Kaye Abad, may makuwelang birthday greeting sa kanyang anak na si Iñigo

Kaye Abad, may makuwelang birthday greeting sa kanyang anak na si Iñigo

  • Si Kaye Abad ay muling pinasaya at pinainit ang puso ng mga netizens sa social media
  • Kamakailan ay binati kasi ni Kaye ang kanyang bunsong anak sa kaarawan nito
  • Aniya kasi ng sikat na aktres, si Iñigo Leon daw ang kanyang "pinakabugoy" na anak
  • Bukod pa rito ay nag-post din si Kaye ng iba't ibang pictures ni Iñigo sa kanyang page

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Si Kaye Abad, isang kilalang Filipina actress sa mundo ng show business, ay muling pinasaya at pinainit ang puso ng mga netizens matapos magbahagi ng nakakatawa ngunit punong-puno ng pagmamahal na birthday message para sa kanyang cute na bunsong anak na si Iñigo Leon.

Kaye Abad, may makuwelang birthday greeting sa kanyang anak na si Iñigo
Kaye Abad, may makuwelang birthday greeting sa kanyang anak na si Iñigo (@kaye_abad)
Source: Instagram

Noong Tuesday, September 2, nag-post kasi si Kaye sa kanyang opisyal na Instagram ng ilang mga larawan ni Iñigo — kuhang nagpapakita ng kanyang pagiging gwapo at medyo quirky — bilang pagdiriwang ng espesyal na araw ng kanyang anak ngayong taon na ikinatuwa ng fans.

Read also

Ellen Adarna, may patutsada nang mapanood ang "as a nepo baby" video ni Ansis Sy

Sa kanyang now-viral online post, pabirong tinawag ng aktres ang kanyang anak na "pinakabugoy" at idinagdag pa na ito ang kanyang "look-alike" na walang pwedeng kumontra.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"To my 2nd born, sa pinakabugoy, laging may sapot, to my look alike (yes! walang kokontra!) Happy Happy Birthday! Mommy will always be here for you and to your ahya. I promise you that. I love you Iñigo boy!" masayang sulat ni Kaye sa Instagram page niya na umani talaga ng likes.

Matapos ang naturang post, bumuhos naman ang mga pagbati mula sa mga fans at pati na rin netizens sa comments, na masayang nakibahagi sa espesyal na araw ni Iñigo ngayong taon.

May mga ilan pa nga na nagbiro at tinawag ang bunso ni Kaye ng Jungkook, isang BTS member.

Matatandaang winelcome nina Kaye at Paul Jake Castillo ang kanilang bunsong anak noong September 2021, bagay na ikinatuwa ng mga fans at followers ng naturang celebrity couple.

Read also

Slater Young, pumalag nang akusahan siya bilang isang government contractor: "Don't me"

Swipe left para makita ang iba pang pictures:

Si Kaye Abad ay isang aktres na kilala sa kanyang mga proyekto sa telebisyon at pelikula sa Pilipinas. Naging tanyag siya dahil sa kanyang papel bilang Epifania "Eds" Delos Santos sa Tabing Ilog, isang sikat na teen drama series. Lumabas din siya sa ilang teleserye gaya ng Annaliza at Nang Ngumiti Ang Langit. Si Kaye ay kasal sa aktor at negosyanteng si Paul Jake Castillo. Kalaunan, sila ay nagkaroon ng dalawang anak na lalaki na sina Joaquin at Iñigo Leon.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagdiwang ng kaarawan si Kaye Abad. Dahil dito, bumuhos ang pagbati mula sa pamilya at mga kaibigan niya. Isa na rito ang kanyang matalik na kaibigan na si Paolo Contis, na nag-post ng larawan ni Kaye. Ngunit nang makita ni Kaye ang larawang pinili ni Paolo, nagbigay siya ng reaksyon.

Samantalang noong 2024, naging usap-usapan si Kaye Abad matapos niyang ibahagi na nagpadala ng mensahe sa kanya si Iza Calzado. Kaugnay ito ng kanyang naging panayam kay Boy Abunda, kung saan sinabi niyang itinuturing niyang pinakamaganda si Iza. Nagpasalamat si Iza sa kanyang mga papuri ngunit sinabi rin nito kay Kaye na huwag tanggapin ang bansag na siya ang "pangit na version" niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco