Bela Padilla, hindi sumasang-ayon sa ideolohiya ni Sen. Robin Padilla

Bela Padilla, hindi sumasang-ayon sa ideolohiya ni Sen. Robin Padilla

  • Bela Padilla inamin na hindi siya sumasang-ayon sa 99 percent ng ideolohiya ng kanyang Tito, si Senator Robin Padilla
  • Ipinaliwanag ng aktres na magkaiba sila ng pinagmulan ng prinsipyo dahil sa relihiyon
  • Inilarawan pa rin niya ang senador bilang isa sa pinakamabait at mapagbigay na tao na kilala niya
  • Sa parehong panayam, ibinahagi rin ni Bela ang dahilan ng breakup nila ng longtime boyfriend na si Norman Ben Bay

Tapat na inamin ni Bela Padilla na halos lahat ng ideolohiya at paninindigan ng kanyang tiyo na si Senator Robin Padilla ay hindi niya sinasang-ayunan.

Bela Padilla, hindi sumasang-ayon sa ideolohiya ni Sen. Robin Padilla
Bela Padilla, hindi sumasang-ayon sa ideolohiya ni Sen. Robin Padilla (đź“·@bela/Instagram)
Source: Instagram

Sa isang panayam sa YouTube channel ng beteranong mamamahayag na si Karen Davila, diretsahang sinabi ng aktres na, “I don’t. I don’t. Actually, I don’t think I agree with 99 percent of the things he has been fighting for recently, or the things he, the ideologies he has.”

Bagama’t magkadugo, nilinaw ni Bela na sila ay dalawang magkaibang tao na may kani-kaniyang pananaw sa buhay. Ipinaliwanag niya na malaking bahagi ng kanilang pagkakaiba ay nakaugat sa relihiyon. Aniya, Muslim si Senador Robin samantalang siya ay lumaking sumusunod sa paniniwala ng Jehovah’s Witnesses. Dahil dito, mula pa lamang sa pundasyon ay magkaiba na ang kanilang prinsipyo.

Read also

Carlo Aquino, ibinunyag na nagalit ang ina dahil sa pillow fight scene nila ni Anne Curtis

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gayunpaman, hindi itinanggi ni Bela na labis ang kanyang paghanga sa kabutihan ng loob ng kanyang tiyo. “He has such a good heart, but I would do things differently,” dagdag pa niya. Inilarawan niya si Robin bilang isa sa pinakamabait at pinakabukas-palad na tao na kanyang kilala.

Bukod sa usaping pulitika at prinsipyo, tinanong din si Bela tungkol sa kanyang love life. Inamin niya na hiwalay na sila ng longtime boyfriend na si Norman Ben Bay, na nakasama niya ng apat na taon. Ang pangunahing dahilan, ayon sa kanya, ay ang desisyon niyang bumalik ng Pilipinas matapos manirahan sa London.

Naiintindihan daw niya ang panig ni Norman na hindi nais manirahan sa Pilipinas, tulad ng siya mismo na hindi rin pipiliing tumira sa Europe nang pangmatagalan. Sa huli, naging malinaw sa aktres na magkaiba sila ng gusto pagdating sa magiging permanenteng tirahan, kaya’t nauwi ito sa maayos na paghihiwalay.

Si Bela Padilla ay kabilang sa kilalang Padilla clan sa showbiz. Ngunit sa kabila ng pagiging “nepo baby,” napatunayan niyang ang kanyang talento, charm, at personalidad ang nagdala sa kanya sa tagumpay bilang artista.

Read also

Sikat na conservative activist at influencer, patay matapos barilin sa leeg habang nasa event

Hindi lamang sa pag-arte mahusay si Bela; nakilala rin siya bilang isang manunulat at direktor, na nagbigay ng mas maraming oportunidad sa kanya sa industriya ng aliwan. Ang kanyang pagiging multihyphenate ay patunay ng kanyang lawak ng kakayahan sa showbiz.

Kamakailan lamang, naging usap-usapan ang aktres nang ibinahagi niya sa social media ang tungkol sa isang lalaking nakasalamuha niya sa isang event na hindi niya makalimutan. Ayon sa ulat ng Kami.com.ph, hiniling ni Bela sa kanyang followers na tulungan siyang makita muli ang naturang lalaki dahil nakakaaliw umano ang kanilang naging interaction. Bagama’t tila pabirong post, marami ang natuwa at sumuporta sa aktres sa kanyang kakaibang kwento.

Sa isa pang balita mula rin sa Kami.com.ph, humingi ng paumanhin si Bela matapos magbahagi ng kanyang realizations sa pamumuhay niya sa London. Aniya, hindi niya intensyon na maka-offend ng sinuman sa kanyang naging obserbasyon tungkol sa kultura roon. Pinuri naman siya ng kanyang fans sa pagiging tapat at bukas-loob sa paghingi ng dispensa. Basahin ang buong kuwento rito

Read also

Sen. Kiko Pangilinan, kinuwestiyon ang sworn statement ng Discaya couple

.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate