Lian Paz, naiyak sa liham at mga regalo ng kanyang bunsong anak na si Niña

Lian Paz, naiyak sa liham at mga regalo ng kanyang bunsong anak na si Niña

  • Nag-post si Lian Paz ng sulat at handmade na regalo mula sa kanyang bunsong anak na si Niña
  • Ang mga regalo ay mga singsing at pulseras na gawa sa papel, inspirasyon ng brand na Pandora
  • Lubos na naantig si Lian sa ganda ng sulat ni Niña na nagpapahayag ng pagmamahal nito sa kanya
  • Aniya Lian, napakasarap daw talaga maging isang ina lalo na pag ganito mapagmahal ang mga anak

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Emosyonal na ibinahagi ng aktres at host na si Lian Paz ang isang taos-pusong sulat at handmade na regalo mula sa kanyang bunsong anak na si Niña, sa kanyang Instagram account.

Lian Paz, naiyak sa liham at mga regalo ng kanyang bunsong anak na si Niña
Lian Paz, naiyak sa liham at mga regalo ng kanyang bunsong anak na si Niña (@liankatrina)
Source: Instagram

Sa post, ipinakita ni Lian ang sulat ni Niña kung saan inilarawan ng bata ang kanyang ina bilang "the best mom in the world" at ang kanyang inspirasyon upang mag-"dream big" sa buhay.

Bukod sa matamis na sulat, naghanda rin si Niña ng mga handmade na alahas para kay Lian. Makikita sa larawan ang dalawang maliliit na kahon na may nakasulat na 'Pandora,' na naglalaman ng mga bracelet at singsing na yari sa papel, inspirasyon mula sa kilalang brand ng alahas.

Read also

Kim Chiu, nag-post ng video montage na may makabuluhang audio: "I'm exhausted"

Ipinakita rin ni Lian na suot niya ang ilan sa mga handmade na singsing, kabilang ang isa na may disenyo ng Hello Kitty at bulaklak.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Lubos na naantig si Lian sa ginawa ng kanyang bunsong anak, at inilarawan niya ang kanyang damdamin.

Ayon kay Lian, ang sulat at regalo ay nagpapakita kung paano siya nakikita ng kanyang anak bilang isang ina.

"My baby girl bunso, Niña, made me these gifts and her letter, together, it made me cry. This is how much she sees me as her world. Hay, pinakasarap ang maging [isang] ina. Walang katulad ang regalo ng Diyos na bigyan ka ng anak, lalo na kapag ganito ka sweet at thoughtful. Lahat sila ganyan sa akin, iba ibang ways lang."

Ang mensahe ni Lian ay nagbigay-diin sa kasiyahan ng pagiging isang ina at kung gaano siya pinagpala sa pagkakaroon ng mga anak na maaalalahanin at mapagmahal.

Swipe left para makita ang iba pang photos:

Si Lian Paz ay isang dating Filipina aktres at mananayaw na sumikat bilang miyembro ng sikat na dance group na EB Babes, na kilala sa kanilang mga performances at paglabas sa pelikula, telebisyon, at music videos. Bukod sa pagiging dancer, sumubok din siya sa pag-arte at lumabas sa ilang proyekto sa TV at pelikula, kadalasan bilang supporting actress. Dahil sa kanyang galing at charm, naging pamilyar ang kanyang mukha sa showbiz, ngunit kalaunan ay iniwan niya ang industriya upang mag-focus sa kanyang personal na buhay. Bukod pa rito ay nakilala rin si Lian bilang dating asawa ng komedyanteng si Paolo Contis, kung saan mayroon silang dalawang anak na sina Xonia at Xalene. Pagkatapos ng kanilang hiwalayan, natagpuan ni Lian ang bagong pag-ibig sa kanyang asawang si John Cabahug.

Read also

Ate Gay, may bagong health update matapos ma-confine dahil sa 'side effects' ng chemotherapy

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naging usap-usapan online si Lian Paz, dating EB Babe, dahil sa kanyang bagong post. Sa Instagram, nagbahagi si Lian ng isang candid photo nina John Cabahug at Paolo Contis. Sa post, biniro niya ang dalawa na agad namang nagbigay-aliw sa maraming netizens sa social media. Matatandaang nagkita-kita sina Lian, John, at Paolo noong August, na naging laman ng mga balita.

Samantalang ay kinumpirma naman ni Paolo Contis na ang relasyon niya kay Lian Paz at sa asawa nitong si John Cabahug ay naging mabuti na. Iniuugnay niya ang pag-aayos sa kanyang desisyon na panatilihing pribado ang kanilang personal na buhay mula sa publiko. Nagpahayag ang aktor ng lubos na pasasalamat at respeto kina Lian at John, lalo na sa pagpapalaki nila kina Xonia at Xalene. Ibinunyag din niya na nagpo-post lamang siya ng mga larawan ng mga bata kapag nauna na si Lian at John na magbahagi ng mga ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco