Pokwang, agad na tinupad ang request ni Kris Aquino: "Lagi kang nasa dasal ko"
- Agad na tinupad ni Pokwang ang hiling ni Kris Aquino nang mag-message ito sa kanya
- Nitong Monday, August 25, ikinuwento ni Pokwang na nag-message si Kris sa kanya
- Nang mabasa naman ni Mamang Pokie ang hiling na ito ni Kris, agad niya itong ginawa
- Dahil dito, marami sa fans ni Pokwang ang talagang naging emosyonal sa social media
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Si Pokwang, isang kilalang Filipina actress at comedian, ay muling pinahanga at winarm ang puso ng mga netizens matapos siyang magbahagi ng reel tungkol sa niluto niyang espesyal na putahe para sa kaibigang si Kris Aquino, bagay na ikinatuwa ng kanilang mga tagahanga online.

Source: Instagram
Noong Monday, August 25, ikinuwento ni Pokwang na nagpadala ng mensahe sa kanya si Kris at inamin nitong nami-miss na nito ang ilan sa mga lutong-bahay ni Pokwang. Hindi nag-atubili ang aktres at agad agad na nagluto ng mga pagkaing paborito ng kilalang Queen of All Media.
"Nag-message ang aking mahal na kaibigan na miss na niya sopas at Baby GG, so ayun agad agad... lagi kang nasa dasal ko na bumuti na sana ang iyong kalusugan [at] bumalik na sana ang energy mong nakakahawa. Mahal ka namin @krisaquino, dito lang kami, patuloy kang ipagdarasal," paliwanag ni Pokwang sa kanyang caption sa photo-sharing app na Instagram.
Agad namang umani ng samu't saring reaksyon mula sa netizens ang nasabing post, kung saan marami ang natuwa at naantig sa pagmamalasakit at pagmamahal ni Pokwang para kay Kris:
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Napakabuti niyo po, hindi kayo nakakalimot."
"Yung simpleng hiling ni Kris, nakakatuwa na marami ang nagmamahal sa kanya."
"Nakaka-miss ang KrisTv episodes niyo, Mamang! Salamat at hindi niyo po iniwan si Ms. Kris! God bless you, Mamang."
"God Bless your heart, Mamang @itspokwang27. Naalala ko yang sopas, sobrang sarap ng luto mo... Thank you Mamang..."
"Iba ka kung magmahal, Marietta... Nahikbi ako... Kris may need a holistic approach to healing and it's important that friends like you are there when she needs it the most!"
Sa simpleng pagluluto at pagbabahagi ng kanyang pagmamahal, pinatunayan muli ni Pokwang ang kanyang malasakit hindi lamang bilang kaibigan, kundi bilang isang taong may pusong tunay na nagmamahal at nagdarasal para sa kapakanan ng ibang nangangailangan.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Pokwang ay isang kilalang komedyante, aktres, at TV host sa Pilipinas. Bago pumasok sa showbiz, nagtrabaho siya bilang OFW sa Japan, at naging domestic helper sa Abu Dhabi — mga karanasang humubog sa kanyang matatag na personalidad. Nakilala siya nang sumali sa ABS-CBN reality talent show segment na Clown in a Million noong 2004 at itinanghal na grand champion, na naging tulay sa kanyang pagpasok sa mga sitcom. Sa kasalukuyan, si Pokwang ay isa ng talent ng Kapuso Network, matapos siyang lumipat noong June 2021 sa GMA-7.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay hindi napigilang umiyak ni Pokwang matapos mapanood ang pelikula ni Zanjoe Marudo. Sa Instagram, inilahad ni Pokwang kung gaano siya napaiyak at naapektuhan ng pelikula. Aniya Mamang, malala raw talaga dahil ang dami raw niyang iniyak sa kwento na ito, senyas na talagang siya ay naka-relate sa movie.
Samantalang nag-viral sa social media si Pokwang dahil sa kanyang mga recent post sa social media. Kamakailan ay sinagot ni Mamang Pokie ang ilang posts ng netizens sa X. Patungkol ito kay Fyang Smith na pinayuhan niya nito lamang na maging humble. Dahil sa diskusyon ay may ibinunyag si Mamang tungkol sa ibang fans umano ni Fyang.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh