Ai-Ai Delas Alas, may nakakatuwang mensahe kay Heart Evangelista: "Natupad na pangarap mo"

Ai-Ai Delas Alas, may nakakatuwang mensahe kay Heart Evangelista: "Natupad na pangarap mo"

  • Nag-repost si Ai-Ai Delas Alas ng isang video ni Heart Evangelista na nagpapakita ng kaniyang mga bonggang ganap sa fashion week
  • Sa kanyang caption, pabirong binati ni Ai-Ai si Heart dahil sa wakas ay natupad na ang pangarap nito na magkaroon ng sariling "debut"
  • Ginamit ni Heart sa kaniyang video ang iconic na linyang "naiinggit ka lang!" mula sa pelikulang Ang Tanging Ina, kung saan gumanap siya bilang isa sa mga anak ni Ai-Ai
  • Maraming netizens naman ang natuwa sa ipinakitang suporta ni Ai-Ai para sa global fashion icon

Muling pinatunayan ng Comedy Queen na si Ai-Ai Delas Alas na buhay na buhay pa rin ang samahan nila ng kaniyang "anak" sa pelikula na si Heart Evangelista. Sa isang Instagram post nitong Saturday, January 31, 2026, ni-repost ni Ai-Ai ang isang reel ni Heart na nagpapakita ng kaniyang mga kaganapan sa fashion week.

Ai-Ai Delas Alas, may nakakatuwang mensahe kay Heart Evangelista: "Natupad na pangarap mo"
Photos: @msaiaidelasalas, @iamhearte on Instagram
Source: Instagram

Sa nasabing video, makikitang naglalakad at nagpo-pose si Heart sa gitna ng Paris habang suot ang kaniyang mga high-fashion na damit.

Read also

Lian Paz, nagbahagi ng mensahe ng pag-asa matapos ang viral 'FTBA' Interview

Ngunit ang ikinaaliw ng mga fans ay ang audio na ginamit ni Heart —ang sikat na linyang, "Palibhasa naiinggit ka lang! Dahil hindi ka magkaka-debut!... Ma, natuloy ang debut ko!"

Dahil dito, hindi napigilan ni Ai-Ai na magbigay ng kaniyang nakakatuwang reaksyon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Congrats, nak POR... kahit walang ambag si MAMA natupad na pangarap mong mag-debut," biro ng komedyante sa kaniyang caption habang naka-tag ang official account ni Heart.

Matatandaang gumanap si Heart bilang si Por, ang isa sa mga anak ni Ina Montecillo (Ai-Ai), sa blockbuster hit noong 2003. Sa kabila ng paglipas ng mahigit dalawang dekada, kitang-kita na nananatili ang pagmamahal at suporta ng dalawa sa isa't isa.

Si Ai‑Ai delas Alas ay isang aktres, komedyante, mang-aawit, at personalidad sa telebisyon na tinaguriang 'Queen of Comedy.' Nakilala siya lalo na sa iconic niyang papel bilang Ina Montecillo sa pelikulang Ang Tanging Ina, na naging isa sa pinaka-iconic na comedy franchises sa Pilipinas. Sa telebisyon, hindi rin nagpahuli si Ai-Ai sa kanyang talento bilang host at aktres. Nakilala rin siya sa mga drama-series tulad ng Raising Mamay at blockbuster films gaya ng Volta, Ang Cute Ng Ina Mo, at Pasukob. Sa personal niyang buhay, ikinasal siya kay Gerald Sibayan noong 2017. Ngunit, noong November 2024, kinumpirma na ng 'Queen of Comedy' ang kanilang hiwalayan.

Read also

Ellen Adarna, may pasaring: "Sana talaga ganyan siya sa totoong buhay"

Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2025 ay nag-repost si Ai-Ai Delas Alas ng viral video ng mga grooms na umiiyak habang naglalakad sa aisle ang kanilang bride. Ibinahagi niya na natawa siya dahil hindi raw ganun ang naging reaksyon sa kanya ng ex niya noong sila ay ikinasal. Aniya pa nga ng Comedy Queen sa nasabing post, "Dapat pala ganito." Gayunpaman, ang post ay nagpakita ng kanyang katatagan.

Samantalang noong taon din na iyon ay ibinahagi ni Ai-Ai Delas Alas ang isang personal na pagninilay sa heartbreak. Inilahad niya na nakararanas siya ng isang nakakalitong halo ng mga emosyon. Aniya ng Comedy Queen, ito raw ay tinatawag na "post traumatic growth fatigue." Dahil dito, maraming netizen ang lubos na naka-relate sa kanyang online post, at napa-comment din sa naturang post ng aktres.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco