Atom Araullo, may "storytime" tungkol sa isang sekyu na laging bumabati sa kanya

Atom Araullo, may "storytime" tungkol sa isang sekyu na laging bumabati sa kanya

  • Ibinahagi ni Atom Araullo ang kwento ni SG Anecito, isang security guard sa Trinoma na palagi siyang binabati
  • Ikinuwento ni Atom sa kanyang post ang paulit-ulit na sinasabi sa kanya ng sekyu na ito
  • Dahil dito ay napagdesisyunan ni Atom na tuparin ang matagal nang sinasabi ni SG Anecito
  • Ginamit din ni Atom ang pagkakataon para magbigay ng "hirit" laban sa mga isyu ng korapsyon sa bansa

Sa isang nakakaantig na Instagram post, nagbahagi ang broadcast journalist na si Atom Araullo ng isang "storytime" tungkol sa kanyang pakikipag-ugnayan sa isang security guard sa Trinoma. Ayon kay Atom, paminsan-minsan ay nadadaan siya sa isang shop doon kung saan palagi siyang binabati ni SG Anecito.

Atom Araullo, may "storytime" tungkol sa isang sekyu na laging bumabati sa kanya
Atom Araullo, may "storytime" tungkol sa isang sekyu na laging bumabati sa kanya (@atom_araullo)
Source: Instagram

Ikinuwento ni Atom na kadalasan, kapag may nakakausap siyang mga kababayan, ang napupunta sa usapan ay ang kanyang mga documentaries o mga viral na balitang tinatalakay niya sa sa social media platforms.

Ngunit ayon kay Atom, iba raw si SG Anecito dahil isa lang ang lagi nitong sinasabi sa kanya: "Gusto raw niyang magkaroon ng kopya ng libro ko."

Read also

Nadine Lustre, inaming "takot na takot" noon kay Vice Ganda

Noong una ay inakala ni Atom na "chika lang" ito, pero dahil sa pang-apat na beses na itong nabanggit ng guard, napatunayan niyang seryoso ito. Kaya naman nang muli silang magkita, hindi na nagdalawang-isip si Atom na abutan siya ng personal na kopya na may sarili pa nga niyang pirma at nakaka-inspire na note.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Personal din sa akin yun. Dahil sa totoo lang, para talaga sa mga tulad ni Anecito ang aklat — mga taong nagsisikap, kumakayod para sa pamilya, lumalaban nang patas," sulat ni Atom sa kanyang caption. Sa gitna ng kwento, hindi rin nakapagpigil ang journalist na magsingit ng mensahe laban sa mga "nagpapakasasa sa kickback mula sa flood control projects."

Ipinakita ni Atom ang larawan ng nakangiting guard habang hawak ang aklat, pati na ang dedication na isinulat niya rito: "Para sa mga nagsisikap. Mabuhay ka!" Maraming netizens naman ang humanga sa pagiging mapagpakumbaba at matulungin ni Atom sa kanyang mga tagahanga.

Si Atom Araullo ay isang kilalang Filipino broadcast journalist, news anchor, at documentary filmmaker. Nagsimula ang kanyang karera bilang field reporter at kalaunan ay naging anchor ng mga programang pangbalita tulad ng State of the Nation at The World Tonight sa ABS-CBN. Kilala siya sa kanyang matapang, malinaw, at makataong paraan ng pag-uulat, lalo na sa mga isyung panlipunan, pulitika, at karapatang pantao. Bukod sa pagiging news anchor, tanyag din si Atom Araullo bilang host ng mga award-winning documentary programs tulad ng I-Witness, kung saan tinatalakay niya ang mahahalagang kuwento tungkol sa buhay ng mga Pilipino, kalamidad, at mga isyung madalas hindi nabibigyang pansin ng mga tao.

Read also

Aktwal na sitwasyon ni Sarah Discaya sa loob ng selda sa NBI Detention Facility, ipinasilip

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay inihayag ni Atom Araullo sa Fast Talk With Boy Abunda na matagal na siyang nasa isang long-term na relasyon. Ibinahagi ng batikang mamamahayag na kilala na rin ng publiko ang kanyang nobya at madalas silang makita ng mga tao na magkasama sa social media. Nang tanungin tungkol sa kasal, sinabi ni Atom na natural lamang itong naiisip kapag seryoso ang isang relasyon at pakiramdam niya ay handa na siya. Dagdag pa niya, wala siyang itinatakdang deadline o timeline para sa kasal at mas gusto niyang hayaan na kusang mangyari ang mga bagay.

Samantalang ay nag-post naman si Atom Araullo tungkol sa galit ng publiko kumpara sa panawagan ng mga pulitiko na manatiling kalmado. Ayon sa kanya, mas naiintindihan niya ang galit ng taumbayan kaysa sa panawagang kumalma. Iniuugnay ng mga netizen ang kanyang pahayag sa mga isyu ng korupsiyon sa mga flood control project. Nauna na ring binatikos ni Atom ang mga awtoridad sa pagsisiyasat nila sa kanilang mga sarili, na kanyang tinawag na "groundbreaking."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco