Ramon Tulfo ipinagtanggol si Heart Evangelista laban sa “nepo wife” issue

Ramon Tulfo ipinagtanggol si Heart Evangelista laban sa “nepo wife” issue

  • Ramon Tulfo ipinagtanggol si Heart Evangelista laban sa mga netizens na nagsasabing isa siyang “nepo wife”
  • Iginiit niya na si Heart ay “billionaire in her own right” at galing sa pamilyang Ongpauco na may-ari ng Barrio Fiesta
  • Ayon kay Tulfo, bago pa man ikasal kay Sen. Chiz Escudero, matagumpay na si Heart bilang aktres at fashion influencer
  • Dagdag pa niya, personal niyang alam ang pinagmulan ng yaman ng pamilya dahil kaibigan niya ang tiyuhin ni Heart na si Rod Ongpauco

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Usap-usapan ngayon online ang bansag na “nepo wife” kay Heart Evangelista, matapos na maging mainit ang diskurso tungkol sa mga asawa ng politiko na umano’y nakikinabang sa yaman ng kanilang kapareha. Ang terminong ito ay naging popular kamakailan dahil sa mga isyu ng diumano’y anomalya sa flood control projects, na ikinagalit ng publiko matapos makita ang marangyang pamumuhay ng ilang pamilyang politiko na umano’y sinusuportahan ng pera ng taumbayan.

Ramon Tulfo ipinagtanggol si Heart Evangelista laban sa “nepo wife” issue
Ramon Tulfo ipinagtanggol si Heart Evangelista laban sa “nepo wife” issue (📷@iamhearte/Instagram)
Source: Instagram

Kabilang sa nadadamay ay si Heart Evangelista, kilalang aktres at fashion icon, na asawa ni Senate President Chiz Escudero. Bagama’t matagal nang kilala sa industriya ng showbiz at sa mundo ng fashion, marami ang nagtatanong kung ang kanyang tagumpay ay dahil lamang sa pagiging asawa ng isang mataas na opisyal.

Read also

Julia Barretto, diretsahang nilinaw at sinagot ang tanong kung isa ba siyang "nepo baby"

Ngunit sa gitna ng ingay ng mga netizens, tumindig si veteran journalist at kolumnistang si Ramon Tulfo upang depensahan si Heart. Sa isang social media post, diretsahan niyang sinabi: “Heart is a billionaire in her own right.”

Ayon kay Tulfo, hindi kailanman umaasa si Heart sa yaman ni Escudero dahil bago pa man ang kanilang kasal, matagumpay na ang aktres sa sarili nitong karera. Pinunto rin niya na kabilang si Heart sa pamilyang Ongpauco, na may-ari ng sikat na restaurant chain na Barrio Fiesta.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Aniya, “I should know; I’m a friend of her uncle Rod Ongpauco.” Sa ganitong paraan, iginiit ni Tulfo na personal niyang alam ang pinagmulan ng yaman ng pamilya ni Heart at hindi ito nakadepende lamang sa kanyang kasalukuyang asawa.

Bukod sa kanyang pinagmulan, binigyang-diin ni Tulfo na matagal nang kumikita si Heart sa industriya bilang isang aktres, social media influencer, at isa sa pinakamatagumpay na endorsers sa bansa. Sa ngayon, aktibo pa rin ang kanyang mga endorsement deals at patuloy ang kanyang pagkilala sa fashion world, hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa international stage.

Read also

Ai-Ai delas Alas, umalma sa no-show performance sa Calgary Fiesta Filipino 2025

Si Heart Evangelista, ipinanganak bilang Love Marie Ongpauco, ay matagal nang kilala sa showbiz at sa fashion scene. Anak siya ng prominenteng Ongpauco clan, may-ari ng Barrio Fiesta chain of restaurants. Una siyang nakilala bilang teen actress noong early 2000s at lumago ang kanyang career hanggang sa maging isa sa mga itinuturing na style icons ng bansa.

Bukod sa kanyang showbiz projects, si Heart ay kinikilala sa international fashion weeks at sa kanyang kolaborasyon sa mga luxury brands. Sa social media, milyon ang kanyang followers na sumusuporta sa kanyang mga proyekto at endorsements. Siya rin ay asawa ni Senador Chiz Escudero, kasalukuyang Senate President.

Kamakailan lamang, nagbahagi si Heart ng kanyang karanasan sa isa sa kanyang pinakabagong endorsement deal, kung saan kanyang binalikan ang halos tatlong dekada niyang pagta-trabaho sa industriya. Sa kanyang post, sinabi niyang bunga ng “27 years of hard work” ang kanyang mga natatamong tagumpay ngayon. Malinaw sa kanya na ang kanyang kasalukuyang estado ay hindi biglaan kundi resulta ng mahabang taon ng pagsisikap.

Read also

Kris Bernal, ipinakita ang pinapatayong mansion, bumanat ng “No dad as ATM machine”

Samantala, naging bukas din si Heart tungkol sa kanyang personal na laban nang ibahagi niya ang kanilang attempts sa surrogacy. Sa kanyang pahayag, inamin niyang dumaan sila ni Chiz sa proseso ngunit hindi ito naging matagumpay. Gayunpaman, ipinakita ni Heart ang kanyang katatagan at pag-asa sa posibilidad ng pagkakaroon ng anak sa hinaharap, na muling nagbigay inspirasyon sa kanyang mga tagahanga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate