Claudine Barretto recalls past issue with Mark Anthony Fernandez during project shoot

Claudine Barretto recalls past issue with Mark Anthony Fernandez during project shoot

  • Nagkaroon ng candid na palitan sina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez habang nasa set ng kanilang reunion project
  • Biniro ni Claudine ang dating nobyo tungkol sa isang lumang isyu na minsang nakaapekto sa kanilang relasyon
  • Naging masaya ngunit may halong emosyon ang tagpo habang nagtawanan ang cast at team sa kanilang interaction
  • Patuloy na inaabangan ng fans ang reunion project dahil sa chemistry at long history ng dalawa

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Sa isang candid na sandali mula sa set ng reunion project nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez, muling binalikan ng Optimum Star ang isang lumang bahagi ng kanilang nakaraan.

Claudine Barretto recalls past issue with Mark Anthony Fernandez during project shoot
Claudine Barretto recalls past issue with Mark Anthony Fernandez during project shoot (📷Claudine Barretto/Facebook)
Source: Facebook

Sa larawang ibinahagi ng LionhearTV, makikitang may birong sinabi si Claudine kay Mark habang nagkukuwentuhan ang dalawa sa break ng kanilang shoot. Hindi nakaligtas ang aktor sa pagbibiro ng dating nobya, lalo na nang sabihin nito ang linyang

Nakabuntis ka” na tila tumutukoy sa isang pangyayari noong kabataan nila. Sinundan pa ito ng aktres ng “Ang sakit sa ulo, sa heart” habang natatawa at tila pinaparamdam ang halo ng biro at pagiging totoo ng emosyon.

Read also

Olympic boxer Hergie Bacyadan at asawang si Lady Digo, magkaka-baby na

Sa pagpapatuloy ng kanilang usapan, ibinahagi pa ni Claudine na hindi niya makakalimutan ang panahong may nalaman siyang balita habang nasa Merville siya noon. Hindi niya napigilang sabihin kay Mark ang tanong na

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Ilang taon na ulit yung panganay mo?” na tila nagpapatunay na may matagal nang hindi napag-uusapang bagay sa pagitan nila.

Kitang-kita rin sa larawan na nagbiro si Mark at tila humingi pa ng tulong sa kanilang direktor dahil nagiging awkward ang sitwasyon, ngunit sa kabuuan ay nanatiling magaan ang palitan.

Ang tagpong ito ay nagpakita ng natural na chemistry ng dalawa—isang chemistry na hindi nawala kahit mahaba ang panahon mula nang sila ay maging magkarelasyon. Ayon sa mga fans, bahagi raw ito ng dahilan kung bakit sabik silang makita ang final output ng reunion project.

Nitong nakaraang buwan pa lamang, kumalat ang teaser photos kung saan magkayakap ang dalawa, dahilan para sumigla ang excitement ng kanilang supporters na matagal nang naghihintay ng proyekto nilang muli.

Bagamat wala pang ibinibigay na kompletong detalye tungkol sa proyekto, malinaw sa mga unang kuha na may malalim na koneksiyon ang tambalan. Ang kanilang pagbabalik-eksena ay nagbibigay-alaala sa panahon kung kailan isa sila sa pinakasikat na love team ng kanilang henerasyon. Para naman kay Claudine, ang birong binitiwan niya ay tila isang paraan para tuluyang matawa at makapagbiro tungkol sa isang kabanata ng kanyang kabataan, habang para kay Mark, mukhang nagdala naman ito ng saya at kaunting hiya sa eksenang iyon.

Read also

AJ Raval, umamin na sobrang nasaktan sa pagtawag sa kanya ng “kabit”

Si Claudine Barretto ay kilala bilang Optimum Star ng lokal na showbiz at isa sa pinakasikat na aktres noong late ‘90s at early 2000s. Maraming iconic films at serye ang kaniyang pinasikat at hanggang ngayon ay patuloy na sinusubaybayan ang kanyang buhay at karera. Si Mark Anthony Fernandez naman ay isa sa prominenteng aktor ng parehong panahon at naging bahagi ng ilang blockbuster films at teleseryes. Ang tambalan nila ay naging paborito ng marami at mabigat ang nostalgia factor para sa mga nangangarap silang muling magka-eksena.

Sa isang ulat ng KAMI, ibinahagi ni Milano Sanchez ang kaniyang pasasalamat kay Claudine Barretto pagkatapos makatanggap ng suporta mula sa aktres sa social media. Ang post na iyon ay nagpakita ng pagiging maalaga at mapagmalasakit ni Claudine, na patunay na malakas pa rin ang impluwensiya niya sa mga mas batang artista.

Isa pang ulat mula sa KAMI ang naglahad ng heartfelt post ni Claudine para sa kaniyang anak na si Sabina. Ibinahagi niya ang pagmamalaki at pagmamahal sa anak at kung paano nila tinatahak ang kanilang journey bilang mag-ina. Ang mensaheng ito ay tumugma sa madamdaming imahe ni Claudine bilang isang ina na inuuna ang pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate