Kiray Celis, sinubukang kumasa sa 'Sugar On My Tongue' trend: "Istorbo"
- Viral ngayon ang bagong video ni Kiray Celis na ipinost niya sa Instagram
- Sa naturang video, sinubukan ni Kiray na kumasa sa 'Sugar On My Tongue' trend
- Ngunit ang pagsulpot ni Christian Antolin sa video ay kinaaliwan ng marami
- Aniya tuloy ni Kiray, may "istorbo" raw na sumingit sa kanyang pagkasa sa trend
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Viral ngayon ang bagong Instagram ni Kiray Celis kung saan sinubukan niyang sumabay sa popular na 'Sugar On My Tongue' TikTok trend. Ngunit, hindi naging madali ang kanyang paggawa ng trend dahil sa kanyang kaibigang si Christian Antolin na sapul din sa video clip.

Source: Instagram
Nakita si Kiray sa video, na tila kuha sa loob ng isang supermarket o convenience store, na handa na sanang mag-pose at mag-dub sa sikat na kanta. Sa simula, buong-puso niyang ginawa ang kanyang mga nakakaaliw na facial expressions habang sumasabay sa beat ng trendy song.
Pero habang patuloy siyang nag-e-emote, biglang sumulpot at humarang sa likuran niya ang kanyang matalik na kaibigan at fellow content creator na si Christian at tila sinusubukang may kunin sa loob ng fridge kung saan nakapatong naman ang phone ni Kiray para sa trend.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Agad na inihayag ni Kiray ang kanyang reaksyon sa kanyang caption, na mas nagpatawa pa sa kanyang mga followers. "Nagti-Tiktok ako eh. NAKAKAPIKON! Istorbo!" aniya sa caption.
Ang nakakatuwa at relatable na eksena ay mabilis na nag-viral at tinangkilik ng netizens. Patunay nito, sa kasalukuyan, umabot na nga sa mahigit 248,000 views ang naturang video sa Instagram pa lang. Marami sa mga komento ay nagpahayag na naaliw sila sa dalawa online.
Hindi na bago sa publiko ang matibay at nakakatuwang samahan nina Kiray at Christian. Sa rami ng kanilang collaborations, kitang-kita kung gaano sila kasaya tuwing magkasama.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Kiray Celis ay isang Filipina actress, komedyante, negosyante, at vlogger. Nakilala siya nang husto bilang child star sa ABS-CBN show na Goin' Bulilit at kalaunan ay lumabas din sa drama series na Mara Clara. Sa paglipas ng mga taon, ipinakita ni Kiray ang kanyang versatility sa pagganap ng iba't ibang papel sa telebisyon at pelikula. Bukod sa pag-arte, pumasok din siya sa negosyo at nadiskubre ang kanyang hilig sa live selling sa social media, na naging daan para maitayo niya ang sarili niyang mga brand. Sa kanyang personal na buhay, inanunsyo ni Kiray ang kanyang engagement sa longtime boyfriend niyang si Stephan Estopia noong 2025 lamang.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay labis namang kinilig si Kiray Celis sa pagtapak niya sa "Ying De University" sa Taiwan. Aniya ng kilalang aktres, isa raw itong "dream come true" moment para sa kanya. Sa Instagram, ipinasilip ni Kiray ang kanyang masayang bakasyon sa naturang lugar. Matatandaang ang Ying De University ay ang fictional elite school sa Meteor Garden
Samantalang ay hindi napigilan ni Kiray Celis ang kayang kilig, saya, at tuwa. Sa Instagram, ibinahagi ni Kiray na tinext siya ni Jaya kamakailan. Ito ay matapos niyang manood ng concert ng kilalang OPM icon. Aniya Kiray, talagang "nahimatay" daw ata siya dahil sa text na ito ng OPM icon sa kanya. Marami naman ang natuwa para kay Kiray dahil sa labis na tuwa niya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh