Makuwelang video nina Katrina Halili at Kris Lawrence, pumalo ng 13M views online

Makuwelang video nina Katrina Halili at Kris Lawrence, pumalo ng 13M views online

  • Usap-usapan ngayon sa Facebook ang isang video kung saan makikitang game na game na naki-uso sa isang TikTok trend sina Katrina Halili at Kris Lawrence
  • Umabot na sa mahigit 13 million views ang nasabing video simula nang i-post ito sa Facebook
  • Sa kabila ng kanilang nakaraan, ipinakita ng dalawa na maayos ang kanilang relasyon bilang co-parents para sa anak nila na si Katie
  • Maraming netizens ang humanga sa maturity ng dalawa, lalo na’t nananatili silang magkatuwang sa pagpapalaki sa kanilang anak

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Muling pinatunayan nina Katrina Halili at Kris Lawrence na maayos at mabuti ang kanilang co-parenting na relasyon para kay Katie. Sa isang video na mabilis na kumalat sa Facebook, makikitang magkasama ang dalawa habang ginagawa ang isang sikat na TikTok dance challenge.

Makuwelang video nina Katrina Halili at Kris Lawrence, pumalo ng 13M views online
Photos: Katrina Halili on Facebook
Source: Facebook

Sa simula ay tila seryoso ang dalawa, ngunit nauwi ito sa tawanan nang magsayaw sila sa harap ng camera.

Dahil sa kanilang kulit at chemistry, hindi nakapagtataka na humataw ang views ng video na ngayon ay mayroon nang mahigit 13 million views. Marami sa mga netizens ang hindi napigilang magkomento at ipahayag ang kanilang saya na makitang magkasundo ang dalawa.

Read also

Heartwarming post ni Ellen Adarna, viral: "My kiddos clearly ALWAYS have other plans"

"Ang saya nilang panoorin, nakailang ulit ako grabe, more videos po together," ayon pa nga sa isang comment sa post.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bagama't matagal na silang hiwalay, naging priority pa rin nina Katrina at Kris ang kapakanan ng kanilang anak na si Katie. Ang viral video na ito ay isa lamang sa maraming patunay na napanatili nila ang respeto sa isa’t isa sa loob ng maraming taon.

Bukod sa nakakaaliw na sayaw, naging inspirasyon din ang dalawa para sa ibang mga co-parents. Ipinakita nila na ang pagpapatawad at pagpili sa kapayapaan ay posible para sa ikabubuti ng pamilya. Sa ngayon, patuloy pa ring dinudumog ng mga likes at shares ang video nina Katrina at Kris sa naturang social media site.

Si Katrina Halili ay isang kilalang Filipina actress at commercial model. Nagsimula ang kanyang career sa show business matapos siyang matuklasan sa StarStruck noong 2003. Sumikat siya bilang kontrabida sa mga sikat na GMA fantaserye tulad ng Darna at Marimar. Si Katrina rin ang kauna-unahang Filipina na dalawang beses hinirang na 'S*xiest Woman' ng FHM Philippines noong 2006 at 2007. Sa mundo ng showbiz, nakatatanggap si Katrina ng malalaking papuri mula sa mga tao dahil sa kanyang malawak na acting range, lalo na sa mga antagonistic roles niya.

Read also

MC at Lassy, nagbigay ng opinyon sa 'presidential buzz' kay Vice Ganda

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naaliw ang aktres na si Katrina Halili sa naging mensahe at payo ng kanyang anak na si Katie para sa kanila ng papa nito. Ayon kay Katrina, sinabihan siya ni Katie na magbenta siya ng produkto na nakapangalan mismo sa kanya. Pinayuhan din ng bata ang kanyang papa na magbenta ng para magkaroon daw sila ng "maraming pera" na kinagiliwan naman ng marami.

Samantalang noong 2025 ay naging usap-usapan online si Katrina Halili matapos niyang ibahagi ang kanyang saloobin. Kamakailan ay nagsulat si Katrina ng mahabang mensahe tungkol kay Katie sa Facebook. Dito ay nakiusap si Katrina sa publiko tungkol sa pangungunsinti umano sa kanyang anak. Aniya Katrina, ito na raw ang "last chance" na ibinibigay niya sa publiko patungkol kay Katie.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco