Ellen Adarna, may pasaring: "Sana talaga ganyan siya sa totoong buhay"

Ellen Adarna, may pasaring: "Sana talaga ganyan siya sa totoong buhay"

  • Nag-post si Ellen Adarna sa kanyang Instagram ng isang makahulugang mensahe tungkol sa mga taong "mabuti" lamang kapag nasa harap ng camera.
  • Ibinahagi ni Ellen sa post na na mayroon silang pinagtatawanan sa kanyang 'group chat'
  • Aniya Ellen sa isang inidibidwal na hindi niya pinangalanan, "Sana talaga ganyan siya sa totoong buhay"
  • Sa post, ginamit din ni Ellen ang kanta ni Kanye West na "God Is" bilang background music

Muling naging maugong ang pangalan ni Ellen Adarna sa social media matapos mag-post ang dating aktres ng isang cryptic message sa kanyang Instagram Stories nitong Thursday, January 29, 2026.

Ellen Adarna, may pasaring: "Sana talaga ganyan siya sa totoong buhay"
Ellen Adarna, may pasaring: "Sana talaga ganyan siya sa totoong buhay" (@maria.elena.adarna)
Source: Instagram

Sa naturang post, walang binanggit si Ellen na pangalan, kung kaya't napaisip ang ilan kung tungkol kanino ang mensahe ng dating aktres.

Sa kanyang post, isinulat ni Ellen ang naging usapan sa kanilang group chat: "Natatawa ang group chat at nasabi na lang talaga... 'Sana talaga ganyan siya sa totoong buhay... sana talaga... kasi ang buti buting tao sa camera... wish namin sana ganyan ka talaga...'" Sinundan pa ito ng isa pang hirit na, "Sana maging ganyan ka talaga kung ano ka sa camera. Promise."

Read also

Isabelle Daza sa paggamit niya ng gamot na tirzepatide: "I'm not ashamed"

Ang banat na ito ni Ellen ay lumabas ilang araw matapos ang viral interview ni Derek Ramsay sa showbiz vlogger na si Morly Alinio, kung saan inamin ng aktor na nasaktan siya sa mga kontrobersiyang lumabas noong maghiwalay sila ni Ellen.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sina Ellen at Derek ay ikinasal noong November 2021, sa isang marangyang sunset wedding sa Bagac, Bataan.

Gayunpaman, nagsimulang kumalat ang mga bali-balita tungkol sa kanilang paghihiwalay noong huling bahagi ng 2025 matapos mapansin ng mga netizens na hindi na sila nagpo-post ng mga pictures na magkasama. Noong October 2025, mas lalong uminit ang usapan nang tanggalin ni Ellen ang apelyidong "Ramsay" sa kanyang Instagram profile.

Pormal na kinumpirma ang kanilang paghihiwalay noong November 2025 nang maglabas si Ellen ng mga "receipts" o ebidensya ng diumano'y panloloko ni Derek. Bago ang mga kontrobersiya na ito, biniyayaan ang dalawa ng isang anak na babae, si Liana, na isinilang noong October 2024.

Ellen Adarna, may pasaring: "Sana talaga ganyan siya sa totoong buhay"
Screenshot mula sa Instagram ni @maria.elena.adarna
Source: Instagram

Si Ellen Adarna ay isang Filipina actress, model, at personality sa social media na kilala sa kanyang candid personality at kapansin-pansing ganda. Unang nakilala si Ellen sa mundo ng showbiz sa pamamagitan ng kanyang mga papel sa iba't ibang palabas sa telebisyon. Bukod sa kanyang karera sa entertainment, kilala rin siya sa pagiging tapat at walang filter sa social media. Sa kanyang personal na buhay, siya ay kasal kay Derek Ramsay. Bago nito, naging bahagi siya ng isang high-profile na relationship kay John Lloyd Cruz, kung saan nagkaroon sila ng anak.

Read also

Ruffa Gutierrez, may nakaka-touch na birthday tribute para kay Dra. Vicki Belo

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagpagawa si Ellen Adarna ng isang napakalaking kama na kanyang ibinida sa Instagram. Ngunit sa kabila ng lawak ng kama, biro ng dating aktres na laging nauuwi sa siksikan ang kanilang pagtulog dahil mas gusto ng kanyang mga anak na magkatabi sila. Pinili ni Ellen ang Montessori style bed para sa kaligtasan ng mga bata at para na rin sa kanyang peace of mind bilang isang ina. Naglagay din siya ng extra bed sa tabi para sa kanyang mga kaibigan na nais ding matulog sa kanilang kwarto.

Samantalang noong 2025 ay pinuri ni Ellen Adarna si John Lloyd Cruz dahil sa pagiging "present" na father figure nito sa buhay ni Elias. Inamin ng aktres na "very in love" at sobrang lapit ng relasyon ni Elias sa kanyang "dada." Ibinahagi ni Ellen na umiiyak pa ang anak dahil sa sobrang pangungulila tuwing kailangan na nitong umuwi. Labis talaga ang pasasalamat ni Ellen kay John Lloyd sa Q&A.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco