Jazel Sy, nag-react sa viral 'price comparison' ng gown nina Kiray Celis at Loisa Andalio

Jazel Sy, nag-react sa viral 'price comparison' ng gown nina Kiray Celis at Loisa Andalio

  • Pinabulaanan ni Jazel Sy ang kumakalat na post tungkol sa presyo ng wedding gown ni Kiray Celis
  • Sinabi ng designer na "way off" o malayo sa katotohanan ang presyong 5 million pesos na nakalagay sa viral photo
  • Sa kabila nito, natuwa pa rin si Jazel dahil naipakita ang galing ng mga Pinoy artisan
  • Aniya ng kilalang designer, "pure magic" daw kasi ang Pinoy craftsmanship

Naging usap-usapan online ang isang post na nagkukumpara sa wedding gowns nina Kiray Celis at Loisa Andalio. Sa litrato, pinalalabas na nagkakahalaga umano ng 5 million pesos ang gown ni Kiray, habang 500,000 pesos naman ang kay Loisa.

Jazel Sy, nag-react sa viral 'price comparison' ng gown nina Kiray Celis at Loisa Andalio
Photos: @kiraycelis, @teampatdy on Instagram
Source: Instagram

Dahil dito, agad na napa-react ang fashion designer ni Kiray na si Jazel Sy para linawin ang isyu. Ayon kay Jazel, hindi totoo ang mga numerong ito.

"Not true. I came accross a post about Kiray’s gown that’s getting a lot of reactions. Let me say that the gown price is way off (my gowns are nowhere near either number)," paliwanag ni Jazel sa kanyang Instagram post.

Read also

Jefferson Utanes, ang boses ni Son Goku sa Filipino-dubbed na DBZ, pumanaw na

Nilinaw ng kilalang designer na hindi raw aabot sa ganoong kalaking halaga ang kanyang mga nilikha.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Pero kahit mali ang info sa presyo, hindi naging negatibo ang dating nito kay Jazel. Masaya pa rin siya dahil napansin ang ganda ng gawang Pilipino.

"I am honestly thrilled by the comparison—it’s proof that Filipino craftsmanship can match international designers," sabi niya. Dagdag pa nga ni Jazel, ang mga Pinoy artisan ay may "incredible detail, heart, and way better value" daw.

Sa huli, pinasalamatan din niya si Kiray sa pagtitiwala sa kanya. Para kay Jazel, isang pangarap na natupad na mapili ang kanyang disenyo.

"And dreams really do come true—just like with @kiraycelis. We're over the moon that she picked a fully custom gown, handcrafted and hand-beaded by our brilliant Filipino artisans, proving once again that Pinoy craftsmanship is pure magic," masayang pagtatapos ng designer.

Si Kiray Celis ay isang Filipina actress, komedyante, negosyante, at vlogger. Nakilala siya nang husto bilang child star sa ABS-CBN show na Goin' Bulilit at kalaunan ay lumabas din sa drama series na Mara Clara. Sa paglipas ng mga taon, ipinakita ni Kiray ang kanyang versatility sa pagganap ng iba't ibang papel sa telebisyon at pelikula. Bukod sa pag-arte, pumasok din siya sa negosyo at nadiskubre ang kanyang hilig sa live selling sa social media, na naging daan para maitayo niya ang sarili niyang mga brand. Sa kanyang personal na buhay, inanunsyo ni Kiray ang kanyang engagement sa longtime boyfriend niyang si Stephan Estopia noong 2025 lamang.

Read also

Kiray Celis, nagpasalamat kay Angeline Quinto dahil tinupad nito ang "pangarap" niya sa kasal

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ibinahagi ni Kiray Celis ang video ng kanyang paglalakad sa aisle sa kasal niya. Kinanta ni Angeline Quinto ng live ang "Till I Met You" bilang wedding song ni Kiray. Inilarawan ni Kiray ang pangyayari bilang pangarap na tila natupad sa araw niya. Nagpaabot siya ng pasasalamat kay Angeline Quinto para sa pagkanta nito.

Samantalang ay viral ngayon ang bagong video ni Kiray Celis na ipinost niya sa Instagram. Sa naturang video, sinubukan ni Kiray na kumasa sa 'Sugar On My Tongue' trend. Ngunit ang pagsulpot ni Christian Antolin sa video ay kinaaliwan ng marami. Aniya tuloy ni Kiray, may "istorbo" raw na sumingit sa kanyang pagkasa sa naturang trend.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco