Carlo Aquino, hinarap ang matinding takot sa isang eksena sa "A Special Memory"

Carlo Aquino, hinarap ang matinding takot sa isang eksena sa "A Special Memory"

  • Inamin ni Carlo Aquino na dumaan siya sa matinding anxiety dahil sa kanyang fear of heights habang kinukunan ang isang eksena sa rides
  • Nagkaroon ng bahagyang tensyon sa pagitan ng aktor at ni Direk Jerry Sineneng matapos maging emosyonal si Carlo sa set
  • Ibinunyag naman ni Bela Padilla na muntik nang mag-pass out ang aktor dahil sa taas ng presyon habang ginagawa ang isang mabigat na eksena
  • Sa kabila ng mga banta sa kalusugan at personal na takot ay pinili pa rin ni Carlo na ituloy ang trabaho para hindi makaabala sa produksyon

Sa ginanap na mediacon para sa reunion movie na "A Special Memory," hindi napigilan ng premyadong aktor na si Carlo Aquino ang maging tapat tungkol sa mga pagsubok na kanyang pinagdaanan sa set.

Carlo Aquino, hinarap ang matinding takot sa isang eksena sa "A Special Memory"
Carlo Aquino, hinarap ang matinding takot sa isang eksena sa "A Special Memory" (📷@jose_liwanag/IG)
Source: Instagram

Sa ilalim ng direksyon ni Jerry Lopez Sineneng at produksyon ng Viva Films, muling nagtambal sina Carlo at Bela Padilla, ngunit hindi naging madali ang lahat para sa aktor, lalo na nang kailanganin niyang harapin ang kanyang fear of heights.

Read also

"Nag-start ako sa ‘Bulaga’ 1994 as a PA..." Jose Manalo, binalikan ang kanyang humble beginnings

Ayon kay Carlo, muntik na silang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang direktor dahil sa isang eksenang kailangang gawin sa loob ng isang ride. "Ito na, ‘yung fear of heights ko, nagkaroon kami ng kaunting argument ni Direk Jerry kasi nga ayokong sumakay sa rides," pagbabahagi ng aktor. Inamin din niya na dumaan siya sa matinding pag-aalala habang nandoon na sa mismong lokasyon. "So, ang ginawa ko, sobrang na-anxiety ako. So, nagagalit ako sa sarili ko. Pumutok ako du’n habang nandu’n na sa ride," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dahil sa insidente, humingi agad ng dispensa si Carlo kay Direk Jerry matapos ang eksena upang hindi na lumaki ang gap sa pagitan nila, lalo’t matagal na silang magkakilala sa industriya. Ngunit hindi lang pala takot sa matataas na lugar ang naging hamon sa aktor. Ibinunyag ni Bela Padilla na nagkaroon din ng health scare si Carlo sa gitna ng isang heavy scene kung saan kailangan niyang magbasag ng mga plato.

Kuwento ni Bela, napansin niyang hindi na gumagalaw si Carlo matapos ang pagbasag ng plato. "So, pagtingin ko si Carlo nasa sahig na, parang muntik siya mag-pass out, or nag-pass out. Na-high blood si Carlo sa eksena," ani Bela. Sinabi rin ng aktres na mahilig kasi si Carlo sa mga pagkaing matataba tulad ng liyempo at hindi gaanong kumakain ng gulay, bukod pa sa pagiging mahilig sa kape.

Sa kabila ng paniningas ng labi at mataas na blood pressure, nakiusap pa rin si Carlo na ituloy ang shoot. "No, Direk, one more," ang naging hiling ng aktor kahit pinatitigil na siya ng produksyon para makapagpahinga. Hinangaan naman ni Bela ang pagiging propesyonal ng kanyang leading man sa kabila ng mga panganib na hinarap nito sa set.

Read also

Rufa Mae Quinto, may bagong career bilang "choreographer" ng isang sikat ni Alexa Ilacad

Si Carlo Aquino ay kilala bilang isa sa mga pinakamagaling na aktor ng kanyang henerasyon sa Pilipinas. Nagsimula bilang child star, umani siya ng samu’t saring parangal sa loob ng ilang dekada. Sa pelikulang "A Special Memory," muli niyang ipinamalas ang kanyang dedikasyon sa sining na naging dahilan kung bakit nananatili siyang matatag sa industriya ng showbiz.

Nagbahagi rin si Carlo Aquino ng ilang detalye tungkol sa kanyang personal na buhay, partikular na ang usapin sa naging mabilis na yugto ng kanyang pakikipag-date. Ipinaliwanag ng aktor ang kanyang pananaw sa pag-ibig at kung bakit pinili niyang maging tapat sa kanyang nararamdaman sa kabila ng mga komento ng publiko.

Bukod sa kanyang mga kasalukuyang proyekto, naging usap-usapan din ang tila planong paglisan ni Carlo Aquino sa mundo ng showbiz upang subukan ang kapalaran sa ibang bansa. Ayon sa ulat, pinag-iisipan ng aktor ang magtrabaho sa Amerika para sa kinabukasan ng kanyang pamilya at para na rin sa bago at kakaibang karanasan sa labas ng kamera.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate