Bela Padilla, may pinapahanap na lalaki na kinaaliwan niya: "May date kami"
- Si Bela Padilla ay naging usap-usapan online dahil sa kanyang Instagram story
- Kamakailan ay nag-post kasi siya ng isang video kung saan nasa film viewing siya
- Habang nanonood, may napansin naman ang aktres sa crowd na kinaaliwan ng fans
- Dahil dito, humingi ng tulong si Bela sa mga estudyante, at pati na rin sa netizens
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Si Bela Padilla, isang kilalang actress, ay naging usap-usapan online matapos siyang humingi ng tulong sa social media para mahanap ang isang lalaki na nakasama niya sa isang film viewing.

Source: Instagram
Noong Friday, September 5, nagbahagi si Bela ng isang video clip sa Instagram kung saan makikita siyang dumalo sa isang film viewing sa isang lokal na unibersidad. Sa kanyang post, nanawagan siya sa mga estudyante, "RIZALIANS, please help me find this guy! May date kami."
Ayon sa aktres, habang nanonood, napansin niyang paulit-ulit na tinitingnan ng lalaki ang kanyang reaksyon, dahilan para hindi nito mapansin ang ilang magagandang eksena sa palabas.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dahil dito, nais ni Bela na imbitahan ang lalaki sa panibagong film viewing session. Maraming netizens ang natuwa sa kanyang ideya at nag-abang kung magaganap nga ang naturang "date."
"I love the guy sitting in front of me, he kept checking for my reactions so he missed out on so many good moments. Sir, kung ano man pangalan mo, please reach out to your organizer, show this post, tell them to call Mac (from our marketing team). I'll watch with you on September 10 kung wala kang lakad, libre ko!" ani Bela sa kanyang viral Instagram story na posted ngayon.
Agad namang umani ng samu't saring reaksyon ang post ng aktres, kung saan marami ang natuwa at nagbigay ng suporta sa kanyang nakakaaliw na paghahanap para sa lalaking ito.

Source: Instagram
Si Bela Padilla ay isang sikat na Filipina actress, screenwriter, at director na kilala sa kanyang husay at versatility sa pag-arte. Ilan sa kanyang pinakapinag-usapang mga pelikula ay ang 100 Tula Para Kay Stella, Meet Me in St. Gallen, at On Vodka, Beers, and Regrets. Sa kanyang personal na buhay, siya ay pamangkin ng action star na si Robin Padilla. Sa paglipas ng mga taon, mula sa pagiging supporting actress ay nakilala si Bela bilang lead actress, na lalo pang nagpatibay sa kanyang pangalan sa industriya ng pelikulang Pilipino. Bukod sa pag-arte at pagsusulat, pinasok din niya ang pagdidirek at produksyon, na patunay ng kanyang lawak ng talento sa showbiz.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay muling umani ng atensyon si Bela Padilla dahil sa kanyang TikTok video. Nag-post kasi si Bela ng isang "POV" video tungkol sa pagkayod para sa mga "princess." Bukod pa nga rito ay nakipag-interact din ang aktres sa mga netizens sa comments. Mabilis namang nag-viral ang video na ito ni Bela at pumalo ng lagpas 4M views.
Samantalang nagbigay-inspirasyon si Bela Padilla sa maraming netizen. Ayon sa ulat ng ABS-CBN, ibinahagi ni Bela kung kamusta ang kanyang puso. Matatandaang inamin na kasi ng aktres sa publiko ang kanyang pakikipaghiwalay kay Norman Bay. Dahil dito, marami ang humanga sa kanyang pagiging tapat, bagay na tumatak sa puso ng kanyang mga tagahanga.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh