Gretchen Barretto, hindi na raw babalik sa mundo ng show business

Gretchen Barretto, hindi na raw babalik sa mundo ng show business

  • Para kay Gretchen Barretto, wala na siyang balak na bumalik sa pag-aartista
  • Ayon sa 'La Greta,' tahimik na raw ang kanyang buhay ngayon lalo na't malayo na siya sa showbiz
  • Masaya ang dating aktres sa kanyang tahimik na buhay ngayon kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan
  • Marami pa rin ang humahanga sa napanatiling ganda at ningning ni Gretchen kahit wala na siya sa spotlight

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Mukhang final na nga ang desisyon ng nag-iisang "La Greta" na si Gretchen Barretto pagdating sa kanyang showbiz career. Sa isang pagkakataon kung saan namataan siya sa isang restaurant, muling naitanong ang dating aktres tungkol sa kanyang posibleng pagbabalik sa harap ng camera.

Gretchen Barretto, hindi na raw babalik sa mundo ng show business
Photos: Gretchen Barretto Official on Facebook | @salveasis on Instagram
Source: Instagram
"Never na raw siyang babalik sa showbiz," ayon sa naging post ni Salve Asis matapos makatagpo ang aktres sa isang restaurant.

Sa video, makikitang masaya at kalmado si Gretchen habang ipinapaliwanag ang kanyang rason kung bakit hindi na siya babalik pa sa industriya ng show business.

Read also

Luis Manzano, may hirit sa "birthday week" post ni Alex Gonzaga: "Patay agad?"

"I have a quiet life now," aniya ng nag-iisang 'La Greta' sa naturang video clip.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dahil dito, may isang babae sa background ang napa-comment ukol sa desisyon na ito ni Gretchen.

"No more problem, no more unnecessary stress," aniya ng babae na sinang-ayunan naman ng aktres, "Oh my God, yes," aniya ng 'La Greta' sa video.

Tila para kay Gretchen, sapat na ang mga taon na inilaan niya sa industriya at oras na para i-enjoy ang bunga ng kanyang pinaghirapan nang malayo sa intriga.

Sa kabila ng kanyang paglayo sa showbiz, hindi pa rin maikakaila ang taglay na ganda ni Gretchen na tila hindi tumatanda. Marami sa kanyang mga fans ang nalungkot sa balitang ito, pero marami rin ang nakakaunawa na karapatan niya ang mamuhay nang matiwasay at masaya sa piling ng kanyang mga mahal sa buhay.

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Gretchen Barretto ay isang kilalang Filipina actress, singer, at socialite na matagal nang bahagi ng showbiz. Isa siya sa mga miyembro ng prominenteng Barretto clan. Nakilala siya sa kanyang mga papel sa pelikula at teleserye. Kilala si Gretchen sa kanyang ganda at karisma, dahilan upang maging isa siya sa mga pinakasikat na personalidad sa showbiz noong kanyang kapanahunan. Bukod sa kanyang showbiz career, naging usap-usapan din si Gretchen dahil sa kanyang personal na buhay at mga relasyon. Siya ay matagal nang karelasyon ni Tonyboy Cojuangco, at may anak silang dalawa na si Dominique Cojuangco. Sa mga nakaraang taon, mas pinili na ni Gretchen ang pribadong buhay at paminsan-minsan lamang lumalabas sa publiko o sa social media platforms.

Read also

Bea Borres, rumesbak sa mga "online limos" sa kanyang DMs: "Is it my fault?"

Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2025 ay naghain ng counter affidavity niya si Gretchen Barretto. Inilabas na ng GMA Integrated News ang video ng aktres at ang pagdating nito sa DOJ. Kasama ni Gretchen ang kanyang counsel na si Atty. Alma Mallonga na humarap sa media. Aniya ni Atty. Malonga, ang mga paratang kay Gretchen ukol sa kaso ay "unsubstantiated."

Samantalang noong 2024 ay muling hinangaan ng mga netizen at celebrities si Gretchen Barretto. Kamakailan, itinampok siya sa post ni @mkqua sa social media kung saan makikita ang kanyang "fit check." Suot ang brown na top at neutral-colored na pantalon, agaw-pansin ang kanyang ganda. Hindinakapagtataka na umani ito ng atensyon mula sa celebrities.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco