Kara David, may malupit na birthday wish para sa mga kurakot ngayong ika-52 niyang kaarawan
- Si Kara David, isang batikang mamamahayag, ay nag-trending matapos mag-wish laban sa mga tiwaling opisyal
- Sa kanyang 52nd birthday, hiniling niyang mamatay lahat ng kurakot sa bansa
- Ang Reel video ng kanyang birthday wish umabot na sa mahigit 8 million views online
- Hindi naman mapigilan ng mga netizens na matuwa at sumang-ayon sa kanyang matapang na pahayag
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Source: Facebook
Kinatuwaan sa social media ang isang video ng Kapuso journalist na si Kara David sa kanyang birthday celebration.
Umabot na siya sa 52 taong gulang at masayang nagdiwang kasama ang mga kaibigan.
Sa caption ng kanyang Facebook reel, sinabi niyang belated birthday dinner iyon kasama ang mga Cancio.
Mapapanood na nakikipagkulitan muna siya habang kinakantahan ng "Happy Birthday."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Nang hingan siya ng wish, pabiro pero seryosong sinabi ni Kara na sana mamatay lahat ng kurakot sa Pilipinas.
Pagkatapos ay hinipan niya ang mga kandila sa cake na dala ng mga kasama.
Maririnig ang tawanan ng mga nasa paligid habang siya ay nagbibirong inilapag ang cake matapos hipan ang kandila.
Mabilis na nag-viral ang video at umani ng iba’t ibang komento mula sa netizens. Marami ang natuwa at nagsabing sana matupad ang kanyang wish.
May nagkomento na dapat ganito ang wish ng lahat tuwing may birthday, habang ang iba ay nagsabing pareho sila ng hiling kay Kara.
Habang sinusulat ang balitang ito, pumalo na sa higit 6 million views ang video.
Pinuri siya ng mga netizens hindi lang bilang mamamahayag kundi bilang isang mamamayan na may malasakit sa bansa.
Sa kasalukuyan, patuloy pa ring mainit na usapin ang isyu ng korapsyon at mga anomalya, lalo na kaugnay ng flood control projects na iniimbestigahan.
Birthday wish man ito ni Kara, marami ang umaasa na isang araw ay maging realidad ang kanyang hiling.
Panuorin ang nakakaaliw na video habang sinasambit ni Kara David ang kanyang birthday wish:

Read also
Lino Cayetano kumontra sa panawagan ng kapatid na senador: “Let’s not normalize corruption”
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh