Vice Ganda, nagpakatotoo kung bakit wala munang 'Magpasikat'
- Inamin ni Vice Ganda na inusog muna nila ang inaabangang Magpasikat
- Sa It's Showtime, nagpakatotoo si Vice tungkol sa desisyon nilang ito
- Aniya kasi ng 'Unkabogable Star' sa show, "realistically, we can't afford that anymore"
- Gayunpaman, may inihahanda pa rin silang selebrasyon para sa kanilang viewers
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Hindi na napigilan ng Unkabogable Star na si Vice Ganda na tuluyan nang sagutin ang matagal nang tanong ng publiko tungkol sa annual talent competition ng It's Showtime na 'Magpasikat.'

Source: Youtube
Sa gitna ng pagdiriwang ng ika-16 na anibersaryo ng programa, binuksan ni Darren Espanto ang usapin, na nagbigay-daan kay Vice para maging candid sa mga manonood tungkol sa pinansyal na dahilan sa likod ng pag-uusog ng sikat na kompetisyon, bagay na matagal nang tinatanong online.
Ayon kay Vice , ang paggawa ng world-class na production numbers para sa 'Magpasikat' ay may kaakibat na napakalaking gastos na hindi na raw kayang pasanin ng programa sa kasalukuyan.
“Okay, araw-araw nagpapasikat tayo dito sa show. Okay, hindi, since anniversary ngayon at sine-celebrate natin 'tong pinakamagandang araw... ang dami talagang nagtatanong," panimula ni Vice.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Kalaunan ay inamin na ni Vice ang katotohanan, "This year, we decided to make the anniversary celebration different." Aniya kasi ng kilalang Kapamilya host, "Every year po kasi pag nagpapapasikat kami, we spend like a minimum of 6 million per production number. Yun po ang katotohanan dahil hindi po namin tinitipid dahil dun sa gusto naming ibigay na production number."
Ibinahagi pa niya na dati ay afford pa ito ng programa. Gayunpaman, binago na ng mga nagdaang taon at mga pagsubok ang sitwasyon.
"Dati ang saya kasi afford namin. Right now, unfortunately and realistically, we can't afford that anymore. I'm sure you understand and you know why."
Paliwanag ni Vice, dahil tumaas na ang standards nila at pati na rin ang standard ng kanilang manonood, hindi na basta-basta ang paghahanda. Ngunit tiniyak niya na "hindi kami papayag na walang magaganap. Inuusog lang po namin yung panahon lang para makapag-ipon-ipon kami."
Umani naman ng papuri mula sa mga netizen ang pagiging tapat na ito ni Vice sa Showtime.
Aniya ng isang netizen na na-inspire sa pagiging vocal ni Vice: "Grabe, saludo talaga ako sa pagiging vocal ni Vice sa mga social and political issues. Sana marami ka pang ma-inspire para sa ikauunlad ng Pilipinas. Praying for our country."
Say naman ng isang netizen: "I am so happy for VG, she found her purpose! This is your purpose VG, and I hope you continue to be a blessings to those who need it... Showtime is not just a noontime show now. It evolved into a more meaningful show. More years Showtime! God bless!"
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Vice Ganda ay isang kilalang Pilipinong komedyante, aktor, host, at singer. Siya ay malawak na kinikilala dahil sa kanyang matalas na pag-iisip, makulay na personalidad, at malaking ambag sa industriya ng aliwan sa Pilipinas. Sinimulan niya ang kanyang karera bilang stand-up comedian sa mga comedy bar sa Manila. Nagsimula ang kanyang malaking break noong naging regular siyang host sa noontime variety show ng ABS-CBN na It's Showtime noong 2009. Dahil sa kanyang karisma at husay sa pagpapatawa, agad siyang naging sikat sa mundo ng local showbiz.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nabanggit ni Vice Ganda na ang usapin tungkol sa "pagnanakaw" ay hindi na dapat pagtawanan sa kasalukuyan. Mariin niyang pinuna ang katiwalian at korapsyon na may kinalaman sa pondo ng bayan, at iginiit na ito ay seryosong isyu. Binigyang-diin niya na lalong hindi dapat pagtawanan ang sitwasyon ng mahihirap.
Samantalang ay muling naging usap-usapan si Vice Ganda sa social media. Natawag kasi ang aktor ng "sir" kamakailan sa 'It's Showtime.' Dahil dito, agad na binigyang-linaw ni Vice ang nasabing isyu. Aniya, dapat ay i-normalize na ang pagtawag ng "sir" sa kanya, bagay na pinuri ng maraming netizens sa social media platforms.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


