has sugar. So you have to really choose if you want to eat candy or you want to eat fruits. So that’s my kind of regime right now.”
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Bukod sa sugar, malaking tulong din ang pagtigil niya sa alcohol. “It’s diet, actually. But yeah, I stopped alcohol. That’s the number one sugar trigger, and to make you bloat is alcohol. So it’s been eight years that I haven’t drank alcohol, and I stopped pretty much my vices. No more smoking cigarettes, no more alcohol, no more going out late at night.”
Para kay Billy, ang pagiging fit ay hindi tungkol sa matinding workout o diet kundi sa simpleng pamumuhay nang malusog. “It really changes everything. Staying fit is actually just living, living healthy, that’s all it is.”
Gayunpaman, aminado si Billy na mahirap ang laging malayo sa pamilya dahil sa trabaho. Sa darating na Holy Week, malungkot siyang hindi makakasama ang kanyang asawa na si Coleen Garcia at ang kanilang mga anak. “It’s hard to schedule not missing certain things because my job is actually traveling, and sad enough, this Holy Week, I’m actually going to be away from the family. Usually, it’s pretty much the same.”
Ibinahagi rin niya kung paano nila simpleng ipinagdiriwang ang Holy Week kapag magkasama: “We stay at home, pray, and have as much peace as possible, especially with what’s going on in the world.”
Para kay Billy, ang kanyang kapayapaan ay ang kanyang pamilya. “I think our patience is stretched anyways in life, and just by keeping a positive mental state just gives you peace and my peace right now is my wife and my two kids. So every time I see and I hear their voice and I know that they’re there and they’re around, that’s my peace. So when I’m overseas without my family, I’m at war.”
Si Billy Crawford ay kilala bilang multi-talented performer sa Pilipinas at abroad. Nagsimula siya bilang child star at naging international artist bago bumalik sa bansa. Sa kasalukuyan, isa siya sa mga kilalang TV hosts at performer, at patuloy na nagbibigay inspirasyon sa kanyang mga fans hindi lamang sa kanyang talento kundi pati na rin sa kanyang personal na transformation.
Kamakailan, nagbigay pugay si Billy Crawford sa kanyang asawa na si Coleen Garcia sa ika-33 kaarawan nito. Sa kanyang touching post, ipinakita niya ang kanyang pagmamahal at pasasalamat sa asawa, na ikinatuwa ng kanilang mga fans.
Bukod dito, nagbalik si Billy Crawford sa It’s Showtime bilang hurado ng Tawag ng Tanghalan. Ang kanyang pagbabalik ay mainit na tinanggap ng mga manonood, na muling nagpakita ng kanyang pagiging bahagi ng programa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


