Bea Borres, humiling ng dasal para sa kalagayan ng ipinagbubuntis

Bea Borres, humiling ng dasal para sa kalagayan ng ipinagbubuntis

  • Naging araw ng ospital stay ang dapat sana’y baby shower ni Bea Borres
  • Nagbahagi siya ng mensahe ng pasasalamat at panawagan ng dasal para sa kanyang baby
  • Ikinuwento ng content creator na malapit na ang pagtatapos ng kanyang semester kaya doble ang kanyang pinagdadaanan
  • Sinamahan siya ng pamilya at mga kaibigan na personal na bumisita sa kanya sa ospital

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Sa araw na dapat sana’y masayang pagdiriwang para sa kanyang baby shower, isang emosyonal na update ang ibinahagi ni Bea Borres sa kanyang social media. Imbes na venue na puno ng dekorasyon at bisita, ospital muna ang naging lugar niya dahil sa kinakailangang masusing pagmo-monitor.

Bea Borres, humiling ng dasal para sa kalagayan ng ipinagbubuntis
Bea Borres, humiling ng dasal para sa kalagayan ng ipinagbubuntis (📷Bea Borres/Facebook)
Source: Facebook

Ayon sa kanya, matagal nang nakaplano ang baby shower—may mga bayad nang suppliers at naipadala nang maaga ang mga imbitasyon. Gayunpaman, inamin niyang ang sitwasyon ngayon ang mas dapat unahin para sa kapakanan ng kanyang dinadala.

Sa kanyang post, ibinahagi ni Bea ang bigat at paghahalo ng emosyon na naramdaman niya sa hindi inaasahang pangyayari. “Today was supposed to be my baby shower, payments settled, invites sent to family and friends weeks in advance, but here I am still in the hospital for close monitoring 😅 It’s also almost the end of my semester, and I honestly don’t know how this will go. I’m just really hoping and praying for the best. Please pray for my baby 🙏🏻💗” ani Bea. Kasunod nito ay ipinahayag niya ang pasasalamat sa mga dumalaw at nagpakita ng suporta. “Ty to my family and friends who made time to visit me during times like this. It means so much to be reminded that I’m not alone.”

Read also

Sen. Kiko Pangilinan kay Sen. Bato Dela Rosa: “Hindi kami tahimik, nagmamasid kami”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kilala si Bea bilang content creator na madalas magbahagi ng mga personal na kwento tungkol sa kanyang journey bilang estudyante at soon-to-be mom. Sa mga nakaraang buwan, naging bukas siya sa mga pagsubok na kinaharap, lalo na’t kabilang siya sa mga tinuturing na high-risk ang pagbubuntis. Kaya naman hindi na nakapagtataka na mas pinili niyang manatili sa ospital para matiyak ang maayos na kondisyon ng kanyang baby.

Sa kabila ng hindi natuloy na celebration, patuloy pa rin ang pag-agos ng suporta mula sa netizens. Marami ang nagbigay ng encouraging words at panalangin para sa kaniya at sa kanyang anak. Makikita rin sa komento ng mga followers na humahanga sila sa katatagan ni Bea at sa pagiging bukas nito sa kanyang pinagdadaanan.

Si Bea Borres ay isang social media personality na unang nakilala bilang teen content creator bago pa man siya sumabak sa mas seryosong content tungkol sa student life, lifestyle at ngayon—ang kanyang pagbubuntis. Madalas siyang magbahagi ng mga real-life updates na nagiging relatable para sa kanyang followers na karamihan ay kabataan. Sa pag-anunsyo niya ng pagiging soon-to-be mom, mas naging bukas siya sa mga pagbabago at paghahanda para sa bagong yugto ng buhay.

Read also

Nadine Lustre nilinaw ang “no tea, no shade” isyu matapos mag-trending ang TikTok video

High-risk pregnancy story Sa isang naunang ulat, ibinahagi ni Bea ang karanasan niya bilang high-risk mom-to-be at kung paano nito binago ang kanyang pananaw sa buhay. Inilahad niya kung paano niya tinanggap ang responsibilidad at ang pangako niyang maging isang mas maayos na tao para sa kanyang baby. Lubos na naka-relate ang mga netizens at nagpaabot pa ng mensahe ng pag-asa at suporta.

Isyu sa P300k shopping vlog Kamakailan, nagbigay din ng reaksyon si Bea sa mga puna matapos ang kanyang viral na P300k shopping vlog. Ipinaliwanag niya na may mga hindi nakikita ang publiko at na hindi dapat basta-basta husgahan ang isang tao base sa isang content lamang. Sa kabila ng mga puna, nanindigan siya sa kanyang panig at nagpahayag ng pasasalamat sa mga patuloy na sumusuporta.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate