Claudine Barretto, may madamdaming pagbati sa ika-90 na kaarawan ni Mommy Inday
- Nagbahagi si Claudine Barretto ng isang video sa Instagram para sa espesyal na kaarawan ng kanyang ina na si Mommy Inday
- Binati ng aktres ang kanyang ina sa pag-abot nito sa edad na 90 at sinabing napakaganda pa rin nito sa kabila ng edad
- Ipinahayag ni Claudine ang kanyang panalangin para sa mas mabuting kalusugan at kalakasan ng kanyang mahal na ina
- Makikita sa post ang malapit na ugnayan at pagmamahal ng mag-ina sa gitna ng selebrasyon
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isang napaka-espesyal na milestone ang ipinagdiwang ni Claudine Barretto dahil sinelebrate nito ang ika-90 na kaarawan ng kanyang ina na si Mommy Inday. Sa Instagram niya, nag-post ang Optimum Star na si Claudine Barretto ng isang maikling video para ipakita ang kanyang pagmamahal sa kanyang nanay.

Source: Instagram
"Happy 90th Mommy. 90 never looked so good," ang naging bungad na mensahe ni Claudine para sa kanyang ina. Sa video, makikitang magkatabi ang dalawa habang nakangiti sa harap ng camera, at nilagyan din ito ni Claudine ng text na "Happy Birthday MOMMY INDAY."
Bukod sa pagbati, nag-alay din ng dasal ang aktres para sa patuloy na maayos na lagay ng kanyang ina.
"I pray for better health and strength for you," dagdag pa ni Claudine. Ayon sa kanya, nais niyang malaman ni Mommy Inday kung gaano ito kahalaga sa kanilang buhay.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Agad namang umani ng mahigit 1,200 likes at maraming komento ang post na ito mula sa mga fans na nakiki-celebrate sa mahabang buhay ni Mommy Inday.
Marami ang natuwa na makitang masigla ang ina nina Claudine, Gretchen, at Marjorie sa napaka-importanteng araw na ito.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Claudine Barretto ay isang kilalang Filipina actress. Nagsimula ang career niya sa murang edad at kalaunan ay naging prominenteng personalidad sa telebisyon sa Pilipinas, kung saan gumanap siya sa mga sikat na sitcom tulad ng Home Along Da Riles at Palibhasa Lalake. Nakilala siya nang husto bilang lead actress sa mga malalaking soap opera gaya ng Saan Ka Man Naroroon — kung saan gumanap siya bilang triplets — at Marina. Bukod sa pag-arte, pumasok din siya sa negosyo at nakibahagi sa mga gawaing pangkawanggawa. Sa kanyang personal na buhay, minsan siyang ikinasal kay Raymart Santiago ngunit nagkahiwalay din sila at na-annul ang kanilang kasal.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ibinahagi ni Claudine Barretto na na-dislocate ang tuhod ng kanyang anak na si Santino. Kasalukuyang nasa St. Luke's Medical Center sa Taguig ang aktres para asikasuhin ang anak. Nakiusap si Claudine sa kanyang mga followers na isama sa panalangin ang mabilis na paggaling ni Santino. Nagpaabot naman ng suporta ang kaibigang si Ara Mina at nangakong ipagdarasal ang kalagayan ng bata.
Samantalang ay nag-post si Claudine Barretto ng isang video kung saan makikitang tila naka-confine sa ospital ang kanyang inang si Inday Barretto. Sa kanyang caption, inamin ng aktres ang kanyang nararamdamang hirap sa pagsabing "ang sakit sakit na." Ipinakita sa video ang mga bonding moments ni Claudine kasama ang kanyang ina at ang kapatid na si JJ Barretto sa ospital.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

