Pokwang, naloka sa AI-edited video niya sa Facebook: "Hindi po totoo"
- Mariing pinabulaanan ni Pokwang ang video na nag-eendorso umano sa kanya ng online gamblíng
- Nagbabala ang komedyana na ang kumakalat na video sa Facebook ay peke at may bahid ng AI editing
- Hinimok ni Pokwang ang publiko na i-report agad ang Facebook account na nagpakalat ng panloloko
- Binibigyang-diin ng insidente ang lumalaking problema ng deepf*ke at AI-generated content sa social media
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Mariing pinabulaanan ng komedyanang si Pokwang ang isang video na kumakalat sa Facebook, na kung saan ay lumalabas na siya umano ay nagpo-promote ng isang porma ng online gamblíng.

Source: Instagram
Nag-post si Pokwang sa kanyang opisyal na Instagram account upang bigyan ng babala ang publiko, at ginamit pa niya ang caption na nagsasabing: "AI alert! Hindi po totoo na nag endorse ako ng online gamblíng na ito! please report this fb account! @nbiphofficial."
Ang nasabing video, na tila may bahid ng artificial intelligence (AI) editing, ay nagpapakita ng isang clip ni Pokwang na nagsasalita. Sa ibaba nito ay may text na nagsasabing:
"Negosyo at JL16 – Sure na Win-Win! 'Oops, I've got some gossip! Aside from my business, I've been playing JL16 – super fun and always winning! First top-up? You instantly get $500! I've almost won $1,000,000 already!' – Pokwang, Comedian & TV Host Top-up. Play. Win!"
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa kanyang reaksiyon, pinatunayan ni Pokwang na ang buong video ay hindi totoo at peke.
Ipinakikita ng kanyang babala ang lumalaking isyu ng deepf*ke at AI-generated content, na ginagamit upang linlangin ang publiko at gamitin ang imahe ng mga kilalang personalidad nang walang pahintulot.
Hinihimok ni Pokwang ang kanyang mga tagasunod na maging mapagmatyag at i-report agad ang Facebook account na nagpakalat ng pekeng promo na ito.
Samantalang hindi naman si Mamang Pokie ang unang nang-call out sa mga AI-edited videos na ito na kumakalat sa iba't ibang social media platforms.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Pokwang ay isang kilalang komedyante, aktres, at TV host sa Pilipinas. Bago pumasok sa showbiz, nagtrabaho siya bilang OFW sa Japan, at naging domestic helper sa Abu Dhabi — mga karanasang humubog sa kanyang matatag na personalidad. Nakilala siya nang sumali sa ABS-CBN reality talent show segment na Clown in a Million noong 2004 at itinanghal na grand champion, na naging tulay sa kanyang pagpasok sa mga sitcom. Sa kasalukuyan, si Pokwang ay isa ng talent ng Kapuso Network, matapos siyang lumipat noong June 2021 sa GMA-7.
Sa nakaraang ulat ng KAMI diretsang binatikos ni Pokwang ang mga "nepo babies" dahil sa kanilang mararangyang OOTD. Ikinumpara niya ang kanyang SHEIN outfit sa mga mamahaling kasuotan ng mga "nepo babies" online. Sa kanyang caption, tinuwiran niyang "sinayang ang pera ng bayan" sa labis na paggastos.
Samantalang ay muling nang-call out si Pokwang ng mga kurakot sa social media. Sa Instagram, may ni-repost si Mamang Pokie na viral video ng isang pari. Aniya kasi ng pari sa clip, grabe raw ang sistema ng korapsyon sa bansa. Dahil dito ay talagang muling napa-comment si Pokwang sa isyu ng korapsyon sa bansa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh