Clyde Vivas, umapela ng respeto para kay Lars sa kabila ng sakit ng hiwalayan

Clyde Vivas, umapela ng respeto para kay Lars sa kabila ng sakit ng hiwalayan

  • Clyde Vivas, nanawagan sa publiko na itigil ang pambabash laban kay Lars Pacheco
  • Inamin ni Clyde na tatlong beses siyang naloko ngunit pinili pa ring intindihin si Lars
  • Pitong taon nilang relasyon ang nauwi sa hiwalayan na labis na ikinasakit ni Clyde
  • Sa kabila ng lahat, nagpasalamat siya kay Lars at nagpahayag ng pagmamahal bago mag-let go

Matapos aminin ni Lars Pacheco na tatlong beses niyang niloko ang longtime boyfriend na si Clyde Vivas, naglabas ng emosyonal na pahayag si Clyde na umani ng atensyon online. Sa halip na makisabay sa pambabatikos, nakiusap si Clyde sa kanyang mga taga-suporta na huwag nang ibash si Lars.

Clyde Vivas, umapela ng respeto para kay Lars sa kabila ng sakit ng hiwalayan
Clyde Vivas, umapela ng respeto para kay Lars sa kabila ng sakit ng hiwalayan (📷@stark_cv/Instagram)
Source: Instagram

Aniya, “Guys, Gustong kong wag nyo na ibash si Lars Kasi Naawa ako eh meron siguro sya talagang ano talaga dinadalang problema na di ko alam, Wag na natin sya ibash at Guys mas maganda na suportahan nalang natin sya kung ano man ang desisyon nya sa buhay ngayon, yun nalang din gagawin ko.”

Read also

Ogie D sa kontrobersyal na rebelasyon ni Liza: "Hindi niya gustong ilabas ‘yun"

Ibinunyag ni Clyde na hindi lang isang beses kundi tatlong beses siyang naloko ni Lars nang hindi niya namamalayan. Gayunpaman, pinili niyang iproseso ang sakit at tanungin ang sarili kung siya ba’y may pagkukulang. “Nung nalaman ko yun inisip ko na sarili ko deserve ko ba yun, may nagawa ba akong mali para magawa nya yun sakin,” ani Clyde.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi maitago ni Clyde ang lungkot sa pagkawala ng kanilang pitong taong relasyon. Aniya, ibinigay niya ang buong sarili sa kanilang pagmamahalan. “Feeling ko Wala talaga akong nagawa guys kasi buong buhay ko binigay ko sakanya dun sa Seven Years na yun, SORRY🥺💔” dagdag pa niya.

Sa kabila ng lahat, hindi nakalimutan ni Clyde ang pasasalamat. Ayon sa kanya, kung hindi rin dahil kay Lars ay hindi siya nakilala ng publiko. “Sa totoo lang kung di dahil rin kay lars di nyo naman ako makikilala talaga kaya sobrang laki ng pasasalamat ko sakanya… Sobrang thankful ko dahil nakilala kita,” wika ni Clyde.

Read also

Clyde Vivas, nagbahagi ng reaksyon matapos kumpirmahin ang hiwalayan nila ni Lars Pacheco

Sa huli, ipinahayag niya ang pagmamahal ngunit matapang ding sinabi ang kailangan niyang gawin: “Gusto ko lang din sabihin sayo MAHAL NA MAHAL KITA SOBRA MAHAL NA MAHAL KITA PERO KAILANGAN KITA I LET GO.”

Si Clyde Vivas ay kilala bilang vlogger at content creator na nakilala sa kanyang relasyon kay Lars Pacheco, isang dating Miss Q&A contestant at online personality. Pitong taon nilang pinagsamahan ang naging pundasyon ng kanilang pagsikat bilang public couple, ngunit ang relasyon ay nauwi sa hiwalayan matapos ang isyu ng panloloko.

Kamakailan ay inamin ni Lars Pacheco na tatlong beses niyang niloko ang longtime boyfriend na si Clyde Vivas. Sa isang panayam, aminado si Lars na nagkamali siya at inako ang lahat ng pagkukulang na nagdulot ng kanilang paghihiwalay. Ang pag-amin na ito ang nagbigay-linaw sa mga haka-haka at naging dahilan upang sumiklab ang pambabash laban sa kanya.

Matapos ang pag-amin ni Lars, agad namang nagbigay ng reaksyon si Clyde Vivas. Inamin niyang mahirap para sa kanya ang pagtanggap sa nangyari dahil pitong taon nilang pinagsamahan ang nauwi sa wala. Gayunpaman, ipinakita niya ang lakas ng loob at sinabing kakayanin niyang harapin ang bagong yugto ng kanyang buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate