Richard Gomez, inamin ang komprontasyon sa SEA Games, kinwestiyon pagkatanggal sa top fencer

Richard Gomez, inamin ang komprontasyon sa SEA Games, kinwestiyon pagkatanggal sa top fencer

  • Kinumpirma ni Leyte 4th District Rep. Richard Gomez ang naganap na komprontasyon sa pagitan niya at ni PFA president Rene Gacuma sa SEA Games
  • Kinuwestiyon ni Gomez ang desisyon ng Philippine Fencing Association na tanggalin si Alexa Larrazabal sa women’s epee event
  • Inakusahan ni Gacuma si Gomez ng pisikal na pananakit at balak magsampa ng kaso
  • Sinabi ni Gomez na magsasampa rin siya ng reklamo laban sa PFA dahil sa umano’y pambu-bully sa atleta

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Kinumpirma ni Leyte Fourth District Rep. Richard Gomez na nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan niya at ni Philippine Fencing Association (PFA) president Rene Gacuma sa ginanap na 33rd Southeast Asian Games, kasabay ng kanyang pagkwestiyon sa desisyon ng pederasyon na palitan ang nangungunang fencer ng bansa na si Alexa Larrazabal.

Photo: Richard Gomez
Photo: Richard Gomez
Source: Facebook

Sa isang panayam ng News5, sinabi ni Gomez na hinarap niya ang mga opisyal ng PFA matapos malaman na tinanggal si Larrazabal sa women’s individual epee competition isang gabi bago ang mismong laban.

Read also

Anne Curtis, 'naiiyak' sa paghahambing ng Singapore at Pilipinas: "Nakakainggit sila"

Ayon sa kanya, ginawa niya ito upang ipaglaban ang atleta at linawin ang isang desisyong aniya’y hindi pa kailanman nangyari.

“Nagkaroon kami ng confrontation dun sa venue ng fencing,” sabi ni Gomez.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dagdag pa niya, ipinaalam umano sa kanya ng isang dating national coach na bigla na lamang inalis ang No. 1 epee fencer kahit handa itong lumaban.

“Never nangyari sa amin ‘yan na No. 1 fencer ka, tapos hindi ka pinalaro.”

Ikinuwento rin ni Gomez na si Gacuma umano ang nagpalala ng tensyon sa kanilang pag-uusap.

Kaugnay ng paratang na pisikal siyang nanakit, sinabi ni Gomez, “Eh siya lumalapit sa akin eh.”
Dagdag pa niya, “Alangan namang halikan ko siya doon.”

Samantala, inakusahan ni Gacuma si Gomez ng pisikal na pananakit sa loob ng venue ng SEA Games at iniulat ang insidente kay Team Philippines chef de mission Jose Raul Canlas.

Plano rin umano ni Gacuma na magsampa ng kaso. Isang video ng umano’y insidente ang kumakalat na sa social media, bagama’t sinabi ni Gomez na hindi pa niya ito napapanood.

Read also

Mag-ama na namaril sa Bondi Beach, kumpiramadong nalagi sa Pinas bago ang pamamaril ayon sa BI

“Hindi ko nakita ‘yung video eh, pero nagkaroon kami ng confrontation habang nag-uusap kami,” sabi ni Gomez.

Ayon sa kanya, matindi ang emosyon dahil nakataya ang tsansa ng bansa na makakuha ng medalya.

Sinabi rin ni Gomez na matagal nang umano’y bina-bully si Larrazabal bago pa ang SEA Games.

“Prior to that, months before that, binu-bully nila si Alexa,” aniya.

Dagdag pa niya, balak din niyang magsampa ng kaso laban sa PFA dahil sa umano’y pang-aapi sa atleta.

Richard Gomez is a well-known Filipino actor, television personality, athlete, and public servant who rose to fame during the late 1980s and 1990s. He became one of the most prominent leading men of his generation after starring in numerous hit films and television series, often paired with top actresses of the era. His work earned him several acting awards and established him as a major figure in Philippine entertainment.

Juliana Gomez recently celebrated her mother Lucy’s birthday with a touching message, lovingly calling her “mama” and describing her as her “best friend for life.” Lucy replied just as warmly, referring to Juliana as her “treasure” and her “bundle of joy,” highlighting the strong and affectionate bond they share.

Read also

Jefferson Utanes, ang boses ni Son Goku sa Filipino-dubbed na DBZ, pumanaw na

In a report from last year, Ellen Adarna and several fellow celebrities openly praised Lucy after she shared a new set of portrait photos on Instagram for @snailwhitephils. The images quickly caught attention online, showcasing Lucy’s effortless grace. She wore a clean white top, styled her hair in soft curls, and opted for natural, polished makeup, creating a look that many found striking. The portraits soon circulated on social media, with Ellen and others expressing admiration and showering her with compliments.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)