Jessy Mendiola sa pagkakaroon ng sakit ni Rosie: "Kulang na lang mag-wrestling kami"
- Ibinahagi ni Jessy Mendiola ang matinding pagsubok sa pag-aalaga kay Isabella Rose nang magkasakit ito
- Inilarawan niya ang hirap sa pagpapainom ng gamot at sinabi pa niyang "kulang na lang mag-wrestling kami"
- Gayunpaman, nagpasalamat si Jessy dahil may isang brand ng gamot na nakatulong
- Marami naman ang naka-relate sa post na ito ni Jessy sa kanyang Instagram page
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Ibinahagi ng aktres na si Jessy Mendiola sa Instagram ang hirap at struggle na dinanas niya sa pag-aalaga sa kanyang anak na si Isabella Rose nang ito ay magkasakit kamakailan lamang.

Source: Instagram
Prangkang inamin ni Jessy ang kanyang matinding pag-aalala, kaya sinabi pa niyang mas gugustuhin pa niyang siya na lang ang magkasakit kaysa sa kanyang anak na si Rosie.
"Grabe, ang hirap talaga kapag may sakit ang anak. Kung pwedeng ako na lang magkasakit, mas ok pa," pahayag ni Jessy.
Sa naturang post, ibinahagi niya ang naging problema sa pagpapainom ng gamot at pagpapababa ng lagnat. Naging mahirap din daw ang paggamit ng cooling patches at sponge bath.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Ayaw niya ng cooling patches, ayaw rin ng sponge bath. Nananapak at kulang na lang mag-wrestling kami," emosyonal niyang kwinento sa kanyang mga followers sa photo app.
Gayunpaman, nagpasalamat si Jessy sa isang brand, at sinabing bumaba ang lagnat ni Rosie dahil nagustuhan nito ang flavor ng gamot. Nilinaw niya na hindi paid post ang kanyang mensahe, at talagang nagpapasalamat lang siya sa tulong na nakuha nila para gumaling na si Baby Rosie.
Matapos ang sunud-sunod na puyat, nagbahagi rin si Jessy ng isang selfie kung saan kita ang kanyang pagod ngunit nakangiti pa rin: "Halata bang puyat ako? Finally, nakatulog na siya."
Sa huli, nagbigay si Jessy ng paalala sa kanyang mga followers: "Buti na lang ang lakas ng immune system niya, may energy at malikot pa. Ingat kayong lahat ngayong flu season. Magpalakas at magpahinga."
Ang post ni Jessy Mendiola ay nagpapakita ng reality ng motherhood, kung saan ang bawat parent ay humaharap sa matinding pagsubok lalo na kung ang anak ang nagkaroon ng sakit.

Read also
Angelica Panganiban, nag-open up tungkol sa kanyang "5 sleepless nights" nang magkasakit si Amila

Source: Instagram

Source: Instagram
Si Jessy Mendiola ay isang sikat na Filipina aktres. Noong 2007, opisyal siyang inilunsad bilang bahagi ng Star Magic Batch 15 ng ABS-CBN. Sa sumunod na mga taon, gumanap siya sa ilang mga supporting role sa serye at kalaunan ay bumida na rin sa ilang hit series tulad ng Budoy, Paraiso, at Maria Mercedes. Bukod sa kanyang mga tungkulin sa telebisyon, nagkaroon din siya ng ilang pagganap sa pelikula. Sa kanyang personal na buhay naman ay kasal siya kay Luis Manzano at sila ay may isang anak na nagngangalang Isabella Rose, na tinatawag din nilang Rosie o Peanut.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay muling nagpamalas ng kanyang pagiging praktikal si Jessy Mendiola. Kamakailan ay ibinahagi ni Jessy ang kanyang "rule" bago bumili ng luxury item. Sa Instagram, ipinakita ni Jessy na ibinebenta na niya ang kanyang Chanel bag. Kasama ng post ay ang "rule" na fina-follow ni Jessy.
Samantalang ay muling nagdala ng good vibes ang mister ni Jessy Mendiola na si Luis Manzano. Sa Instagram, ipinost ni Luis ang inabot sa kanya ni Baby Rosie na laruan. Nang tanungin naman ni Luis kung ano ito, tila naloka siya sa sagot ni Peanut. Agad namang natawa ang mga netizens sa kwento na ito ng TV host sa page niya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

