Kris Aquino, ibinahagi ang emosyonal na mensahe ukol sa pamilya at karamdaman

Kris Aquino, ibinahagi ang emosyonal na mensahe ukol sa pamilya at karamdaman

  • Kris Aquino nagbahagi ng mahaba at emosyonal na Facebook post nitong Oktubre 12, 2025
  • Inalala ng Queen of All Media ang kanyang mas masiglang sarili noong 2019 at mga pinagdadaanang sakit ngayon
  • Binanggit ni Kris ang pagpanaw ng mga mahal sa buhay at ang sarili niyang pakikibaka sa autoimmune disease
  • Nagbigay rin siya ng mensahe sa mga nagpapakalat ng maling balita tungkol sa kanyang kalusugan

Nag-post si Kris Aquino nitong Linggo, Oktubre 12, 2025, upang magbahagi ng isang emosyonal na throwback post at kasalukuyang kalagayan sa kanyang kalusugan. Sa kanyang mahabang mensahe, ibinahagi ng TV host-actress ang mga alaala mula early 2019, panahong masigla at masayahin pa siya.

Kris Aquino, ibinahagi ang emosyonal na mensahe ukol sa pamilya at karamdaman
Kris Aquino, ibinahagi ang emosyonal na mensahe ukol sa pamilya at karamdaman (📷@krisaquino/IG)
Source: Instagram

“The year of this was early 2019, if I could only bring back time… she was a laughing and relatively healthy Kris,” ani ng Queen of All Media habang inaalala ang panahong kaya pa niyang magbiro kahit tungkol sa malalaking pangyayari tulad ng lindol.

Read also

Ellen Adarna, may bagong pasilip sa kanyang Amanpulo getaway: "Sunsets, sunrise, serenity"

Sa parehong post, naging bukas si Kris tungkol sa mga pagkawala ng mga mahal sa buhay na labis na nakaapekto sa kanya — mula sa pagkamatay ng kanyang ina na si dating Pangulong Cory Aquino hanggang sa pagpanaw ng kanyang kapatid na si dating Pangulong Noynoy Aquino.

“I have not known loss because of a natural catastrophe BUT I have known loss of a loved one because of a gunshot wound… I got close to the cruelty of death because of stage 4 cancer… We sisters were shocked to lose our brother when we thought the fight to live was still there,” ani pa ni Kris.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinahagi rin ni Kris na nagsimula ang kanyang life-threatening autoimmune disease noong Oktubre 2021, ilang taon matapos mamatay ang kanyang kuya. Ayon sa kanya, mahirap na raw para sa kanya ngayon ang mga simpleng gawain gaya ng pag-akyat sa hagdan.

“Today, October 12, 2025 — for me to climb the steps of the Chanel boutique with no help will be next to impossible,” pahayag niya.

Read also

Judy Ann Santos, may sweet na pagbati kay Lucho: "I am so proud to be called your mom"

Tinukoy din ni Kris ang mga kumakalat na lumang video mula 2019 na muling in-upload at ginawang paksa ng tsismis. Nilinaw niyang wala siyang itinatagong isyu sa pera o sa kanyang pamumuhay.

“If you think reuploading this video will hurt me… you are missing the point — that video was from mid-2019… I have never held a government position nor have I been married to one… The money that paid for that bag came from the upload of the LINDOHL and the subsequent trip to Japan. And it’s 100% tax paid.”

Sa pagtatapos ng kanyang post, nagbiro pa si Kris sa mga taong nagpapakalat ng maling balita tungkol sa kanyang kalagayan.

“Sa lahat ng mga manghuhula na nagsabing malapit na kong mamatay or yung mga nagbalita na patay na ko — alam ko you need to make money but this is a cheap way to do it… Lay off me because mumultuhin kita!”

Read also

Michael V, emosyonal sa ‘Bubble Gang’ reunion; excited sa collaboration nila ni Vice Ganda

Nagpasalamat din siya sa isang kaibigang tinawag niyang “sister in Japan” na nagpaalam sa kanya tungkol sa naturang repost, na nagmulat sa kanya sa pangangailangang maging mas aktibo muli sa social media.

Si Kris Aquino, 54, ay kilala bilang isa sa pinakakontrobersyal ngunit tapat na personalidad sa showbiz. Bukod sa pagiging TV host at aktres, kilala rin siya sa pagiging outspoken tungkol sa pamilya at kalusugan. Matagal na niyang ibinabahagi sa publiko ang laban niya sa autoimmune diseases na dahilan ng madalas niyang pananatili sa ibang bansa para sa gamutan.

Sa naunang ulat ng KAMI, ibinahagi ni Kris Aquino na muling nakasama niya ang isang dating minahal na bumisita sa kanya. Kasabay nito ay ipinakilala niya ang bago niyang doktor sa publiko. Ayon kay Kris, ipinagpapasalamat niyang patuloy siyang binibigyan ng lakas para ipagpatuloy ang kanyang gamutan at maging positibo sa kabila ng karamdaman.

Samantala, nagbahagi rin kamakailan si Darla Sauler, matalik na kaibigan ni Kris, ng isang nakakaantig na mensahe sa social media kung saan ipinagdarasal niya ang paggaling ng Queen of All Media. Nagpasalamat si Kris sa mga taong patuloy na nagdarasal para sa kanya, at pinasiguro niyang ginagawa niya ang lahat upang patuloy na lumaban.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate